You are on page 1of 12

Maikling (Muling) Pagtatalakay sa

Kahalagahan ng Komunikasyon
• Malaki ang gampanin ng komunikasyon sa
pagkamit ng mga tao ng tiyak na konteksto ng
ninanais nating ipabatid.
• Kung wala ang komunikasyon, hindi uusbong ang
ano mang uri ng sibilisayon na mayroon tayo
ngayon sa modernong panahon.
• Sa tulong ng komunikasyon, masusing
pagtatalakay at bahagian ng kaalaman,
yumabong ang kaalaman ng mga tao pagdating
sa larangan ng agham, matematika, medisina,
humanidades, arkitektura at iba pa.
• Mahalagang salik rin ang komunikasyon sa
pagpupulong na idinadaos ng mga lider at
kinatawan ng ating bansa.
• Ang maayos na komunikasyon sa pagitan ng mga
lider ng bansa ay magreresulta sa magandang
pamamalakad sa mga nasasakupan nito at sa
tulong din nito ay makakamtan ang pag-angat ng
bawat isa at walang maiiwan sa laylayan.
• Dinodomina ng komunikasyon ang lahat ng uri ng
relasyon ng tao - mapaakademiko, propesyonal,
personal o sibika na kinabibilangan ng mga
sumusunod:
- magkaklase - magkaibigan
- mag-asawa / magkasinatahan
- magkasama sa trabaho o adbokasya
Komunikasyon Bilang Panghubog ng Opinyon ng Madla
• Ang komunikasyon ay may malaking gampanin sa paghubog ng
opinyon o concensus ng mga tao. Upang palaganapin ang isang
kaisipan hinggil sa mga programa ng gobyerno at upang
mapabilis ang pagtanggap ng mga mamamayan nito ginagamit
ng mga gobyerno sa buong mundo ang komunikasyon. Sa
pamamagitan ng midya gaya ng radio at telebisyon, lubos na
napadali ang pagpapalaganap ng mga mensahe. Noong 2013,
nilagdaan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang Batas
Pambansa Bilang 10361 o mas kilala sa tawag na Kasambahay
Law, na naglalayong bigyang-proteksyon ang mga kasambahay.
Kapansin-pansin na habang dinidinig ang dating mungkahing
batas sa Kongreso 100
Komunikasyon Bilang Panlinang Ugnayan
Komunikasyon ang nagpapatibay sa ugnayan ng mga miyembro ng
isang komunidad. Nagkakaroon ng isang matibay na pundasyon
para sa pagkakaisa at pagtutulungan ang isang pamayanan kung
may magandang komunikasyon ang bawat miyembro nito. Isang
tungkulin din ng komunikasyon ang luminang sa ugnayan at
relasyon. Nagsisimula ang pagkakaibigan sa interaksyon sa pagitan
ng dalawang nilalang na may pinagkasunduang bagay. Nagiging mas
matibay ang samahang ito sa pamamagitan ng palagiang pakikipag-
usap sa isa’t isa. Komunikasyon din ang nagpapatibay sa ugnayan
ng mga miyembro ng isang komunidad. Sa pamamagitan ng patuloy
na pag-uusap sa kung paano pamamahalaan ang mga mamamayan,
lugar at mga pinagkukunan, lalong napagbubuklod ang isang
lipunan.
Sa mas malaking konteksto, pinagtitibay ng komunikasyon ang
ugnayan ng mga bansa
gaya ng patuloy na nagaganap sa pagitan ng mga miyembro ng
ASEAN Community. Dahil sa
tuloy-tuloy na diyalogo sa pagitan ng mga lider ng bansa, naging
posible ang mas mabilis na
pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo. Naging mas madali na rin
ang paglilipat-lipat ng kapital
at puhunan sa pagitan ng mga bansang bahagi nito. Isa pa sa mga
naging epekto ng ASEAN
Integration ay ang mas maluwag na foreign policy na nag-alis sa
ilang restriksyon sa pagbisita at
pagtatrabaho sa mga miyembrong bansa.
Komunikasyon Bilang Paghahatid ng Impormasyon at
Pagpapalaganap ng Kultura
Ang pagpapalaganap ng impormasyon ay isa sa
pinakamahalagang tungkulin ng komunikasyon. Maraming buhay
ang naililigtas dahil sa maaga at maagap na pagpapakilala ng
interbensyon at gamot sa isang pasyenteng isang doktor.
Nagiging posible rin ang pagpapasa ng karunungan at kaalaman
upang mas maraming tao ang makisangkot sa pagbabagong
panlipunan dahil sa pakikipag-ugnayan. Maaari ding aksidente sa
daan ang naiiwasan dahil sa mga warning signs at iba pang
babala.

You might also like