Aralin II Ang Kuwenta At Kuwento ng Kuwento • Ay isang maikli at payak na pahbabahagi ng isang naranasan, nadama, o naiisip. Kapakinabangan ng pakikinig; 1. Paliwanag. Sa pamamagitan ng pagkikinig, nakakukuha ang tagapakinig ng sagot o paliwanag kung saan nagmula ang gayo’t ganito (hal., kuwentong bayan tulad ng mga mito at alamat). 2. Aral. Nakapupulot ang tagapakinig ng aral sa kuwentong napakikinggan (hal., parabula at pabula). 3. Pampalipas-oras/Paglilibang. May iba’t iba at magkakasalungat na damdaming napupukaw habang nakikinig sa isang kuwento: ligaya at lungkot, pagmamahal at pagkasuklam, tagumpay at pagkabigo, at iba pa, mula sa iba’t ibang kuwento ng pag-ibig, katatawanan, katatakutan, pakikipagsapalaran, at iba pa. Sangkap ng Maikling Kuwento 1. Tauhan 2. Pananaw o punto de Bista 3. Banghay 4. Tunggalian 5. Tagpuan at kaligiran 6. Tema