You are on page 1of 28

MGA GAWING

PANGKOMUNIKASYON
NG MGA PILIPINO
WENG
. presentations\KOMUNIKASYON\Fred Panopio -
Pitong Gatang.mp4
1. Hinggil saan ang pinakinggang awit?
2. Ilarawan ang lugar na pinangyarihan ng “kasaysayang
nalaman” na binanggit ng awit. Mayroon din bang
ganito sa inyong lugar? Isalaysay.
3. Batay sa awit, sino-sino ang nasa lugar na tulad ng
Umbuyan at Kalye Pitong Gatang? Ilarawan sila.
4. Ano –ano kaya ang maaaring pinag-uusapan sa
ganitong lugar? Magbigay ng halimbawa.
5. Ipaliwanag ang bahagi ng awit na:
“Imposible ang maglihim, kung ikaw ay mayroong
secret, Sa Pitong Gatang lahat naririnig; At kung
ibig mong mabuhay nang tahimik na tahimik,
Magpatay-patayan ka bawat saglit”

6. Sa paanong paraan kaya maaaring maibsan o


matigil ang tulad ng mga nangyayari sa Kalye Pitong
Gatang? Maglahad ng mga paraan at ipaliwanag.
MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA GAWING
PANGKOMUNIKASYON
Lugar
Mga taong naninirahan sa lugar
Sosyo- ekonomiko
Edukasyon
Kasarian
MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON
Tsismisan
Ang salitang tsismis ay mula sa salitang Kastila na
“chismes”. Karaniwan, kapag sinabing tsismis ay mga
kwento o pangyayari na maaaring totoo at may basehan
ngunit ang mga bahagi ng kuwento o pangyayari ay
maaaring sadyang binawasan o dinagdagan upang ito ay
maging usap-usapan hanggang tuluyan nang magkaroon
ng iba’t ibang bersyon.
Umpukan
Ang umpukan ay gawing pangkomunikasyon na
tumutukoy sa pagpapangkat- pangkat ng isang pamilya
o magkakapatid, magkakaibigan, magkakaklase,
magbabarkada, magkakatrabaho o magkakakilala na
may magkakatulad na gawi, kilos, gawain at hangarin.
Ito ay nangyayari dahil ang isang paksa, usapin at
hangarin na karaniwan sa bawat isa ay nais talakayin at
bigyang linaw. Nagsisilbi rin itong pagkakataon sa
pangkat upang lalong mapatatag ang kanilang samahan
at lalo pang mapabuti ang pagtrato sa isa’t isa.
Pagbabahay- bahay
Tuon nito ang pakikipag- usap sa mga
mamamayan. sa kanilang mga bahay.
Karaniwan, may mga isyu sa barangay na
nais ipahatid kaya ang ilang piling opisyal
ay nagtutungo sa mga kabahayan ng isang
baranggay upang ipagbigay alam ang isyu o
mga isyu.
Pulong- bayan
Usaping politikal ang karaniwang paksa ng pulong-
bayan. Ito ay nauukol sa mga gawain at layuning
pambaranggay at pambayan. Kinabibilangan ito ng
pangkat ng mga namumuno sa isang baranggay o bayan
kasama ang mga mamamayan upang pag-usapan ang
mga layunin, proyekto at/o mga batas na isasakatuparan
sa lugar. Higit itong pormal kapag ang mga opisyal ng
baranggay o bayan ang kasangkot at sama-sama sa
pagpupulong dahil ang mga na-uusapan at
napagkakasunduan ay tinatalakay sa inihandang lugar at
inilalahad sa pamamagitan ng katitikan.
GAWIN:

I. Gawaing pasulat sa pahina 53

II. Takda: Basahin ang mga uri ng


Komunikasyong di-berbal sa
p.56-59
URI NG KOMUNIKASYON
Berbal

Di Berbal
Iba’t Ibang Anyo ng Di-berbal na
Komunikasyon 
Kinesika
(Kinesics)
Pandama o Paghawak (Haptics)
Proksemika (Proxemics).
Paralanguage

Katahimikan
BAGAY O OBJECT LANGUAGE

Oras (Chronemics)
Simbolo (Iconics)

x
Kulay
Kapaligiran
GAWAIN : SAGUTIN ANG P.61

Takda: Basahin ang Ekspresyong


Lokal sa p65-66
MGA EKSPRESYONG LOKAL
Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang mga salita na ginamit ng mga
tagapagsalita?

2. Ano-ano ang mga ekspresyon o paraan ng


pagpapahayag ng mga tagapagsalita?

3. Naangkop ba ang mga ginamit na termino at


ekspresyon sa kasarian, lahi, uri at lugar?
Ano ang pagkakaiba?
Ilokano: “ Bumtak ti sara’t nuangen ! (sa literal na
kahulugan ay -pumutok na ang sungay ng
kalabaw)

Tagalog: “Bumangon ka na, mataas na ang sikat


ng araw”
MGA EKSPRESYONG LOKAL
a. Katutubong Ekspresyon

1. Jeproks
2. Para kang sirang plaka
3. Kopong- kopong
4. Naniningalang pugad
5. Giyera patani
6. Iniputan sa ulo
7. Bugtong na anak
8. Topo- topo
9. Makunat pa sa belekoy
10. May pileges sa noo
B. Makabagong ekspresyon

1. Anak ng ……..!
2. Diyaske
3. Susmaryosep
4. Bahala na o kaya ay sige lang
5. Ganun?
6. Diyos ko! O, Mahabaging Diyos!
7. Ikako
8. Mucho dinero
9. Totoy o Nene
10. Lutong Macau
C. Ekspresyong Milenyal

1. Humuhugot 11. iflex ko lng.....


2. Ansabe 12. sana all.....
3. Ligwak
4. Ganern..
5. Werpa
6. Lodi
7. E di wow!
8. gigil mo ako!
9. Petmalu
10. Pak!
Ano-ano ang mga pagkakaiba ?
A. katutubong ekspresyon

B. Makabagong ekspresyon

C. Ekspresyong milenyal


GAWIN: PAHINA 67-68 NG AKLAT
Karagdagang Gawain: p69-70 pumili ng isang gawain.
Maraming Salamat !!
Gng. Rowena G. Mendoza

You might also like