You are on page 1of 20

ARTS

WEEK 5-8
TABLE OF CONTENTS

ARALIN 1: ARALIN 2:
01 02
Pagguhit ng Mukha Pagsasalaysay ng
Gamit ang Linya, Hugis at Kuwento mula sa
Tekstura. Awtput
Aralin 1:
Pagguhit ng Mukha
Gamit ang Linya, Hugis at
Tekstura.
Suriin ang larawan at
magbigay ng limang
(5) hugis,
linya o textura na
makikita sa larawan.
Naaalala mo pa ba ang mga linya at hugis na
iyong ginamit sa pagguhit ng Still Life?

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang mga


dapat na tandaan sa pagguhit ng Still Life tulad
ng paggamit ng tunay na kulay, paggamit ng
mga hugis at linya ng tunay na bagay at ayusin
ang mga bagay: ang iba ay sa harap; ang iba ay
sa likod.
Paano mo mapapahalagahan ang
katangiang taglay ng iyong mukha?

Ang mukha ng tao ay binubuo ng ibat ibang hugis,


linya at textura.

Sa pagguhit ng mukha ng tao maaari tayong


gumamit ng hugis tulad ng bilog, tatsulok,
bilohaba at parisukat.
Pangunahing hugis ng mukha
Maaaring gumuhit ng ibat ibang hugis at linya para makabuo ng
mata, ilong, labi, tainga at buhok.
Maaari ring gumamit ng iba pang elemento para
mabigyan ng textura at pagkakakilanlan ang karakter.

para sa mata para sa ilong Sa bibig


maaaring gumamit maaaring maaaring
ng bilohaba at gumamit ng gumamit ng
bilog na hugis hugis tatsulok linyang paalon
Tandaan:
 Dapat nating isaisip na sa pagguhit ng mukha ng isang tao, ito ay
ginagamitan ng iba’t ibang hugis, linya at tekstura upang ito ay
maging mas makatotohanan.

 Sa pagguhit, maaari nating ipakita ang pagkakaiba-iba ng katangian


ng dalawa o higit pang tao batay sa kanilang pisikal na kaanyuan
gamit ang hugis, linya at tekstura
Aralin 2:

Kuwentong kay
Ganda!
Bawat aralin ay may likhang sining na ginagawa o awtput.
Bawat likhang sining ay may nakapaloob na kwento at aral.

Ang isang kwento ay


nakakahalinang basahin lalo na
kung ang isang likhang sining
ang paksa. Nagiging mas
makulay ang kwentuhan kung
tungkol sa sarili, magulang,
kapatid, kamag-anak o kaibigan
ang iyong likhang sining
Halina ating alamin at tuklasin ang mga
kwentong nakapaloob sa ating aralin.

Basahin ang maikling dayalogo.


Sagutin ang sumusunod na katanungan.
Isang araw sa klase ni Ginang Santos.

Ginang Santos: Mga bata nais kong gumuhit kayo ng isang larawan.
Anita: Ginang Santos, ano pong larawan ang aming iguguhit?
Ginang Santos: Kahit anong larawan na nais ninyo. Maaaring larawan tungkol sa
inyong sarili, pamilya, kaibigan, kapaligiran at marami pang iba. Pagkatapos mabuo
ang inyong iginuhit na larawan, ikukuwento ninyo sa amin kung bakit ito ang napili
mong iguhit.
Troy: Ganun po ba, ma’am? Sige po. Iguguhit ko ang aking nanay. Marami po kasi
akong gustong ikuwento tungkol sa kanya.
Ginang Santos: Nakakatuwa ka naman, Troy. O, sige. Simulan na natin ang
gawain.
Mga Bata: Opo, Ginang Santos!
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa
dayalogo?

Mga 2. Ano ang ipinagagawa ng guro sa kanyang


Tanong. mga mag-aaral?

3. Kung ikaw ang tatanungin, anong larawan ang iyong


gagawin? Bakit?
Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng kuwento?

Ang kuwento ay nagmula sa


malikhaing isip ng tao. Ito ay
naglalaman ng pamagat,
karakter, pangyayari at lugar
kung saan nangyari ang
kuwento. Nagtataglay din ito ng
mga kapupulutan na aral. Ang
mga tao ay nakalilikha,
nakakapagsalaysay ng kuwento
mula sa nagawang awtput.
Kinakailangan na tayo ay
maging malikhain sa paggawa
ng kuwento.
Isaisip:

Ang parisukat ay may apat Ang bilog ay linyang paikot sa


sentro at nagtatagpo sa tuldok na
na sulok at apat na gilid.
pinagmulan.
Halimbawa: panyo, mesa Halimbawa: pinggan at gulong

Ang tatsulok ay may tatlong gilid Ang parihaba ay pinahabang


at may tatlong sulok. Sa tatlong parisukat at magkatulad
sulok na ito nagtatagpo ang mga ang haba ng magkatapat na
linya. dalawang pares na linya.
Halimbawa: hanger, pamaypay Halimbawa: aklat at kama
Ang lahat ng mga bagay ay may kani-
kaniyang kulay. Kung walang kulay
ay magiging pangit at nakakasawa ang
ating paligid.

Ang mga kulay ay maaari ring


magsaad ng iba’t ibang damdamin
tulad ng mga sumusunod.
1. Pula kasayahan, himagsikan, katapangan
2. Asul kapayapaan, kalungkutan, katapatan,
pag-iingat
3. Luntian sariwa, tapat, payapa, matatag at matuwid
4. Dilaw matalino, matatakutin, manlilinlang, seloso
5. Itim kalungkutan, kasamaan, lumbay
6. Rosas pag-ibig
7. Puti malinis, mapagkakatiwalaan, tiwasa
8. Lila maharlika, mayaman, marangal
THANK
YOU!

You might also like