You are on page 1of 23

Araling

Panlipunan 4

Allerine S. Tapawan
AP Teacher
Flag Ceremony
Prayer
Pagtatala ng
Pumasok
Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELC):

Naipaliliwanag ang mga gawaing


lumilinang sa kagalingang
pansibiko.
Buuin ang jumbled letter sa baba.

oksiib gainwa
Gawaing
Pansibiko
Kahulugan
Gawaing Pansibiko
Ang salitang sibiko ay mula sa salitang Latin na
ang ibigsabihin ay mamamayan.
Noong unang panahon sa lipunang Pranses,
tinatawag na civique ang isang mamamayang
nakapagbuwis ng buhay para sa kaniya
kapwa.
Naipagpapalit ito sa salitang
civil o sibilyan‘ na isang
indibidwal na wala sa serbisyo
ng pamahalaan o hindi
nanunungkulan bilang
sundalo subalit nakatutulong
nang malaki sa kaniyang
bayan.
Ginagamit ang
salitang sibiko
upang pormal na
tukuyin ang mga
mamamayang
bumubuo ng
lipunan.
Kadalasan nang ikinakabit sa
salitang ito ang mga
katagang kagalingan o
welfare. Tinutukoy ng civic
welfare o kagalingang
pansibiko ang pinakamataas
na kabutihang makakamit at
mararanasan ng mga
mamamayan.
Kamalayang Pansibiko
Ang kamalayang pansibiko ay kaisipan na ang bawat isa
ay may pananagutan sa kaniyang kapwa. Ito ay pagkilala
na ang indibidwal ay may kakayahang paunlarin ang
lipunan sa anumang paraang kaya niyang tugunan at
gampanan. Ang pagkukusang-loob, pagtulong nang
walang inaasahang kapalit, at bayanihan ay mga susing
katangiang dapat taglayin sa gawaing pansibiko.
Kahalagahan ng
Gawaing Pansibiko
01
Ito ay isang paraan ng
pagtiyak na ang mga
mamamayan sa isang
lipunan ay tunay na
malaya, nagsasarili,
At kontento sa kanilang
pamunuan.
02

Malaya nilang
naipapahayag ang sarili at
nagagawa ang gusto nang
di lumalabis sa itinakda
ng batas.
03

Nagsasarili sila at kayang


sustentuhan ang sarili at
pamilya.
04

Kontento sila sa
pamamalakad ng
pamahalaan at
sinusuportahan nila ito..
05

Ipinakikita ng gawaing
pansibiko ang
pinakamataas na
lebel ng pakikipagkapuwa
06

Tinitiyak nitong
ang bawat mamamayan ay
nabubuhay nang
matiwasay at
Payapa.
Gawain:

Magbahagi ng balita na
may kaugnayan sa
Gawaing Pansibiko.
Ibahagi ito sa klase.
Tandaan Mo:

■ Ang kagalingang pansibiko ay isang


sitwasyon kung saan taglay ng mga
mamamayan ang kamalayan na may
pananagutan sila sa kanilang kapwa.
■ Ang gawaing pansibiko ay mga pagkilos
at paglilingkod sa iba na kusang
inihahandog ng indibiduwal.

You might also like