You are on page 1of 11

KAHALAGAHAN NG

WIKA SA PAGKATUTO
AT PAGSASALIN NG
KAALAMAN
GROUP 6
X I - D A LT O N
• Ayon kay Lev Vygotsky (1978), isang Rusong
sikolohista, “ang katalinuhan ay ang kapasidad na
makinabang mula sa pagtuturo, kung saan may
mahalagang papel sa pag-unlad ang wika.” Kung gayon,
kinikilala ang wika bilang kasangkapan sa pagkatuto at
pantulong sa pag-unawa.
• Sa pamamagitan ng wika, naipaaabot ng nagtuturo
ang kaalaman sa kaniyang tinuturuan. Maaaring
maging mainam na tulay ang wika kung bihasa ang
tinuturuan sa wikang panturo.
• Sa kabilang banda, maaari namang maging balakid sa
pagkatuto ang kawalan o kaunting kaalaman ng
tinuturuan sa wikang panturo. Kung gayon, kritikal sa
pagbibigay at pagtanggap ng kaalaman ang pagpili ng
wikang gagamitin bilang midyum na panturo.
BILINGGUWALISMO
• Ang bilingguwalismo ay nangangahulugang
malayang paggamit ng dalawang wika sa pagtuturo at
pakikipagtalastasan. Sa Pilipinas, ang mga wikang ito
ay Filipino na ating wikang pambansa, at Ingles na
wikang global.
MULTILINGGUWALISMO
• Multilingguwalismo ang tawag sa paggamit ng
wikang pambansa at katutubong wika bilang mga
pangunahing midyum sa pagtuturo, pag-aaral, at
pakikipagtalastasan, bagaman hindi isinasantabi ang
wikang global na itinuturing bilang isang mahalagang
wikang panlahat.
• Ang bilingguwalismo at multilingguwalismo ay mga
patakarang binuo at ipinatupad sa bansa sa hangaring
mapabuti ang kalagayan ng pag-aaral at pagkatuto ng
mga Pilipino.
• Sa dalawang patakarang ito, kinikilala ang papel ng
wika sa pagpapalawak ng kaalaman at paglilinang ng
kahusayan sa anumang larangan.
• Binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagpili ng
wikang gagamitin bilang midyum na panturo sa lahat
ng antas.
MAHAHALAGANG KAALAMAN
• Mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika sa pagkatuto at
pagsasalin ng kaalaman.
• Ang bilungguwalismo ay ang paggamit ng dalawang wika sa
pagtuturo at pagasalin ng kaalaman: Filipino at Ingles.
• Ang multilingguwalismo ay ang paggamit ng higit pa sa
dalawang wika sa pagtuturo at pagsasalin ng kaalaman:
katutubong wika, Filipino, at Ingles.
• Bagaman isinusulong ang paggamit at pagpapalaganap ng
unang wika at wikang pambansang Filipino, nililinaw rin na
hindi isinasantabi ang Ingles bilang wikang global.
• Pinaniniwalaang ang pag-aaral at pagiging bihasa sa unang
wika ay nagbubunsod ng mas madaling pagkatuto ng iba pang
wika.
• Ang pagsisikap na maging mahusay sa unang wika at sa
kalaunan ay sa wikang pambansa ay isang paghahanda tungo sa
pagiging bihasa sa global na wika at sa iba pang kasanayan.

You might also like