You are on page 1of 21

PANGNGALAN

aklat kaibigan
Aso
Avril lavigne

paaralan Dingdong dantes


Luneta
- mga salitang sumasagisag sa
ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar,
pangyayari, katangian at
kalagayan.
MGA PANGUNAHING
BATAYAN NG
PANGNGALAN
A. Ayon sa Konsepto
Dalawang Uri
1. Kongkreto o tahas
2. Abstrakto o basal
Kongkreto o tahas
- mga materyal na bagay ang tinutukoy. Ito
ay ang mga pangngalang nakikita at
nahahawakan.
Hal.
lapis aklat papel
mesa silya bulaklak
Abstrakto o basal
-mga di-materyal na bagay ang tinutukoy.
Ito ang mga pangngalang hindi nakikita
at hindi nahahawakan.
Hal.
diwa kaisipan damdamin
hangin kaluluwa ligaya
B. Ayon sa kaanyuan
- nauuri ang pangngalan ayon sa paraan
ng pagkakabuo o kayarian nito. Maaring
ito ay:
• Payak
• Maylapi
• Inuulit
• Tambalan
Payak
- binubuo ng isang salitang-ugat
lamang.
Hal.
bata lindol aklat mangga
tasa baso damit halaman
Maylapi
- binubuo ng salitang-ugat at panlaping
makangalan.
Hal.
palaruan kamag-aral tagaluto
sayawan kaibigan manlalaro
Inuulit
- binubuo ng salitang-ugat na inuulit.

Hal.
sabi-sabi bali-balita
tau-tauhan tatay-tatayan
Tambalan
- binubuo ng dalawang salitang
magkaiba ngunit pinag-isa.
Hal.
hampaslupa silid-aklatan
dalagambukid kapitbahay
C. Ayon sa Kayariang Pansemantika
Pambalana- nagsasaad ng diwang
panlahat.
Pantangi- nagsasaad ng diwang para
sa isang partikular na tao, hayop,
bagay, kaisipan o pangyayari.
Halimbawa:
Pambalana Pantangi
paaralan Holy Angel University
sabon Dove
teleserye Dyesebel
abogado Atty. Rodrigo
lapis Mongol
wika Filipino
MARAMING SALAMAT
SA INYONG PAKIKINIG! 
I. Salungguhitan ang pangngalang ginamit at
ibigay ang uri nito ayon sa konsepto at ayon
sa kaanyuan.

1. Ang bata ay madaldal.

2. Malakas ang lindol ang nadama kagabi.


3. Ang silid-aklatan ay nadamay sa sunog.
4. Napakaganda ng mga halaman sa paligid.

5. Masayang naglalaro ang magkaibigan.

6. Ang hangin ang siyang nagbibigay buhay sa


atin.
7. Si Ana ay isang babaeng matalino.
8. Nawala ang aklat na gagamitin.

9. Ang taong naniniwala sa sabi-sabi ay


walang bait sa sarili.

10. Siya ay binigyan ng maraming bulaklak.


II. Punan ang patlang ng pangngalan batay sa
hinihingi nito. (Ayon sa Kayariang Pansemantika)
Pambalana Pantangi

UP Diliman
Boracay

bansa
relo
paliparan
Mongol
cellphone
Safeguard
hotel
abogado
Takdang- aralin:
Ibigay ang mga uri ng bawat isa ayon batayan ng
pangngalan at magbigay ng halimbawa ng mga
ito.
1. Ayon sa kasarian
2. Ayon sa kailanan
3. Ayon sa kaukulan

You might also like