You are on page 1of 25

Kababaihang Asyano sa

Sinaunang Panahon
Kababaihan sa Sinaunang Paniniwalang
Asyano

• Naniniwala ang mga sinaunang Asyano sa mga


Diyos at sa kapangyarihan ng mga espiritu
• Hilagang Asya
- Sumamba sa mga diyosang teriomorphic o
may anyong hayop.
- Pinatunayan ito ng mga petroglyph na
kinatampukan ng mga hayop at mga babaeng
shaman na may sungay.
- Sa ritwal ng pangangaso, dumudulog ang
babaeng shaman sa ninunong babae na siyan
namang nananawagan sa babaeng usa na
magpahintulot na magpahuli ang ilang hayop.
- Sa Siberia, pangunahing mga diyosa sina
Pinga (espiritu ng kalupaan), Sedna
(pinakamataas na espiritu at pinuno ng mga
karagatan at mga naninirahan dito), at Ajysyt
(diyosa ng pagsilang)
- Udagan ang tawag sa kanilang shaman.
- Sa sinaunang Mesopotamia, si Inanna (Ishtar sa
mga Akkadian) ang isa sa pinakatanyag na diyosa.
Siya ang diyosa ng pag-ibig at iyag. Tinagurian din
siyang diyosa na maraming katungkulan.
- Sa Japan, ang diyosa ng araw na si Amaterasu
Omikami ang itinuring na pinakamahalagang
diyos at pinaniniwalaang ninuno ng maharlikang
pamilya.
• Timog-Silangang Asya
- pinaniwalaan ang kakayahan ng kababaihan na
makipag-ugnayan sa mga espiritu.
- Bagama’t ikinarangal at iginalang sila dahil sa
kakayahang ito, kinatakutan din sila lalo na ang
may katandaan na.
- Sapagkat maari nilang magamt ang malakas na
kapangyarihang ito upang manakit ng kapwa.
Kababaihan: Posisyon at Tungkulin sa
Tahanan
• Sa loob ng tahanan, iba’t – ibang papel ang
ginampanan ng sinaunang kababaihang Asyano –
bilang anak, kapatid, asawa, ina, at biyuda.
• Sa Mesopotamia, ikinakasal ang babae hindi
lamang sa kanyang kabiyak kung hindi sa buong
pamilya ng lalaki.
• Dala niya ang kaniyang dote at pagiging busilak.
• Dala naman ng lalaki ang kaniyang bride price, na
tumitiyak sa kaniyang karapatan sa asawa.
• Sa lipunang Vedic sa India, tanging ang mga
kababaihan mula sa Kshatriya lamang ang mamili
ng sariling mapapangasawa.
• Dinarangal sa kanila ang pagiging asawa ng babae.
• Tinawag siyang “jaya” (kahati sa pag-ibig ng
asawang lalaki); “jani” (ina ng mga anak); at
“patni” (katuwang sa pagtalima ng at
pagsasakatuparan ng mga sakripisyong
pangrelihiyon.
• Sa ilang bahagi ng Timog-silangang Asya
nagbayad ng bride price ang lalaki para sa
kaniyang mapapangasawa.
• Maaari din siyang manilbihan nang may
dalawa hanggang tatlong taon upang “mabili”
ang babae.
• Sa gawaing ito naipakita ang pagbibigay-
halaga sa kababaihan.
• May ilang bahagi ng rehiyon kung saan
isinagawa ang matrilocal na pananahan –
kung saan ang lalaking ikinasal ay
nakipanirahan sa matriclan o angkan ng
babae.
• Ang dalawang kaugaliang ito ay dahilan kung
itinuring na mapalad ang pagkakaroon ng anak
na babae sa sinaunang Timog-silangang Asya.
• Maliban sa nakatanggap ng bride price ang
pamilya ng babae sa oras na siya ay ikasal,
katiyakan din din ang matrilocal na pananahan
na may kakalinga sa mga magulang ng babae
sa kanilang pagtanda.
• Sa China, bunsod ng pagiging opisyal ng
Confucianism , napagtibay ang patrilineal,
patrilocal, at patriarkal ng pamilyang Chinese.
• Sa lipunang ito, ang sentro ng pamilya ay ang lalaki.
• Maari siyang magkakaroon ng higit sa isang asawa o
ng concubine batay sa kaniyang antas sa buhay at
kayamanan.
• Tungkulin naman ng babae, sa bawat yugto ng
kaniyang buhay, na sundin at paglingkuran ang
malalapit na lalaki sa kanyang pamilya—bilang anak
ng kaniyang ama, kabiyak ng kanyang asawa, at ina
sa kaniyang anak na lalaki sa kaniyang pagkabiyuda.
• Ang mga anak na babae ay hindi pinag-aaral at
hidi nakapagmay-ari ng ari-arian.
• Hindi rin sila maaaring magmana maliban
kung sila ay biyuda.
• Sa maraming sinaunang lipunang Asyano,
itinuturing na pangunahing tungkulin ng
kababaihan ang magsilang ng anak.
• Sa China, ayon sa pilosopong si Mencius, ang
hindi pagsisilang ng tagapagmana (na lalaki)
ang pinakamalalang kalapastangan sa mga
magulang.
• Sa Mesopotamia, sakaling walang kakayahang
magsilang ang babae, bagama’t karaniwang
monogamous ang pag-aasawa sa kanilang
lipunan, maaaring magkaroon ang lalaki ng
ikalawang asawa o ng concubine.
• Ang concubine ay maaaring pagmamay-ari ng
babaeng asawa o alipin ng lalaking asawa.
• Ang anak na nagmula sa alipin ay itinuring na
legal na anak ng babaeng asawa at ang aliping
concubine ay nanatiling alipin.
• May mga lipunang Asyano kung saan ang
nabiyuda ay maaaring ipakasal sa ibang kasapi
ng pamilya katulad ng sa Mesopotamia at India.
Kababaihan sa mga Panlipunang Gawain

• Sa sinaunang China, limitado ang papel ng


kababaihan sa aspektong pantahanan.
• Sa Book of Poetry ni Confucius, binaggit na
“hindi dapat makilahok ang kababaihan sa
mga pampublikong usapin, bagkus ay ilaan
ang kanilang sarili sa pagbabantay sa silkworm
at paghahabi.
• Sa Hilagang Asya, nakaatas sa kababaihan ang
pagtitipon at paghahanda ng pagkain, at mga
gawaing tugma sa pagpalaki na supling tulad
ng paghahabi, at pagpapalayok.
• Ang mga babaeng walang anak ay maaari ring
mangaso.
• Malaki rin ang bahaging ginampanan nila sa
pagsasaka at paghahayupan.
• Sa sinaunang lungsod ng Babylonia,
karaniwang ipinadadala ang isang anak na
babae ng mayayamang pamilya sa templo
upang maging entumpriestess o high priestess.
• Malaki ang bahaging ginampanan ng mga
kababaihan sa paggawa ng pabangong gamit
sa panggagamot, mahika, ritwal, at
pagpapaganda.
• Sa India, tinatamasa ng kababaihang Indian ang
karapatan at kalayaang kapantay sa kalalakihan.
• Mas mataas pa ang kanilang posisyon sa mga
seremonyang pangrelihiyon kaysa sa mga
kalalakihan.
• Maaari silang makapag-aral lalo pa at itinuring
ang edukasyon na isa sa pinakamahalagang
kwalipikasyon sa pag-aasawa ngunit hindi sila
nakapagmay-ari.
• Si Pimiko (o Himiko) ay isang misteryosong
reynang shaman na natalang gumamit ng
mahika at salamangka at bumighani sa tao.
Nangangahulugang “prinsesa ng araw”
• Si Iyo ay isa ring reynang shaman.
Pinanumbalik niya niya ang kapayapaan sa
Japan matapos ang isang digmaang sibil.
Nanungkulan siya sa edad na 13 taon.
• Sa Japan, hinikayat ang pamumuno ng
kababaihan sapagkat pinaniniwalaan na sila
ang magdadala ng kapayapaan at kaayusan sa
bansa.
• Naitala sa kasaysayan ang pamumuno nina
Pimiko at Iyo, mga reynang sumalamin sa
katangiang taglay ni Amaterasu bilang babaeng
diyos – katalinuhan, kagandahan, fertility, at
pagiging busilak.
• Sa kabuuan, masasabing bagama’t limitado ang
karapatan ng kababaihan sa aspektong pampolitika
at ekonomiko, malaki naman ang bahaging
kanilang ginampanan sa sa usaping panrelihiyon.
• Tinupad nila ang mahahalagang tungkulin sa loob
at labas ng tahanan – daan upang mapangalagaan
ang kaayusan ng lipunan at maisulong ang pag-
unlad ng mga sinaunang kabihasnan.
Sa Mahaba at Maikling Sabi
• Sa Myanmar, isinagawa ang pag suot ng metal
na bigkis sa leeg ng kababaihang Padaung.
Karaniwang gawa sa tanso ang bigkis at
sinisimulang isuot sa edad na lima o anim.
Dinaragdagan ito bawat dalawang taon
hanggang umabot ang haba ng leeg nang may
15 pulgada o 38 centimetro.
• Ayon sa mga salaysay, unang ginamit ang mga
metal na bigkis upang pangalagaan ang
kababaihang Padaung mula sa mga
mangangalakal na alipin. Sa isang alamat
naman, isinalaysay na proteksiyon ang mga
metal na bigkis mula sa kagat ng tigre.
• Sa China, isinagawa ang foot binding sa
nakalipas na libong taon. Maaaring nagsimula
ang kaugaliang ito noong dinastiyang Song.
• Unang bingkis ang paa ng babaeng may edad
tatlo hanggang 11 taon. Layunin ng
pagbibigkis na hindi lumaki ang paa nang
lampas sa tatlong pulagada.
• Maraming salaysay ang nagpapaliwanag
hinggil sa pagsisimula ng kaugaliang ito. Isa
rito ay tungkol sa pagbabalat-kayo ng isang fox
sa pamamagitan ng pagbibigkis ng paa upang
magmukha siyang emperatris ng Shang.

You might also like