Professional Documents
Culture Documents
6 Wika at Lipunan
6 Wika at Lipunan
1.Heyograpikal
2.Sosyal
HEYOGRAPIKAL
Heyograpikal na Salik
Ang Pilipinas ay isang arkipelago. Ang
pagkakahati-hati nito sa mga pulo ay
nagbunsod ng pagkakaroon nito ng
maraming wika.
Nag-iiba-iba ang wika dahil sa: (1)
heograpikong lokasyon ng speech
communities at (2) language boundary
bunga ng migrasyon o paglilipat.
Paano naiiba ang wika sa diyalekto?
Pinagbabatayan ang mutual
intelligibility o pagkakaunawaan.
Wika ito kapag hindi nagkaintindihan
ang dalawang taong nag-uusap na may
magkaibang barayti ng wika.
Diyalekto ito kapag nagkaintindihan sila,
bagamat may kaunting disturbance sa
pag-unawa.
Wika o Diyalekto?
Ay-ayatenka.
Nahigugma ako kanimo.
Kaluguran daka.
Inaru taka.
Payaba ta ka.
Je t’aime.
Ich liebe dich.
Wika o Diyalekto?
Ay-ayatenka. (Ilocano)
Nahigugma ako kanimo. (Bisaya)
Kaluguran daka. (Kapampangan)
Inaru taka. (Pangasinense)
Payaba ta ka. (Bicolano)
Je t’aime. (Pranses)
Ich liebe dich. (Aleman)
Wika o Diyalekto?
Nainom ako ng tubig.
a. Folkways
Ito ay ang pangkalahatang batayan ng normal na pagkilos
ng mga tao sa isang lipunan. Halimbawa, sa Pilipinas,
pangkaraniwan na sa mga bisita na iwanan sa labas ng
bahay ang kanilang mga tsinelas.
b. Mores
Ito ay mas mahigpit na batayan ng kilos, kung saan
natutukoy ang moralidad ng isang tao sa lipunang kanyang
ginagalawan. Halimbawa, dapat magsuot ng maayos na damit
sa tuwing nagsisimba.
c. Taboos
Ang taboos naman ay ang paglabag sa mga mores, kung
saan ang moralidad ng isang tao ay hindi angkop sa dapat na
kilos. Halimbawa, pagsuot ng maikling mga shorts kapag
magsisimba.
d. Batas
Ito naman ang batayan ng kilos na ipinatupad ng
kinauukulan para sundin ng mga mamamayan. Ito ay
kalimitang pormal at nakasulat sa konstitusyon.
2. Pagpapahalaga (Values)
Tumutukoy naman ito sa pamantayan ng lipunan
kung ano ang mga gawaing katanggap-tanggap at
ano ang mga kilos na hindi kanais-nais. Basehan din
ito sa kung ano ang tama at mali, at kung anong
mga kilos ang mabuti at nararapat. Halimbawa, ang
pagmamano ng mga bata sa nakakatanda.
3. Paniniwala (Beliefs)
Ito ay ang mga pananaw, ideya o kaisipan na
tinatanggap sa lipunan bilang totoo. Halimbawa,
ang pananalig at paniniwala ng ibang tao sa mga
Albularyo.
4. Simbolo (Symbols)
Ang simbolo ay maaring mga materyal na bagay
na nagbibigay ng kahulugan. Maari din itong
paggamit ng di-berbal na kumunikasyon. Sa
pamamagitan ng mga simbolo, nabibigyan ng
kahulugan ang isang bagay kahit hindi ito gamitan ng
wika. Halimbawa ng bagay na nagbibigay ng
kahulugan ay ang Krus. Para sa iba, ito ay tanda ng
pagsasakripisyo ni Kristo upang tubusin tayo sa ating
mga kasalanan; Ang magandang halimbawa naman ng
simbolo na gumagamit ng hindi berbal na
kumunikasyon ay sign language at pagkumpas
(gestures).
5. Wika (Language)
Ang wika ang pinakamabisang paraan ng
komunikasyon. Ang wika ay maaring nasa anyo ng sulat
o bigkas. Mahalaga ang wika sa lipunan sapagkat sa
pamamagitan nito, mas nagkakaroon ng
pagkakaunawaan ang bawat indibidwal.
6. Sining at Panitikan (Arts and Literature)
Ang sining at panitikan ay ang produkto ng
imahinasyon ng mga tao. Sa pamamagitan ng dalawang
ito, mas naipapahayag ng bawat tao ang kanilang
emosyon at nararamdaman sa mas masining na paraan.
Mahalaga ang sining at panitikan sa kultura sapagkat sa
pamamagitan nito, naipapakita at naipapasa ng mga
naunang henerasyon ang ganda na nakaraan.
7. Relihiyon (Religion)
Ang relihiyon ay ang paniniwala at pananalig ng mga
tao sa mga ispiritwal na bagay, tao, o pangyayari,
partikular na sa mga Diyos. Sa ibang lugar, ito ang
nagiging sentro ng kultura sapagkat dito nakabase ang
kanilang kaugalian, pagpapahalaga at mga paniniwala.
Ang halimbawa ng relihiyon ay Hudaismo, Kristiyanismo
at Islam.
Dalawang uri ng Kultura
Nahahati ang kultura sa dalawang uri. Ito ay
ang materyal at hindi materyal na kultura. Ang
dalawang uring ito ay naiiba sa isa’t isa.
Materyal na Kultura
Masasabing ang materyal na kultura ay mga
bagay na makikita mo sa iyong paligid. Ito ay
mga bagay na nilikha at iyong nahahawakan.
Ilang halimbawa nito ay mga gusali o
arkitektura, mga likhang sining, mga kasuotan,
kagamitan, at iba pa. Maari bang ding sabihin
na ang pagkain ay isang materyal na kultura
sapagkat ito ay masasabing nagpapakita kung
anong paniniwala o mismong kultura ng isang
pangkat o grupo ng mga tao.
Di-materyal na Kultura
Ang di-materyal na kultura ay mga bagay
na hindi nahahawakan ngunit maaring
maramdaman o iyong maobserbahan sa
iyong paligid. Kabilang dito ang mga
ideya, paniniwala, batas, mga kaugalian, at
norms ng isang lupon ng mga tao.
Halimbawa sa di-materyal na kultura ay
ang paniniwala ng isang tribo sa mga anito
o sinasabing diyos-diyosan.
Kahalagahan ng Kultura
1. Nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang
pangkat ng mga tao.
2. Napagbubuklod nito ang isang lugar at
nagbubunga ito ng pagkakaisa.
3. Sa pamamagitan ng kultura, naipapakita
ng mga tao ang kanilang mga talento.
4. Binubuo nito ang ating pagkatao
5. Nagkakaroon tayo ang kaalaman sa ating
kasaysayan at nakaraan.