You are on page 1of 23

MGA

PRESIDENTE NG
PILIPINAS
ARALING
PANLIPUNAN 6
GROUP 3
PRESENTATION
Isa ang Pilipinas sa malalayang bansa sa
buong mundo. Ngunit sa pagiging malaya ay
kailangan natin ng mamumuno sa atin para
maging maayos ang nasasakupan nito at
upang hindi ito maagaw o sakupin ng ibang
bansa sa atin. Ito ang ating tinatawag na
Presidente o ang Pangulo ng ating bansa.
Sa kasalukuyan ay may labing-anim
ng Presidente ang namuno o
nanungkulan sa ating bansang
Pilipinas. Sila ay ang mga
sumusunod.
Full Name: Emilio Aguinaldo y Famy
EMILIO F. AGUINALDO Born: March 22, 1869
Died: February 6, 1964
Presidential Term: January 23, 1899 – March 23, 1901
Parents: Carlos Jamir Aguinaldo, Trinidad Famy-Aguinaldo
Spouse: Hilaria Aguinaldo (m. 1896-1921),
Maria Agoncillo (m. 1930-1963)
Children: Cristina Aguinaldo Suntay, Emilio Aguinaldo Jr.,
Miguel Aguinaldo, Carmen Aguinaldo Melencio,
Maria Aguinaldo Poblete
Siblings: Felicidad Aguinaldo, Crispulo Aguinaldo, Primo
Aguinaldo, Ambrosio Aguinaldo, Tomasa Aguinaldo
Esteban Aguinaldo, Benigno Aguinaldo
Si Emilio Aguinaldo y Famy o mas kilala sa tawag na “Heneral
Miong” o Emilio Aguinaldo ay ang kauna-unahan at ang
pinakabata na naging Presidente sa Pilipinas. Siya din ang
kauna-unahang Presidente sa Konstitusyonal na Republika sa
Asya. Ipinanganak siya noong ika-22 ng Marso 1869 sa Kawit,
Cavite at namaalam noong ika-6 ng Pebrero 1964. Ang kaniyang
mga magulang ay sina Carlos Jamir Aguinaldo at Trinidad Famy-
Aguinaldo at siya ay ika-7 sa walong magkakapatid. Nag-aral
siya sa paaralang Colegio de San Juan de Letran ngunit hindi
niya natapos ang kaniyang pag-aaral dahil sa outbreak ng sakit
na cholera noong 1882. Ikinasal si Emilio noong ika-1 ng Enero
1896 kay Hilaria Aguinaldo na naging kaniyang unang asawa at
nagkaroon siya dito ng limang anak. Matapos ang 9 na taon
simula noong mamatay ang kaniyang unang asawa dahil sa
sakit na pulmonary tuberculosis noong ika-6 ng Marso 1921,
nagpakasal naman siya sa kaniyang pangalawang asawa na si
Maria Agoncillo noong ika-14 ng Hulyo 1930. Namaalam si
Maria Agoncillo noong ika-29 ng Mayo 1963.
Si Emilio Aguinaldo ay naging isang Heneral din at namuno sa
maraming labanan noong panahon ng digmaan laban sa mga
Espanyol at maging sa mga Amerikano. Naging miyembro din
siya ng Katipunan at ginamit ang alyas na “Magdalo”. Ilan sa
mga pinamunuan niyang labanan ay ang Battle of Imus na kung
saan ay muntikan na rin itong ikamatay ni Aguinaldo

You might also like