You are on page 1of 25

Ang Sulating

Pananaliksik
“Mabuting pananaliksik ay nagsimula sa mahusay
na paksa,
Piliin mo itong mabuti para sa matagumpay na
pagsasagawa.”
Simulan natin:
 Tumayo ang mga mag-aaral at maglibot sa loob ng
silid-aralan kung saan ninyo makikita ang isang bagay
na sasabihin ninyong naobserbahan ninyo at
pagkatapos ay ilalarawan ninyo ito.
 Sagutin ang sumusunod na katanungan?
 Ano ang bagay na inyong inobserbahan?
 Ano ang masasabi ninyo tungkol sa bagay na ito?
Ilarawan mo ito sa klase.
 Sa inyo palagay, kung ihahambing ang inyong
paglalarawan sa ginawa ng isa mo pang kaklase na
nasa kabilang upuan, magkakaroon kaya kayo ng
pagkakaiba?
 Paano mo maiuugnay ang gawaing ito sa pagsasagawa
ng isang mahusay na pananaliksik?
Pangkatang Gawain
 MAGPAPANGKATAN ANG MGA MAG-
AARAL
 Ipaliwanag ang kaugnayan ng mga
sumusunod sa pananaliksik:
 Pangkat 1 – Internet at Social Media
 Pangkat 2 – Telebisyon at Dyaryo at
magasin
 Pangkat 3 – Kapaligiran at Sarili
Pagpili ng Paksa
 Ang pagpili ng paksa ay isa sa
pinakamapanghamong bahagi sa pagsulat ng
pananaliksik. Madalas ang mga paksang palasak
o lagi nang ginagamit ang pinipili ng mga
mananaliksik dahil ang mga ito ang laging nakikita
sa kapaligirang at sa iba’t ibang uri ng media.
Subalit kung mag-iisip at magiging mapanuri ang
mananaliksik ay marami pang mapagkukunan ng
paksa, isang bago at naiibang paksa.
Analisis
Patnubay na tanong:
 Bakit at paano maaaring
mapaghanguan ng isang paksa sa
pagsasagawa ng isang mahusay na
pananaliksik ang mass at social
media, gayundin ang sarili at lipunang
kinabibilangan?
Internet at Social Media
 Sa kasalukuyang panahon, ang internet at
social media ay bahagi na ng buhay ng
tao. Sa marami, ito ang unang tinitingnan
paggising sa umaga at huling sinisilip
bago matulog sa gabi. Napakaraming
impormasyong taglay ang internet at kung
magiging mapanuri ay baka nariyan lang
at naghihintay ang kakaiba at bagong
maaaring gamitin para sa pananaliksik.
Telebisyon
 Malibansa internet, ang telebisyon ay isa
pa sa mga uri ng media laganap lalo na sa
panahon ng cable at digital television. Sa
panonood ng mga balita, mga programang
pantanghali, teleserye, talkshows at iba pa
ay baka matuon ang pansin sa isang
paksang maaari gawan ng pananaliksik.
Diyaryo at Magasin
 Pumunta ka sa aklatan at ilatag ang iba’t
ibang diyaryo sa isang mesa. Mula sa
mga ito’y pag-ukulan ng pansin ang mga
nangungunang balita, maging ang mga
opinyon, editoryal, at mga artikulo. Gawin
din ito sa mga magasin. Suriin at baka
naririto lang ang paksang aakit sa iyong
atensyon.
Pangyayari sa Paligid
 Kung magiging mapanuri ay
maaring may mga pangyayari o
mga bagong kalakaran sa paligid
na mapagtutuunan ng pansin at
maaaring maging paksa ng
pananaliksik.
Sarili
 Baka may mga tanong naghahanap sa
kasagutan subalit hindi naman bsta maihanap
ng kasagutan. O kaya’y baka may interes o mga
bagay na curious at gusto pang mapalawak ang
kaalaman kaugnay nito. Ang mga paksang
nagmula sa bagay na interesado ang
mananaliksik ay karaniwang humahantong sa
isang matagumpay na sulating pampananaliksik
sapagkat nailalagay hindi lang ang kanyang
isipan kundi ang buong puso at damdamin para
sa gawaing sa una pa lang ay gusto na o
interesado na.
Pangkatang Gawain
 Aplikasyon:
 Pangkatang Gawain:
 Pangkat 1 – Gamit ang graphic organizer na

concept map, ipaliwanag ang kahulugan ng


SULATING PANANALIKSIK
 Pangkat 2 – Ipaliwanag ang pagkakaiba ng

sulating pananaliksik sa ordinaryong Ulat gamit


ang Venn Diagram
 Pangkat 3 – Isa-isahin ang mga katangian ng

pananaliksik at ipaliwanag ito.


PAMATANYAN SA PAGGANAP:
 Paraan ng pagbabahagi -15
 Mabisang nagpalutang ang mga ideya at kaalaman -
15
 Kasangkapan ( visual materials) - 10
 Impak -
10
 KABUUAN 50
Sulating Pananaliksik
 Ang sulating pananaliksik ay malalimang
pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa. Hindi
lang ito basta pagsasama-sama ng mga datos na
naisaliksik mula sa iba’t ibang primarya at
sekundaryang mapagkukunan ng impormasyon
kundi taglay nito ang obhetibong interpretasyon
ng manunulat sa mga impormasyong kanyang
nakalap. Ang interpretasyong ito ang
pinakamahalagang elemento ng isang tunay na
sulating pananaliksik (Spalding, 2005)
Constantino at Zafra (2010)
Ang pananaliksik ay isang
masusing pagsisiyasat at
pagsusuri sa mga ideya,
konsepto, bagay, tao, isyu, at
iba pang ibig bigyang-linaw,
patunayan, o pasubalian.
Galejo-Tejero (2011)
Ang pananaliksik ay may tatlong mahahalagang
layunin:
Una: isinasagawa ito upang makahanap ng isang
teorya;
Pangalawa: mula sa pananaliksik ay malalaman o
mababatid ang katotohanan sa teoryang ito;
Pangatlo: isinasagawa ang pananaliksik upang
makuha ang kasagutan sa mga makaagham na
problema o suliranin.
Pagkakaiba ng Sulating Pananaliksik
sa Ordinaryong Ulat
 Nangangalap ng  Nangangalap ng
impormasyon impormasyon
 Limitado ang pokus sa  Malawak ang pokus sa
paksa (susuriin, paksa
hihimayin, palalalimin, at  Mass at social media at
binibigyang-
internet ang
interpretasyon)
sanggunian
 Dami o lawak ng
kagamitan o sanggunian
 Obserbasyon sa paligid,
serbey, pakikipanayam

Sulating Pananaliksik Ordinaryong Ulat


Katangian ng Pananaliksik
 1. Obhetibo – naglalahad ng mga impormasyong
hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong
pinapanigan ng manunulat kundi nakabatay sa
mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya at
sinuri.
 2. Sistematiko – ito ay sumusunod sa lohikal na

mga hakbang o proseso patungo sa


pagpapatunay ng isang katanggap-tanggap na
konkklusyon.
 3. Napapanahon o maiuugnay sa
kasalukuyan – nakabatay sa kasalukuyang
panahon (tukoy nito ang petsa at taon),
nakasasagot sa suliraning kaugnay ng
kasalukuyan, at ang kalalabasan ay
maaaring maging basehan sa desisyong
pangkasalukuyan.
 4. Empirikal – ang konklusyon ay
nakabatay sa mga nakalap na datos mula
sa tunay na naranasan at/o naobserbahan
ng mananaliksik.
 5. Kritikal – Maaaring masuri at
mapatunayan ng iba pang mananaliksik
ang proseso at kinalabasan ng pag-aaral
dahil sa taglay nito ang maingat at tamang
pagbabahagi at paghahatol ng
mananaliksik
 6. Masinop, Malinis, at Tumutugon sa

Pamantayan – nararapat itong sumunod


sa mga pamantayang inilahad at
kakikitaan ng pagiging masinop at malinis
sa kabuuan
 7.Dokumentado – nagmula sa
mga materyales ang mga
impormasyon at datos. Binigyan
ng karampatang pagkilala ang
pinagmulan ng mga ito.
Constantino at Zafra (2010)
 Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa
ibang mapagkukunan ng sandigan.
 Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na mahirap
kunin.
 Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa
katotohanan at sa kredibilidad ng piunagkukunan; sa
pagsisiguro sa lahat ng panig at pagsisiyasat; at sa
pagbibigay ng mga konklusyon, interpretasyon,
komento at rekomendasyon.
 Analiktikal sa mga datos at interpretasyon ng iba
tungkol sa paksa at mga kaugnay nito.
 Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon,
kongklusyon at rekomendasyon sa paksa.
 Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-
aaral ukol sa paksang pinag-aralan, sa pagkuha ng
mga datos nang walang itinatago, iniiwasan,
ipinagkakila, nang walang pagkilala at permiso
kaninumang; at sa pagtanggap ng limitasyon ng
pananaliksik.
 Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos,
sa mga tao o institusyong pinagkunan ng mga ito at
pagtiyak na maayos at mahusay ang mabubuong
pananaliksik mula sa formal hanggang sa nilalaman
at sa prosesong pagdadaanan.
Sintesis
 Sagutin ang mga sumusunod:
 Anong sariling pagpapakahulugan ang maibibigay mo
para sa sulating pananaliksik?
 Sa iyong sariling pananaw, paano ito naiiba sa isang
ulat o sa iba pang uri ng teksto?
 Anu-ano ang mga layunin ng pananaliksik? Sa
paanong paraan nagiging mahalaga ang bawat
layuning ito?
 Bakit sinasabing hindi lang ang aklatan at ang internet
ang maaaring mapagkunan ng mga gamit o
impormasyon para sa sulating pananaliksik?
Paglalapat
 Anu-ano ang tungkulin o
responsibilidad ng isang mananaliksik
na tulad mo? Paano mo maihahanda
ang iyong sarili upang matugunan
ang mga ito sa iyong bubuuing
sulating pananaliksik?
Takdang-Aralin
 Saliksikin ang mga sumusunod na
paksa:
 1. Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
 2. Mga Tip o Paalala sa Pagpili ng

Paksa
 3. Mga uri ng Pananaliksik

You might also like