You are on page 1of 45

PANANALIKSI

K
Kahulugan ng Pananaliksik
Ayon kay Vizcarra (2003), ang pananaliksik
ay isang sistematiko, kontrolado, empiriko,
at kritikal na pag- imbestiga sa
haypotetikal na pahayag tungkol sa
inaakalang relasyon o ugnayan ng mga
natural na penomenon.

Idinagdag nina Atienza (1996), ang


pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko,
mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag- aaral
tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,
problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan.
Lartec (2011)
Kahulugan ng Pananaliksik
Parehong kaisipan din ang ipinahayag ni Sauco
(1998) na ang pananaliksik ay isang pamamaraang
sistematiko, pormal at masaklaw na pagsasagawa ng
pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan ng matiyaga
at hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga
pangunahing maaaring pagkunan. Inaayos ang mga ito at
pagkatapos ay sinusulat at iniuulat.

Ayon naman kay Sanchez (1998), ito ay puspusang


pagtuklas at paghahanap ng mga hindi pa nalalaman.

Ipinahayag naman ni Sevilla (1998), na ang


pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya,
pagsubok sa teorya o paglutas sa isang suliranin.
Kahulugan ng Pananaliksik

Bilang kongklusyon, ang


pananaliksik ay isang sistematiko at
siyentipikong proseso ng
pangangalap, pagsusuri, pag- aayos,
pag- oorganisa, at pagpapakahulugan
ng mga datos tungo sa paglutas ng
suliranin, pagpapatotoo ng
prediksyon, at pagpapatunay sa
imbensyong nagawa ng tao.
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Austero, et al. (2006)
1. Makadiskubre ng mga bagong kaalaman
hinggil sa mga batid na

2. Makakita ng mga sagot sa mga suliraning


hindi pa ganap na nalutas

3. Maka-develop ng episyenteng
instrumento, kagamitan o produkto

4. Makatuklas ng mga bagong sabstans o


elemento (komposisyon o kabuuan ng
isang bagay)
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Austero, et al. (2006)
5. Makalikha ng mga batayan para
makapagpasya at makagawa ng mga
polisiya, regulasyon, batas o mga
panuntunan na maaaring gamitin sa iba’t
ibang larangan

6. Matugunan ang kyuryusidad, interes at


pagtatangka ng isang mananaliksik

7. Madagdagan, mapalawak at mapatunayan


ang mga kasalukuyang kaalaman
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Lartec

(2011)
1. Mapaunlad ang sariling kamalayan sa
paligid.

2. Makita ang kabisaan ng umiiral o


ginagamit na pamamaraan at
estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto.

3. Mabatid ang lawak ng kaalaman ng


KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK (Lartec, et al.,
2011)
⚫ BENEPISYONG EDUKASYONAL

Ang pananaliksik ay nakatutulong sa guro upang


magsilbing gabay ang natuklasan at nang sa gayon ay
mapagtagumpayan niya ang epektibong pagtuturo sa
kanyang mga mag-aaral.

Para naman sa mga mag-aaral, natututo sila sa mga


isyu, metodolohiya at kaalaman sa napili nilang larangan.
Gayundin, kung nagsasagawa sila ng pananaliksik o
nakababasa ng mga resulta ng mga isinagawang
pananaliksik, naisasabuhay nila ang mga natutuhang
konsepto at nahahasa ang kanilang kasanayan sa paglutas
ng suliranin dahil ang pananaliksik ay pawang paghahanap
ng solusyon sa mga suliranin.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK (Lartec, et al.,
2011)

⚫ Benepisyong propesyonal

Ang mag-aaral ay nakapaggagalugad at


nakapaghahanda para sa kanyang pinapasok na
karera dahil sa nasasanay na siyang magbasa at
mag-analisa ng mga datos na nagbubunga ng
pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa
kanyang propesyon.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK (Lartec, et al.,
2011)

BENEPISYONG PERSONAL

Sa proseso ng pananaliksik, napapaunlad


ng isang mag-aaral ang kritikal at analitikal na
pag-iisip na magbubunga ng kanyang pagiging
matatag sa buhay. Nakakaya niyang tumayong
mag- isa, at masanay na siya sa paghahanap ng
mga datos bilang tugon sa paglutas ng mga
suliranin at sa mga pagsubok sa buhay.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK (Lartec, et al.,
2011)
⚫ BENEPISYONG PAMBANSA
Sa pamamagitan ng pananaliksik, natatamo ang pag-
unlad ng bansa at nakatutulong sa pagkakaroon ng matatag na
lipunan tungo sa mabuting pamumuhay para sa lahat. Maging
ang desisyon ng ating mga pinuno hinggil sa kapakanang
pambansa ay batay sa resulta ng mga isinagawang
pananaliksik.

⚫ BENEPISYONG PANGKAISIPAN

Nadadagdagan ang kaalaman at pagkatuto ng isang


indibidwal at nahahasa ang kanyang kaisipan dahil sa
natitipon niyang mga ideya at pananaw mula sa iba’t
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK (Lartec, et al.,
2011)
⚫ BENEPISYONG PANGKATAUHAN

Sa pakikipanayam at pagtitipon ng mga


datos, nahahasa ang kagalingan ng isang mag-
aaral sa pakikipagkapwa-tao.
Nagbubunga ito ng kahusayan sa
pakikibagay at pakikipag-ugnayan sa iba’t
ibang tao. Bukod dito, nalilinang ang kanyang
tiwala at pagmamalaki sa sarili lalo na kapag
nagampanan niya nang maayos ang tungkuling
hinarap at lalo na kung ito ay naaayon sa
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
⚫ Ang pananaliksik ay sistematiko.
Ito ay sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso na
nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa suliranin o
anuman na naglalayong matuklasan ang bagay na hinahanapan ng
kasagutan.

⚫ Ang pananaliksik ay kontrolado.

Ito ay hindi isang ordinaryong problema na madaling


lutasin. Pinaplano ito nang mabuti at ang bawat hakbang ay
pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta ng
isinasagawang pag-aaral.

Ang napiling suliranin ay binibigyan ng


pagpapaliwanag, kinikilala at pinipili ang mga baryabol.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK

⚫ Ang pananaliksik ay empirikal.

Ipinakikita rito na kapag ang lahat ng mga datos ay


kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang
mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong
haypotesis.

Ang mga empirikal na datos ay magsisilbing


batayan sa pagbuo ng kongklusyon.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
⚫ Ang pananaliksik ay pagsusuri.

Ito ay masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at


kwalitatibo. Sinasabing kwantitatibo kapag ang pagsusuri ay
nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang na ginamit samantalang
ang kwalitatibo ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay
ng kuru-kuro o interpretasyon.

Sa kwalitatibong pananaliksik makikita ang kritikal na


pagsusuri sa mga dokumentong nakuha na magiging batayan sa
pagbibigay ng kongklusyon.

Ang mga datos na sinusuri sa isang pananaliksik ay


karaniwang hango sa talatanungan, pakikipanayam, sarbey, at iba
pa. Ang mga dokumentong ito ang sinisiyasat nang mabuti upang
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
⚫ Ang pananaliksik ay lohikal, obhektibo, at walang
kinikilingan.

Ang anumang resulta ng pag-aaral ay may sapat na


batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.
Ang mananaliksik ay dapat na walang pinapanigan o
kinakampihan. Dapat itala niya anuman ang naging resulta
ng pag-aaral.

Maituturing na isang krimen ang pagmanipula sa


resulta ng anumang pag-aaral kaya dapat sikapin ng
mananaliksik na maging matapat at obhektibo.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
⚫ Ang pananaliksik ay ginagamitan ng haypotesis.

⚫ Ayon kay Best (1981), ang haypotesis ay


pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang
tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan,
pangyayaring naganap na o magaganap pa lamang.

⚫ Ang haypotesis ay tumutukoy sa tiyak na


pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang pag- aaral.
Ipinakilala ng haypotesis ang kaisipan ng
mananaliksik sa simula pa lamang ng pag-aaral.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
⚫ Orihinal na akda ang pananaliksik.
Hangga’t maaari, tiyaking bago ang paksa at wala pang
nakagawa sa nasabing pananaliksik.

May sistema ang pananaliksik.

Tulad ng iba pang siyentipikong gawain, ang pananaliksik ay may


sistemang sinusunod. Hindi naaaksaya ang oras, panahon at salapi kung
ang gawain ay nasa ilalim ng nararapat na proseso.

Sa pagsisimula hanggang sa pagtatapos, ang pananaliksik ay


isang gawaing may proseso o sistema - hindi ito natatapos na
minamadali.

Ang pananaliksik ay sumusunod sa maayos at


makabuluhang prosesong nagbubunsod sa pagtuklas ng
katotohanan, solusyon sa suliranin o anumang bagay na
hinahanapan ng kasagutan.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
⚫ Hindi mahirap kalapin ang mga datos na pag-
aaralan.

Kung magsaliksik, siguraduhing may mababasa kang


impormasyon ukol sa paksa, mapaaklat man, magasin,
o di kaya’y sa internet.

⚫ Hindi magastos ang paksa.

Hangga’t maaari, pumili ng paksa na hindi gugugol ng


malaking halaga. Ngunit isaalang-alang din ang kalidad
ng gagawing pag-aaral.
KATANGIAN NG PANANALIKSIK
⚫ Ideyal ang pananaliksik kung ang mga datos ay
abot- kamay.

Sa ikagaganda, ikahuhusay at ikadadali ng anumang pag- aaral,


mahalaga na ang datos ay madaling mahanap. Ang mahalaga sa
pananaliksik ay malinaw na nasagot o natugunan ang mga
katanungang inihanda.

⚫ Makatotohanan ang pananaliksik.

Ang pananaliksik ay isang siyentipikong gawain, marapat lamang


na ilahad ang totoong kinalabasan ng pag-aaral batay sa isinagawang
pagsusuri at istadistikong analisis.

Sa madaling sabi, hindi dinoktor ang mga datos upang


mapabuti ang resulta ng pananaliksik. Mababa man sa inaasahan o
ETIKA NG
PANANALIKSIK
Pananagutan ng isang mananaliksik ang pag-iwas at
pag-ingat sa plagiarism o pangongopya ng gawa ng iba.
Kung gayon, kailangan niyang maging matapat sa kanyang
isinusulat at mapanindigan niya ang anumang produktong
ginawa niya sa lahat ng oras.

Bagama’t bukas na ang lahat ng sources o sanggunian


dahil na rin sa teknolohiya, kailangan pa rin ng mananaliksik
na ipakilala at ipabatid sa kanyang mambabasa ang
pinagmulang sanggunian ng anumang datos na isinama niya
sa kanyang ginawang pananaliksik.

Sa pagsasaalang-alang ng batas batay sa


Intellectual Property Rights, kailangan ang
mahigpit
ETIKA NG
⚫PANANALIKSIK
Paggalang sa karapatan ng iba
Kung gagamitin bilang respondent ang isang
pangkat ng mga tao anuman ang antas na
kinabibilangan nila, kailangan ang kaukulang
paggalang o respeto sa kanilang karapatan. Hindi
maaaring banggitin ang kanilang pagkakakilanlan
kung wala silang pahintulot.

⚫ Pagtingin sa lahat ng mga datos


bilang confidential

Kinakailangang alamin ang lahat ng datos at


detalyeng nakuha mula sa sarbey, o anumang paraan na
confidential. Nasa sariling pamamaraan ng mananaliksik
kung paano niya ilalahad ang kabuuan
ETIKA NG
PANANALIKSIK
⚫ Pagiging matapat sa bawat pahayag

Ang anumang pahayag sa kabuuan ng sulating


pananaliksik ay nararapat na matapat at naaayon sa
pamantayan ng pagsulat. Hindi maaaring baguhin ang
anumang natuklasan para lamang mapagbigyan ang
pansariling interes o pangangailangan ng ilang tao.

⚫ Pagiging obhektibo at walang kinikilingan

Ang isang mananaliksik ay dapat walang kinikilingan.


Kailangang matapat niyang mailahad ang resulta ng kanyang
pananaliksik nang walang pagkiling kaninuman. Dapat ay maging
pantay siya sa lahat. Kinakailangang maibigay kung ano talaga ang
nararapat para sa isang tao, pangkat ng mga tao, institusyon at iba
pang may kinalaman sa kanyang ginawang sulating pananaliksik.
PAMAMARAAN
NG
PANANALIKSI
K
MGA PAMAMARAAN NG
PANANALIKSIK

1. Pamamaraang pangkasaysayan,
na tinutuklas ang katotohanan ng
nakaraan
2. Pamamaraang palarawan, tungkol
sa kasalukuyan
3. Pamamaraang eksperimental,
tungkol sa maaaring maging
katotohanan sa hinaharap.
A. ANG PAMAMARAANG
PANGKASAYSAYAN

Tinatangkang sagutin o tugunin ng


pamamaraang ito ang nakaraan sa
pamamagitan ng pagpapakita ng kaugnayan ng
sanhi at bunga. Sinisikap ng pamamaraang ito
na matuklasan ang sanhi ng mga nakalipas
na kaganapan, sitwasyon, at
kalagayan. Makukuha ang mga datos sa mga
tunay na talaan, dokumento o kasulatang
naging saksi ng nakaraan.
Narito ang ilang gawaing isinasaalang-
alang sa pagbuo ng pangkasaysayang
pananaliksik:

1. Pagpili at pagbalangkas ng suliranin

Isinasaalang-alang sa gawaing ito ang


kakayahan ng mananaliksik, ang
mapagkukunan ng mga datos, ang tagal ng
panahong maiuukol sa pag-aaral, ang
kagalingang pampropesyonal, ang sapat na
mapagkukunan ng mga datos, at pagtiyak na
matatapos ng mananaliksik ang proyekto sa
2. Pangangalap at pagtitipon ng mga datos

Ang mga datos ay maaaring makalap


mula sa mga kasulatan tulad ng mga
opisyal at pampublikong dokumento, ang
saligang-batas, mga batas, mga dekreto,
mga resolusyon at iba pa; mga materyales
na naisalin na ng pasalita gaya ng mga
kuwentong- bayan, alamat at tradisyon;
mga gawaing pansining tulad ng mga
masining na guhit, mga larawan, mga
relikya at labi, maging pisikal o di-
3.Kritikal na pagsusuri ng mga datos

Ang pagsusuri ay maaaring


panloob at panlabas na isinasagawa
upang mabatid ang pagiging tunay at
pagkamakatotohanan ng mga
pahayag dito.
B. ANG PALARAWANG PANANALIKSIK

Inilalarawan sa pamamaraang ito ang tumpak na


larawan ng kasalukuyang kalagayan ng mga
bagay- bagay na maaaring verbal, graphic o
isinalarawan, quantitative o statistical. Ang mga
datos ay mula sa mga kasalukuyang ulat, sarbey o
pagmamasid. Ang kahusayan ng uring ito ay nakasalalay sa
pagkabalido at pagkamaasahan ng mga datos.

Ang mga datos sa uring ito ay maaaring makuha sa


tulong ng mga talatanungan at mga panayam, kaya lamang,
ang talatanungan ay nagpapakita ng kuru-kuro o palagay,
pagkaunawa, saloobin at iba pang sabdyektib na kalagayan
ng kamalayan.
MGA URI NG PALARAWANG
PANANALIKSIK

1. Pag-aaral ng kaso
2. Sarbey
3. Papaunlad na pag-aaral
4. Follow-up na pag-aaral
5. Pagsusuri ng dokumento
6. Pagsusuring pangkalakaran
1. PAG-AARAL NG KASO

⚫ Sinusuri sa uring ito ang isang partikular na tao, pangkat o


sitwasyon sa isang tiyak na saklaw ng panahon. Ang masusing
pagtatanong at pagsusuri sa kaasalan ng isang tao, ang
pagmamatyag kung paano nagbabago ang kaasalan ng tao
upang ibagay at itugon ang kanyang sarili sa kapaligiran ay
pangangailangan sa ganitong uri ng pananaliksik.

⚫ Dapat na tuklasin at kilalanin ang mga malayang baryabol na


nakatulong sa pag-unlad ng paksa. Dapat na mangalap ng mga
datos na kaugnay ng nakaraang karanasan at ng kasalukuyang
kalagayan at kapaligirang pinag-aaralan.

⚫ Dapat na tuklasin kung paano nagkakaugnay-ugnay ang mga


salik at kung paano ang mga salik na ito ay makakaapekto sa
kasong pinag-aaralan. Ang mga pananaliksik sa pamamatnubay
ay nagpapakita kung paano nakatutulong ang pag-aaral ng kaso
sa paglutas ng mga personal na suliranin ng isang tao.
2. SARBEY
⚫ Kung nais ng isang mananaliksik na makakalap ng limitadong
datos mula sa isang antas ng kaso, gagamitin niya ang
ganitong uri ng pananaliksik. Higit na impormasyon ang
makukuha tungkol sa mga baryabol sa halip na tungkol sa mga
tao.

⚫ Ginagamit ang sarbey para sukatin ang isang umiiral na


penomenon na hindi kakailanganing alamin ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga baryabol.

⚫ Ang paggamit ng datos upang malutas ang umiiral na


suliranin sa halip na pagsubok sa haypotesis ang pangunahing
layunin ng ganitong uri. Sensus at sampol ang saklaw
nito.

⚫ Sensus ang tawag kung sinasangkot ang buong


populasyon samantala ginagamit naman ang sarbey para itala
ang payak na talahanayan ng mga tahas na bagay o
3. PAPAUNLAD NA PAG-AARAL

⚫ Maaaring gamitin ang ang uring ito kung ang


mananaliksik ay naglalayong makakuha ng
maaasahang impormasyon tungkol sa pagkakatulad
ng mga bata na may iba-ibang gulang, paano sila
nagkakaiba-iba sa iba-ibang gulang at kung paano
lumalaki at umunlad. Ang disenyong ito ay
nagbibigay ng sapat na panahon para pag-aralan ang
sikolohikal, intelekwal at emosyonal na paglaki ng
mga bata.

⚫ Sa papaunlad na pag-aaral maaaring talakayin ang
intelekwal, pisikal, emosyonal at panlipunang pag-
unlad. Ang longitudinal at ang cross-sectional
na pamamaraan ay ang mga teknik na maaaring
4. FOLLOW-UP NA PAG-AARAL

⚫Kapag ang pananaliksik ay naglalayong sundan


pa ang pag-aaral sa pag-unlad ng mag-aaral
pagkatapos na mabigyan ng tiyak na gawain o
kalagayan, maaaring gamitin ang uring ito.

⚫Angkop ang pag-aaral na ito kung tinataya o


pinahahalagahan ang tagumpay ng isang
partikular na programa tulad ng pamamatnubay,
pagtuturo. pampangasiwaan at iba pang
programa.
5. PAGSUSURI NG DOKUMENTO

⚫Ang mga datos sa uring ito na kilala ding


pagsusuri ng nilalaman ay makukuha sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mga tala at
dokumento.

⚫Halimbawa, kung nais mong tuklasin kung


hanggang saan ang saklaw ng mga aklat
tungkol sa Edukasyon sa Pagpapakatao,
maaaring suriin ang nilalaman ng aklat kung sa
anong mga aralin napapaloob ang
pagpapakatao.
6. PAGSUSURING PANGKALAKARAN

⚫ Kung nais ng mananaliksik na mabatid ang magiging


kalagayan sa hinaharap, maaari niyang gamitin ang
pamamaraang ito.

⚫ Halimbawa nito ay ang paghahanda ng plano ng mga


paaralang pribado o pampubliko, sa pagpapaunlad ng
pisikal at intelekwal na pagpapaunlad halimbawa ng mga
gusaling kakailanganin, ang bilang ng mga silid- aralan at
plano ng kurikulum at mga kurso na kakailanganin sa mga
darating na panahon.

⚫ Upang matiyak ang direksyon ng pagbabago, dapat na


magkaroon ng sarbey na siyang magiging batayan
ANG EKSPERIMENTAL NA
PANANALIKSIK

⚫ Natatanging katangian ng pamamaraang ito ang


panghuhula sa maaaring kasagutan ng mga
katanungan.

⚫ Haypotesis ang tawag sa hulang ito.


Ang pamamaraang eksperimental ay ang pagsubok
sa isang haypotesis sa pamamagitan ng isang
mapamaraang paggamit ng may kaugnayang empirikal na
mga salik, sa pag-asang matatamo ang katotohanan kung
ang haypotesis ay mapapatunayan ng bunga ng mga
mapamaraang paggamit.

⚫ Sinasabing napakakontroladong paraan ang


ANG PLANONG
EKSPERIMENTA
LAng mga sumusunod ay ilan sa mga

hakbang ng pamaraang eksperimental:

⚫Pagtiyak sa suliraning eksperimental


o paksa
⚫Pagsasagawa ng sarbey ng mga
magkakaugnay na literatura at
mga pag-aaral
⚫Pagbabalangkas ng haypotesis
⚫Pagkilala sa mga eksperimental na
baryabol
ANG PLANO NG PANANALIKSIK (Ernesto
Aban)

1. Pamagat o paksa ng iminumungkahing pag-aaral


ANG MULTILINGGWALISMO SA PAGLINANGNG
KASANAYAN SA PAGBASA
ni Lorey D. Funtanilla-Tanaleon
2. Pagpapahayag ng suliranin
3. Saklaw at limitasyon ng pag-aaral
Ipinapahayag sa saklaw ang mga tiyak na
mapagkukunan ng mga impormasyon, panahong sasakupin
ng pag-aaral, delimitasyon at hangganan ng mga pag-aaral.
Ang limitasyon sa kabilang dako ay isang aspekto ng
pagsisiyasat na makaaapekto sa kinahinatnan ng pagsisiyasat
ngunit wala sa kakayahan ng mananaliksik na makontrol. Ang
kakulangang ito ay kailangang babanggitin ng mananaliksik
para maging kapani-paniwala ang
4. Ang kahalagahan ng pag-aaral
5.Depinisyon ng mga katawagan at
panteoryang balangkas
6. Pamamaraan at paraan
⚫ Pamamaraan ang tawag sa isang set ng mga hakbang
na gagawin sa pagtuklas ng kabatiran na kaugnay sa
pagtatakda ng panahon sa pagtuklas ng katotohanang
dapat mabatid--nakaraan, kasalukuyan at hinaharap.

⚫ Ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik ay


maaaring pangkasaysayan, palarawan at eksperimental.
Maaaring pagsamahin ang mga pamamaraang ito ngunit
dapat na lilinawin ng mananaliksik kung saang bahagi
ginamit ang bawat isa.

⚫ Ang paraan sa kabilang dako ay tumutukoy sa mga
tiyak na hakbang na maayos ang pagkakasunod- sunod
gaya ng mga sumusunod:

⚫ pangangalap ng mga dokumentadong katibayan


⚫ pagtataya o pagkilatis sa katunayan ng mga kasulatan
⚫ pagsusuri
⚫ pag-uuri
⚫ paghahambing
⚫ pagsasalaysay ng kuwentong ipinahahayag
⚫ pagbuo ng kongklusyong kaugnay ng mga sanhi at
bunga
7. Pagrerepaso ng mga kaugnay na pag-aaral at
literatura

Ang repaso ay maaaring ipahayag sa anyong paglalahad,


pagtataya at pamumuna. Ito ay ginagawa dahil sa
sumusunod na mga layunin:

Upang maipakita ng mananaliksik na pamilyar siya sa mga


pangunahing kaisipan sa kaugnay na larangan ng pag- aaral;

Upang maipakita na ang mga nakaimbak nang kaalaman sa


larangang ito ay hindi pa lubos na buo at hindi pa gaanong
maaasahan; at
8. Ang bibliyograpiya o talasanggunian

Ang talasanggunian o bibliyograpiya ay


matatagpuan sa hulihan ng sulating pananaliksik ngunit
una itong isinasagawa bago pa man mabuo ang pamagat
upang matiyak ng mananaliksik na mayroon siyang
mapagkukunan ng datos o may nauna nang nabuong
pag-aaral sa nasabing paksa.

Ang bibliyograpiya ay ang talaan ng lahat ng


maaaring gamiting sangguniang makukuha sa mga
aklatan, arkibo, mga koleksyon at iba pang
mapagkukunan ng impormasyon.
9. Karagdagang bahagi

⚫ Matatagpuan sa bahaging ito ang talapanahunan


(timetable) na tumutukoy sa tiyak na iskedyul kung
kailan matatapos ang bawat hakbang ng gawain.

⚫ Sa bahagi ring ito matatagpuan ang pahayag ng mga


gastusing magpapakita ng tiyak na halagang magagastos
sa bawat gawaing kailangan: ang logistics (kasangkapan,
kagamitan, instrumento, at koreo) at kaugnay na mga gastos
tulad ng pasahod, bayarin, gastos sa pagpapalimbag at iba
pa.

You might also like