You are on page 1of 20

MTB-MLE 3

WEEK 8
INAASAHAN

. Natutukoy at nagagamit ang idyoma sa


pangungusap.
Unang Pagsubok

• Panuto: Isulat sa sagutang papel ang


ginamit na sawikain o idyoma.
• __1. Nagsusunog ng kilay si Daisy sa
pag-aaral para sa kanyang kinabukasan.
• __2. Huwag kayo agad maniniwala sa
mga balitang kutsero.
___3. Ipinanganak siyang may gintong
kutsara sa bibig kaya hindi siya
maghihirap.
___4. Mahusay at masarap magluto ang
aming ilaw ng tahanan.
___5. Tingnan mo si Ella di-madapuang langaw
ang kanyang bagong damit.
BALIKTANAW
Ang tula ay isang uri ng panitikan na
nagbibigay diin, ritmo, mga tunog, paglalarawan
at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa
mga salita. Ang sukat , saknong, tugma,
karikatan at talinghaga ay mga element ng tula.
• Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.
1. Ito ay ang pagkakapare-pareho ng
dulong tunog ng dalawa o higit pang
taludtod sa isang saknong ng tula.
a. talinghaga b. taludtod c. tugma
2. Isang uri ng panitikan na nagbibigay
diin, ritmo, mga tunog, paglalarawan at
mga paraan ng pagbibigay ng
kahulugan sa mga salita.
a. Talinghaga b. tula c. Tugma
3. Ang mga sumusunod ay elemento ng
tula alin ang hindi?
• a. Tagpuan b. saknong c. Tugma
4. Alin ang elemento ng tula?
a. Tagpuan b. Tauhan c. Saknong
5. Ano ang mga elemento ng tula?
a. tagpuan,tauhan, tugma, taludtod,
talinghaga.
• B. Tauhan, talinghaga, pangyayari,
solusyon at suliranin
c. Saknong, tugma,sukat, taludtod,
talinghaga, karikatan
MAIKLING PAPAKILALA NG ARALIN
Ang matalinghagang pananalita ay
parirala o grupo ng mga salita na ginagamit
sa paghahambing o pagwawangis.
Ang kahulugan nito ay mahirap tukuyin
kung ang mga pagbabatayan lamang ay literal
o gramatikong gamit ng salita.
Sawikain o idyoma ang tawag sa
matatalinghagang salita.
GAWAIN
A. Panuto: Pagtambalin ang mga
sawikain/idyoma sa tamang kahulugan
nito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
• A B
1. Mababaw ang luha a. mabilis umunawa
2. Malawak ang isip b. nagiging mayabang
3. Hilong talilong c. Mabuting kalooban
4. Ginintuang puso d. Madaling umiyak
5. Lumalaki ulo e. Litong-lito
B. Panuto: Buuin ang pangungusap gamit ang
sawikain o idyoma sa loob ng kahon. Isulat ang
letra sa sagutang papel.

a. Isang kahig isang tuka d. usad pagong


b. di maliparang uwak
c. Nawalan ng dila
e. huling hantungan
• 1. ______ang trapiko sa Edsa.
• 2. Maayos na inihatid sa _____ ang
namayapang Lola.
3. __________ang lupain niya sa Bulacan.
4. Ang aming pamilya ay________.
5. _______si Rico ng tanungin.
TANDAAN

Sawikain o idyoma. Ito ay nagpapahayag na


ang kahulugan ay hindi komposisyonal sa ibang
salita. Hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang
mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-
tuwiran pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng
kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
Panuto: Basahin ang mga
pangungusap. Isulat sa sagutang papel
ang sawikain o idyoma sa bawat
pangungusap.
1. Parehong kaliwa ang paa ni Marie
nang siya ay sumayaw.
2. Si Karla ay di-makabasag pinggan ang kanyang
pagkilos.
3. Alog na ang baba ni Lolo Boy kaya mabagal na
siyang kumilos.
4. Di-mahulugang karayom ang palabas na ginawa
sa plasa.
5. Pakiramdam ni Carina ay nakalutang sa ulap sa
tuwing makikita niya si Coco.
PANGWAKAS NA PAGSUSURI

• Panuto: Basahin ang mga sumusunod na


pahayag . Isulat sa sagutang papel ang
kahulugan nito. Pumili sa loob ng kahon
ang tamang sagot.
Mayaman tatay mayabang salbahe
mahirap
1. Mahangin _________
2. Halang ang bituka ______
3. Nakahiga sa salapi _______
4. Anak-dalita _________
5. Haligi ng tahanan ________
• MARAMING SALAMAT
• SA PAKIKINIG!!!

You might also like