You are on page 1of 10

Tagasuri o Tagayari?

Victoria, Vasil
Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan
Mga Katangian ng isang tagasuri:

1. Obhetibo. Sinasabing obhetibo ang isang


tagasuri kung ang ginagawa niyang
pagbabasa sa iba;t ibang teksto ay walang
pagkiling. Walang kinakampihan. Hindi
nababayaran. Ibig sabihin, wala siyang kai-
kaibigan, kama-kamag-anak o kaki-kakilala.
2. Matapang. Asahan nang marami ang posibleng
iyong makaaway sa gawain o disiplinang ito. Hindi
ka maaaring umurong sa iyong pagsusuri maliban
sa lamang kung nagkaroon ka ng hindi sinasadyang
pagkakamali dahil sa kakulangan,
misinterpretasyon, kawalan ng sapat na
proofreading , tipograpikong pagkakamali. Ngunit
hindi pananagutan ng tagasuri ang bawiin ang
kaniyang mga nasabi o naisulat dahil lamang sa
takot mula sa iba. Sa umpisa pa lamang, malinaw at
maliwanag sa isang tagasuri kung bakit niya sinuri
ang teksto. Panindigan ito.
3. Palabasa at palamasid. Ang binabasa
ng isang tagasuri ay teksto sa diskurso ng
malawak na depinisyon nito. Lahat ay
maaring ituring na teksto. Ang isang
tagasuri ay kayang basahin kung bakit
mataas ang rating o hindi ng isang palabas
ng telebisyon. Kayang basahin ng isang
tagasuri ang maaaring kalabasan ng isang
pambansang halalan o eleksiyon sapagkat
karanasan ang batayan niya ng pagbabasa.
4. Bukas. Hindi sarado ang utak ng isang
tagasuri. Hindi siya nakukulong sa mga
makalumang pormularyo. Ang isang
tagasuri ay adaptable at flexible. Ang
pagiging bukas ay nagbibigay-daan upang
makita ng tagasuri ang positibo at
negatibong taglay ng isang teksto. Bukas
din siya sa lahat ng bagay na dumaraan sa
proseso at yugto ng pagbabago.
5. Konsistent. Hindi papaniwalaan ang
isang tagasuri kung paiba-iba siya ng
panig. Ang konsistent na tinutukoy rito ay
ang panig o argumentong una nang
ipinunto sa gawain ng pagsusuri.
6. Orihinal. Ang isang tagasuri ay may
sariling tatak o pangalan. Malabo ang
ideang copy-cat, carbon copy, photo copy,
at second-rate.
7. Updated. Ang isang tagasuri ay dapat
isa sa mga nangungunang nagbibigay ng
posisyon at hatol sa mga pinakamainit na
isyu ng bayan at lipunan ng Filipino na
nangangailangan ng atensiyon at
pagpapahalaga. Bilang tagasuri, siya ang
pagbubukalan ng mabulas, matino,
matalinong idea at argumento sa mga
paksang kailangang pag-usapan,
pagtalunan at pagdesisyonan.
8. Malinaw. Malinaw ang tagasuri kung siya
ay nagpapaunawa. Hindi siya dapat
pasikot-sikot sa punto. Hindi rin dapat
maligoy ang mga ideang ibinabandera at
ibinebenta sa publikong pinag-uukulan
nito. Kailangang ito ay tiyak at kongkreto
sa tulong mga detalye, hallimbawa,
patunay at pruweba.

You might also like