You are on page 1of 41

LAYUNIN:

1.Naiisa isa ang mga uri ng halamang


ornamental na maaaring itanim sa lata o
paso.
2.Naiisa-isa ang mga hakbang sa
pagpaparami ng halaman sa paraang
layering/marcotting at pagpuputol
3.Naisasagawa ang wastong paraan nang
pagpaparami ng halaman sa paraang
layering/marcotting at pagpuputol
1.Ano-ano ang hakbang sa
pagpaparami ng halaman sa
paraang layering/marcotting at
pagpuputol?
2.Ano-ano ang uri ng halaman
ang maaaring itanim sa lata o
paso?
3. Paano ito isinasagawa?
Nakakita na ba kayo ng isang
halaman na maliit pa pero may
bunga at may namumulaklak na?
1.Paano isinasagawa ang
pagpapaugat?
2.Paano isinasagawa ang
pagpuputol at pagtatanim sa
paso?
Isa sa mga gawain sa pagnanarseri ay ang
pagpaparami ng halaman. Iba-iba ang
paraan ng pagpaparami ng halaman. Ang
mga halaman na mahirap patubuin at
paugatin sa pamamagitan ng pagpu- putol
ay karaniwang pinauugat. Ang ilan sa mga
paraang ito ay ating pag-aaralan, tulad ng
pagpuputol, pagpupunla, at pagpapaugat.
Ang pagpaparami ng pananim ay
nagagawa hindi lamang sa
pagtatanim. Nagagawa rin ito sa
pamamagitan ng ibang paraan.
May dalawang uri ng
pagpaparami ng pananim.
Ito ang sumusunod:
1. Pagtatanim ng buto o
butil
2. Paggamit ng ibang bahagi ng
tanim tulad ng ugat, puno, sanga,
at dahon. Ang mga ito ay
ihinihiwalay at pinalalago upang
maging bagong tanim. May dala-
wang uri ng ganitongpagtatanim.
Ang natural at artipisyal.
a. Natural
Ito ay ang normal na pagtubo
ng mga usbong ng halaman
mula sa ugat o puno ng tanim.
Nangyayari ito sa gabi,
kawayan, luya, at
saging.
b. Artipisyal
Ito ay ginagawa na
ang ginagamit ay
sanga, dahon,
o usbong ng tanim
1. Pasanga (cutting). Ito ang
pinakamadaling paraan ng
artipisyal na pagpaparami ng
tanim. Ang sanga ay pinupu -
tol, pinauugat, at itinatanim.
Ginagawa rin ito sa dahon at
ugat.
2. Marcotting o air
layering. Ginagawa ito sa
sanga o katawan ng
punongkahoy habang ito
ay hindi pa nahihiwalay
sa puno.
Sa marcotting,
sinusunod ang
mga hakbang
na ito:
• 1. Pagtatanggal ng balat
•2. Pagkakaskas ng panlabas na
hibla ng sanga
• 3. Paglalagay ng lupa at lumot

•4. Pagbabalot nito ng bunot


ng niyog/plastik
• 5. Pagtatali

Ginagawa ang marcotting sa mga


punong namumunga
tulad ng chico at manga.
3. Inarching
Sa paraang ito, pinagsasama
ang sanga ng isang puno
at sanga ng isa pang punong
nakalagay sa paso.
Kadalasang ginagawa ito sa
kaimito.
Ang inarching ay
binubuo ng
sumusunod na
hakbang:
•1. Gumawa ng pahabang hiwa sa
puno o sangang pagsasamahin.
•2. Pagharapin ang dalawang hiwa.
Pagdikitin, at itali nang mahigpit.
4. Grafting
Sa paraang ito pinagsa-
sama ang dalawang sa -
ngang galing sa
dalawang puno.
URI NG
GRAFTIN
G
Ang sumusunod ay iba’t ibang uri ng
hala- mang ornamental at punongkahoy
na maaaring itanim:
1. Halamang – dahon
Ito ay mga halamang hindi
namumulaklak ngunit may magaganda
at malalapad na dahon. Karaniwang
itinatanim ito sa harapan ng bahay.
Maaaring itanim din ito sa paso at
gamiting palamuti sa loob ng bahay. Ang
halimbawa nito ay San Francisco, pako,
five fingers, at iba pa.
2. Halamang namumulaklak
Kabilang dito ang mga halaman
na itinatanim dahil sa makukulay
nilang bulaklak at mababangong
halimuyak. Ang halimbawa nito ay
ang rosas, kamya, sitsirika,
bougainvillea, dapo, mirasol, at iba
pa.
3. Halamang – palumpon
Ito ay mga halaman na mayroong
matitigas na sanga na maaaring
gamiting pambakod. Ang ibang
halamang-palumpon ay namu -
mulaklak din.Ang halimbawa nito
ay gumamela, adelfa, rosal,
santan, sampaguita, at iba pa.
4. Halamang – baging
Ito ay mga halaman na gu-
magapang tulad ng kampanil-
ya, niyug–nyogan, kadena de
amor, at iba pa. Ang mga ito ay
nagbibigay kulay sa bakod at
pader ng bahay.
Maraming paraan ang pagpaparami ng
halamang ornamental.
Sa bawat paraan ng pagpaparami ay
mayroon kaniya kaniyang hakbang na
dapat sundin.
Tandaan na mayroong mga halamang
hindi napaparami sa pagpuputol, air
layering o marcotting. Ang iba sa mga
halaman ay buto ang gamit sa pagpapa-
rami nito.
PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod:
Lagyan ng titik (T) kung tama ang pangungu-
sap at (M) naman kung mali ito.
1.Ang air layering ay maaari
din na tawaging marcotting.
2.Kailangan pumili ng
matabang sanga, walang sakit
para sa isasagawang marcotting.
3.Ang butong ipupunla o
itatanim ay kailangan magulang at
galing sa malusog na bunga.
4.Mainam din na ibabad
magdamag sa tubig na may kahalong
kemikal ang butong itatanim.
5.Kailangan sundin ang lahat ng
panuntunan sa pagpapaugat,
pagpupunla, at pagpuputol.
TAKDANG-ARALIN:
1.Bakit kailangan isagawa ang air
layering o marcotting?
2. Paano ito isinasagawa?
3.Ano ang nararamdaman ninyo pag
nakakakita kayo ng isang halamang
tulad ng kalamansi na maliliit palang
pero may bunga na?

You might also like