You are on page 1of 21

SALIK SA

MAPANAGUTANG
PAGKILOS AT
PAGPAPASIYA
1. Emosyon
Ay reaksiyon ng sensitibong pakiramdam sa pagkilos o hindi
pagkilos kaugnay ng bagay na nararamdaman o naiisip na mabuti
o masama. Ito ay nanggagaling sa puso dahil ang pusoay sentro
ng emosyon
URI NG EMOSYON

3
MGA
POSITIBO

4
PAGMAMAHAL (LOVE)
ang pinakapundamental na
emosyon ng tao na napupukaw
sa pagnanais ng kabutihan na
humahantong sa
pagmamalasakit sa kalagayan
ng iba.

5
PAGNANAIS (DESIRE)

ang paggawa ng kabutihan dala ng


pag-ibig.

6
PAG-ASA (HOPE)

ang pananalig na makakamtan ang


ninanais na kabutihan.

7
KALIGAYAHAN (HAPPINESS)
ang kasiyahan dahil sa nakamit na
kabutihan

8
MGA
NEGATIBO

9
PAGKAPOOT (HATRED)

Ang pagkamuhi dala loob sa


kasamaan

10
KALUNGKUTAN
(SADNESS)

Ang pagkalungkot gawa ng


presensiya ng kasamaan

11
TAKOT (FEAR)

Ang pangamba dala ng kutob sa


nagbabantang kasamaan

12
GALIT (ANGER)

Ang pagkayamot dala ng


pagtanggi o paglaban sa kasamaan
ng positibong emosyon ay
nagbibigay-inspirasyon sa
pagkilos.

13
2. Inggit
Ito rin ay nakaugat sa sarili. Dahil sa labis na pagtingin sa sarili,
ang taong may inggit nalulungkot sa mabuting kalagayan o
magandang kagamitan ng iba. Ang taong may masidhing
pagnanais na itaas ang sarili higit pa sa kaniyang kapwa ay
nagnanais makamtam magagandang bagay na napapansin sa iba
kahit sa anumang pamamaraan.
3. Galit
Ito ay nakaugat sa pagkawala ng respeto sa tao. Ang taong may
matinding galit ay hindi na tumitingin sa matino at maayos na
paglutas ng sanhi ng galit o problema. Nawawala ang tamang
pangangatwiran at maaaring humantong sa pagkapoot.
4. Kayabangan
Sa sobrang pagpapahalaga sa sarili, ang hangad ng taong
mayabang ay masunod ang kaniyang gusto dahil taglay niya ang
talino. Matayog ang pagtingin sa sarili kaya ang emosyon ay
ginagamit sa pansariling kapakanan at para sa sariling kabutihan
lamang.
5. Kasakiman sa Kayamanan at sa
Kaakibat na Kapangyarihan
Ito ay labis na paghahangad ng kayamanan at kaalinsabay nito
ang kapangyarihan. Hindi makontento sa kung ano ang mayroon
siya. Patuloy ang paghahangad sa karangyaan na higit pa sa
pangangailangan.
6. Kahalayan
Ito ay nakatutok sa mga kasiyahang seksuwal. Labis ang
pagnanais sa kaligayahan dulot ng mga bagay na seksuwal. Ang
kapusukan ng katawan ay hindi pinipigilan kaya't humahantong
sa kahalayan. Ang pagnanasa ng mata sa nakikita at pagnanasa ng
katawan ang nag uudyok ng kahalayan.
7. Katamaran
Ito ay nakagawian na katamaran o pagkabatugan. Hindi umuusad
ang taong tamad Kulang sa motibasyon upang kusang kumilos
kahit man lang para sa kaniyang kapakanan. Lagi na lang umaasa
sa ibibigay na biyaya ng iba na para bang wala siyang pakinabang
sa lipunan.
8. Kasibaan sa Pagkain
Ito ay kalabisan sa pagkain. Mahalagang bahagi ng buhay ang
pagkain kaya ang tao ay kumikilos upang makakain arw-araw.
Walang nabubuhay na hindi kumakain. Ito ay pangunahing
pangangailangan ng tao. Ang wastong pagkain lalo na sa murang
edad pa lamang ay nakaaapekto sa kalusugan ng tao, sa katawan o
kaisipan man.
9. Ang Impluwensiya ng
Kapaligiran
Sa pag-ikot ng mundo at paglipas ng panahon, tuloy-tuloy ang
pagtuklas ng siyensiya at teknolohiya na nakaaapekto sa pananaw
at pamumuhay ng tao. Ang sumusunod ay ilan sa mga produkto
ng teknoohiya na may tiyak na epekto sa ating buhay.

You might also like