You are on page 1of 70

Yunit 2

PANITIKAN SA
PANAHON NG
KASTILA
Simula
n
NATIN!
Ang unang pangkat ng mga Kastila ay
dumaong sa Cebu sa pangunguna ni
Fernando Magallanes noong taong 1521.
SA paglunsad na iyon ay ginanap ang
unang misa dito sa Pilipinas, sa Limasawa.
SA unang misang iyon ay may mga
katutubong nabinyagan bilang Kristiyano.
Nang magpasiya ang mga Kastilang
mamalagi dito sa kapuluan ay minabuti
ni Ruy Lopez de Villalobos na
pabinyagan ang kapuluan sa pangalang
Felipinas o Felipenes sa karangalan ng
haring Felipe II na siyang Hari noon ng
Espanya.
Nagsimula ang tiyak na pananakop ng
mga Kastila sa Pilipinas noong 1565
nang manungkulan si Miguel Lopes de
Legaspi bilang Gobernador-Heneral
dito sa Pilipinas na siyang kinatawan
ng Hari ng Espanya.
Patula man o tuluyan ang panitikan sa
mga unang panahon ng pananakop ng
Kastila, ito ay pumapaksa sa tatlong
bagay:
1. Wika
2. Relihiyon
3. Kagandahang Asal
Makat
Ang mga

a
Ng Panahon
1. PADRE FRANCISCO
BLANCAS DE SAN JOSE
Kinilalang ama ng tipograpiya sa Pilipinas
sapagkat aklat niya ang unang nalimbag sa
paraang tipograpiko. Isa siyang dalubwika.
Sinulat niya nag ARTE Y REGLAS DE LA
LENGUA TAGALA noong 1610.
1. PADRE FRANCISCO
BLANCAS DE SAN JOSE
Kinilalang ama ng tipograpiya sa Pilipinas
sapagkat aklat niya ang unang nalimbag sa
paraang tipograpiko. Isa siyang dalubwika.
Sinulat niya nag ARTE Y REGLAS DE LA
LENGUA TAGALA noong 1610.
2. ALONZO DE
SANTA ANA
Siya ang may akda ng aklat ng EXPLICACION
DE LA DOCTRINA CRISTIANA EN LA
LENGUA TAGALA na nagtataglay ng mga
tugmang nagpapaliwanag sa mga aral ng Diyos
na nakapaloob sa kalat na Doctrina Cristiana.
3. PEDRO DE
HERRERA

Isa siyang makatang nakilala


dahil sa kanyang mga
DALIT.
4. FERNANDO
BAGONGBANTA
Isa sa mga tinawag na ladino noong
panahong iyon. Ang mga tula niya ay
napalimbag at natipon sa MEMORIAL DE
LA VIDA CRISTIANA kasama ng mga tula
ni Blancas de San Jose.
5. TOMAS PINPIN
Ama ng Limbagan dito sa Pilipinas.
Ang COMO CON DIOS ay isa sa
kanyang mga tula. Isa rin siya sa mga
itinuturing na ladino.
6. PEDRO SUAREZ
OSORIO
Siya ang ipinalalagay na unang
makatang Tagalog na napatala sa
kasaysayan ng panitikang Tagalog.
Nakilala rin siya sa pagsusulat ng mga
dalit.
7. FELIPE DE JESUS
Isang makatang Tagalog mula sa San Miguel,
Bulacan. Pinahahalagahan sa kasaysayan ng
panitikan dahil sa kanyang “DALIT NA
PAMUCAO SA TAUONG BABASA NITONG
LIBRO”.
Tula niya ang IBONG CAMUNTI SA PUGAD.
8. FRANCISCO
BENCUCHILLO
Ang may akda ng ARTE POETICO
TAGALO na lumitaw noong ika-18 dantaon.
SA aklat na ito ay tinalakay niya ang iba’t
ibang sukat at taludturan ng tulang Tagalog.
Akda
Ang mga

ng
Patula
1. BUGTONG
Ito ay isang matandang uri ng panitikan na
inuring patula sa kaanyuan sapagkat
nagtataglay ng sukat at tugma. Ginagamit ito ng
ating mga ninuno sa pagpapatalas ng kanilang
isipan. Nagagamit ito upang makapaglibang.
2. KASABIHAN
Ito ay mga karunungang bayan din tulad ng
kawikaan at salawikain.
Ang mga ito ay hindi maangkin ninuman.
Naging malaganap ito dahio sa patuloy na
pagsalin-salin sa bibig ng mga mamamayan.
Halimbawa:
Bago mo isipin ang gawang lumigaw
Magsilbi ka muna sa mga magulang
Kung pakakaisipan ang iwi mong buhay
Kulang pang ibayad sa nanag mo’t tatang.
Halimbawa:
Kapag ang dalaga’y marumi ang kuko
Asahan mo’t tamad lumayo ka Piro.

Bago ka bumati sa ibang uling


Ang uling mo muna ang siyang pahirin.
3. SALAWIKAIN
Ang mga ito ay ginagamit sa pangangaral na
nagsisilbing paalala upang mahutok ang
kagandahang asal ng ating mga kabataan.
Ito ay mga taludtod na may sukat, tugma at
talinghaga.
Halimbawa:
Pakahaba-haba man ng prusisyon
Sa simbahan din ang urong.

Walang matimtimang birhen


Sa matiyagang manalangin.
4. AWITING BAYAN
O Kantahing Bayan, ito ay mga
tula na nilapatan ng himig. Ito ay
likha ng mga katutubo na itinuring
na mga likas na makata.
5. PASYON
Ang pasyon sapagkat nagsasalaysay ng buhay at
pagpapasakit ni Hesukristo ay nagtataglay ng
mga katangian ng isang epiko kaya’t batay sa
ginawang pagsusuri ay maaaring masabing
epiko sa panahon ng Kastila.
6. AWIT AT KORIDO
KORIDO = Walong Pantig
AWIT = Labindalawang Pantig
Ito ay nagsasalaysay ng buhay, pag-ibig, at
pakikipagsapalaran ng mga pangunahing
tauhan.
Pandulaa
Mga Tulang
n o
Pantanghalan
1. KARAGATAN
Ito ay isang larong patula ng mga dalaga at
binata. Ang larong ito ay nagsimula sa isang
alamat na pumapaksa sa nawawalang
singsing ng prinsesa na nahulog diumano sa
karagatan.
Karagatang ito’y kahit malalim
Pangangahasan kong aking
lulusungin
Hustong bait ninyo ang titimbularin
Na inaasahang sasagip sa akin.
Karagatang ito’y oo nga’t mababaw
Mahirap-lusungin ng hindi maalam
Kaya kung sakaling ako’y masawi
man
Kamay mong sasagip yaong
hinihintay.
Ang tema samakatuwid ng karagatan
ay pagliligawan. Sinisimulan ang
paglalaro ng karagatan sa pagpapaikot
ng isang lumbo o tabo na may krus na
puti. Kung kanino mapatapat ang krus
ay siyang magsisimula sa paglalaro.
2. DUPLO
Ito ay isang tulang nagtataglay ng katangiang higit na
pandulaan. Itinatanghal ito sa pamumuno ng isang
hari o kung tawagin ay “punong halamanan” .
Kadalagahan = Belyaka
Kabinataan = Belyako
Ang duplo ay karaniwang
ginagawa sa mga lamayan kung
may patay. Ang iba ay kung ika-9 o
ika-40 na gabi. Ito ay may tagisang
ng talino, may katatawanan na
wala sa karagatan.
3. DALIT
Ay mga tulang panrelihiyon. May dalawang
bahagi ang dalit – talindaw at pabinian.
Ang pag-aalay ng mga bulaklak sa Mahal na
Birhen ay sinasabayan ng pag-awit ng mga dalit.
Mga manunulat ng DALIT:
1. Padre Mariano Sevilla
2. Pedro Suarez Osorio
3. Pedro de Herrera
4. Felipe de Jesus
4. JUEGO DE PRENDA
Isang uri rin ito nang pandulaan na
nilalaro sa lamayan sa patay. Ang mga
manlalaro nito ay di pa gaanong
mahusay sa pagtula di-tulad ng mga
manlalaro ng duplo.
Pinangununahan din ng isang
hari at dalawang pangkat ng
mga manlalaro:
Babae = Bulaklak
Lalaki = Punongkahoy
5. PANUBONG o
PAMUTONG
Isang mahabang tulang ginagamit sa
pagpaparangal sa isang nagdaraos ng
kaarawan, ng kapistahan o kung may isang
natatanging panauhin nais bigyan ng
parangal.
Ang panubong ay nahahati sa tatlong bahagi:
1. Pag-awit sa tarangkahan ng may kaarawan o bahay sa
isang pook na nagdaraos ng pistang bayan, o kaya naman
ay sa lugar kung saan naroon ang isang panauhing nais
parangalan.
2. Pag-awit habang umaakyat sa hagdanan.
3. Pag-awit sa loob ng bahay.
Tuluyan
Ang Panitikang

sa
Panahon ng Kastila
1. ANEKDOTA
Ay mga maiikling salaysay ng
buhay na punong-puno ng mga aral
na karaniwang ginagamit ng pari
sa kanilang mga sermon.
2. SERMON
Paksa ng mga sermon ang huling
paghuhukom at ang pagliligtas ng mga
kaluluwa. Ito ay anyo ng panitikang
tuluyan na nagsasaad ng mga aral.
3. PLATIKAS
Ay mga sermon na
humuhubog nag
kagandang asal.
4. SANAYSAY
Ang mga sanaysay sa panahong ito ay sa
anyo ng mga anekdota at liham. Ang liham
ay isang uri ng akdang tuluyan na nagiging
daan ng pag-uunawaan ng dalawang taong
magkalayo.
5. MAIKLING KUWENTO
Ang mga kuwentong bayan ay nakilala sa anyo
ng mga lathalaing ang paksa ay buhay ng mga
santo at santa na ipinakalat ng mga misyonerong
prayleng Kastila noong panahon ng
pagpapalaganap ng relihiyon.
6. NOBENA
Ay isang seremonyang isinasagawa sa pagdaraos
ng mga pagdiriwang na may kaugnayan sa
pagpapasalamat sa magandang ani o paghingi ng
ulan, pagpapaalis ng sakit na namumuksa sa
pamilya at komunidad at paglilibing sa yumao.
7. NOBELA O
KATHAMBUHAY
Tinatawag ding mahabang
kasaysayang tuluyan sa
panahon ng Kastila.
Sa
Ang mga Dula
Panahon
Ng KASTILA
1. SENAKULO
Pagtatanghal nang baha-bahagi ng buhay at
pagpapasakit ng ating Poong Hesukristo.
Itinatanghal sa isang entabladong malapit sa
simbahan mula Lunes Santo hanggang
Sabado de Gloria.
2. TIBAG
Ito ay isang dulang patulang panrelihiyon na
itinatanghal kung buwan ng Mayo. Ito ay
pumapaksa sa paghahanap sa Krus na
pinagpakuan at kinamatayan ni Hesukristo.
(Santa Cruzan)
3. FLORES DE
MAYO
Pag-aalay ito ng mga bulaklak sa Mahal na
Birheng Maria na itinatanghal bilang dula
ng mga paring misyonero.
Ang mga gumaganap ay mga batang babae
at lalaki na nakasuot ng mga damit na puti.
4.
PANGANGALULUWA
Ibinibilang din itong isang dulang
panrelihiyon na ibinatay sa isang kaugaliang
paulit-ulit isinasagawa dahil sa paniniwala
na ikinintal sa ting isipan ng mga Kastila
noong panahon ng kanilang pananakop.
4.
PANGANGALULUWA
Ibinibilang din itong isang dulang
panrelihiyon na ibinatay sa isang kaugaliang
paulit-ulit isinasagawa dahil sa paniniwala
na ikinintal sa ting isipan ng mga Kastila
noong panahon ng kanilang pananakop.
5. PANUNULUYAN
Isa rin itong dulang panrelihiyon na
isinasagawa sa gabi ng Disyembre 24 bago
magmisa de gallo. Isinasabuhay nito ang
paghahanap ng lugar na pagsisilangan kay
Hesus.
6. NINOS INOCENTES
Ang dulang ito ay kaugnay din ng pagsilang ni Hesus.
Sadyang kakila-kilabot ang diwa ng dulang ito
sapagkat ito ay nagpapakita sa pagpatay sa mga
bagong panganak na sanggol sa utos ng Haring
Herodes na nagkaroon ng sobrang panibugho sa
pagsilang ni Hesus na sinasabing magiging Hari ng
mga Hari.
7. SALUBONG
Itinatnaghal ang dulang ito sa madaling
araw ng Linggo o Pagkabuahy o Domingo
de Pascua.
Ito ay isang palatandaan na tapos na ang
Mahal na Araw o Semana Santa.
8. MORIONES
Isang dulang panrelihiyon sa Marinduque
tuwing Semana Santa.
Nagsisimula ang pagtatanghal kung
Miyerkules Santo at nagtatapos sa Linggo ng
Pagkabuhay.
9. MORO-MORO
Ay nagtatanghal ng paglalaban ng
mga Moro at Kristiyano na
nagwawakas sa pagpapabinyag ng
mga moro bilang Kristiyano.
Walang
PAGSUSULIT
Prelim
PROJECT
1. BOOKBIND
2. SYLLABUS
Midterm
AWTPUT
Sa darating na buwan ng Pebrero
sa
ARAW NG MGA PUSO ay
magbibigayan tayo ng mga liham
para sa ating mga kamag-aral sa
paraang ALIBATA ang pagkasulat.
Walang
PASOK SA
HUWEBES
Prelim
EKSAM
ENERO 28, 2020
Martes
1. Secrecy Folder
2. Test Booklet
3. Black Ballpen
4. Complete Uniform + ID
5. Assessment (Permit/Promy)
- 1 hour Examination
- 30 mins. Checking
COVERAGE OF
EXAM WILL BE
SENT ON THE GC
ON

You might also like