You are on page 1of 16

PAGBIBIGAY NG SALOOBIN

SA KUWENTONG BINASA
AT
PAGLALAHAD NG MGA
KATANUNGAN GAMIT
ANG KUMPLETONG
PANGUNGUSAP
TANDAAN:
Mauunawaan ang kuwento sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga inilahad na mga katanungan. Ang pagbibigay ng hinuha,
komento o saloobin ang magbibigay kahulugan at ugnayan sa
buhay.
Ang paghihinuha ang tawag sa pagbibigay ng hula sa
maaaring mangyari ayon sa kahihinatnan ng isang sitwasyon.
KWL CHART
Ang alam ko Ano ang gusto ko Ano ang natutuhan ko
pang malaman
GISING NA, MANUEL!
Isang hapon,
nagmamadaling
umuwi si Manuel.
Kailangan niyang
tumulong sa
kaniyang pamilya sa
paghahanda. May
parating daw na
bagyo.
“Nanay, kailangan
nating maghanda!”
wika ni Manuel.
“Itali natin ang ating
bubong,”
sabi ni nanay.
“Ipako nang maayos
ang ating dingding,”
dagdag ni tatay.
Kinabukasan,
nanalasa ang
masungit na
panahon. Hindi
nakayanan ng
tali at pako ang
lakas nito.
Lumipad ang
kanilang
bubungan
at bumigay ang
kanilang dingding
dahil sa bugso ng
hangin at lakas
ng ulan.
K
“ aawaan ninyo
kami Diyos ko,”
ang kaniyang
dasal.
“Mga kapitbahay,
tulungan ninyo
kami!” Paulit-ulit
na sigaw ni
Manuel.
Sabay-sabay na
tumulong ang kanilang
mga kapitbahay sa
Barangay San Roque
subalit huli na ang
lahat. Wala silang
nagawa nang tangayin
ng rumaragasang agos
ng tubig ang kaniyang
nakababatang
kapatid.
“Paalam,
Herberto,” tangis
ni Manuel nang
bigla siyang
naalimpungatan
at tuluyan nang
nagising sa
pagkakatulog.
“Napakasamang
panaginip!”
“Ano kaya ang
pwede kong
maitulong para
maiwasan ang
hagupit ng
kalikasan?” Ang
masiglang tanong
ni Manuel.
“Herberto, pwede mo
ba akong samahan?
Magpapalista sana ako
sa barangay para
makasali sa taunang
Clean-up Drive na
pinangungunahan ng
Science Club ng San
Roque Elementary
School.” hiling ni
Manuel.
O
“ po, kuya
sasamahan kita!
Gusto ko rin pong
magkaroon ng tatlong
markang bituin sa
aking kamay kapag
nakagawa ng mabuti
para sa aking
pamayanan,” ang
maliksing tugon ni
Herberto.
Sagutin ang mga katanungan:

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Sino ang pangunahing tauhan sa binasang kuwento?
3. Bakit nagmamadaling umuwi si Manuel sa kanilang tahanan?
4. Ano ang dahilan ng pag-iyak ni Manuel?
5. Kung ang pangyayari sa kuwento ay totoong naganap sa iyong buhay,
ano ang mararamdaman mo?
6. Bilang isang bata, ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang
ganitong pangyayari?

You might also like