Professional Documents
Culture Documents
Ponemangsuprasegmentalpowerpoint 150909120649 Lva1 App6891
Ponemangsuprasegmentalpowerpoint 150909120649 Lva1 App6891
SUPRASEG M E NT A L
IN AT ANTAL A
TONO , HABA, DI
JENITA D.
GUINOO
ARALIN 2.1: GR.9-FILIPINO MODYUL
GRAMATIKA/RETORIKA:
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
MGA LAYUNIN:
1.Nakikilala ang pagkakaiba ng gamit ng mga
sangkap sa maayos na pagpapahayag ng saloobin,
pagbibigay kahulugan, layunin at intensyon
2. Napapahalagahan ang paraan ng pagbigkas ng
mga salita ayon sa wastong diin, haba, tono at
antala
3. Nakapagbibigay paliwanag sa mga naging sagot
sa bawat gawain bilang pagsasanay
PANIMULA:
Sa alinmang wika, mahalaga ang mga tunog.
Makabuluhan ang mga tunog sapagkat napag-
iiba-iba nito ang kahulugan ng salita. Bukod sa
pagkilatis sa tunog, may iba pang paraan upang
makilala ang kahulugan ng salita o pahayag
gayundin ang layunin, intensyon, at saloobin ng
nagsasalita.
Basahin nang wasto ang mga salita at pahayag batay
sa bantas na ginamit.
A. 1. Totoo? Maganda siya? 3. Mahal ka niya?
Totoo! Maganda siya. Mahal ka niya.
2. Magagaling? Sila?
Magagaling sila.
B.1. May bisita tayo bukas? 2. Ikaw ang may-sala sa nangyari?
May bisita tayo bukas. Ikaw ang may-sala sa nangyari.
Sagutin:
1. Ano ang pagkakatulad ng mga pahayag sa A1 at
A2? Ng mga pahayag sa B1 at B2?
2.Paano naman nagkakaiba ang mga pahayag sa A1
at a2? Ng mga pahayag sa B1 at B2?
3.Ipaliwanag ang kahulugan, layunin, sitwasyon, o
saloobing nais ibigay ng bawat pahayag.
Pagpapayamang Pangkomunikatibo
Sa pagsulat, makikilala ang kahulugan ng salita o pahayag sa
tulong ng mga bantas tulad ng tuldok, tandang pananong, o tandang
padamdam.
Sa pasalitang pakikipagkomunikasyon, matutukoy ang
kahulugan, layunin, o intensyon ng pahayag ng nagsasalita sa
pamamagitan ng ponemang suprasegmental o ng mga tono, haba,
diin, at antala sa pagbigkas at pagsasalita. Higit nitong napapalinaw
o nadaragdagan ang kahulugan ng mga ponemang segmental na
bumubuo sa mga salita. Tulad ng pag-awit, may tono rin sa
pagsasalita: mababa, katamtaman, at mataas.
HALIMBAWA:
3_
1. 2 ga 2. 3
ta la
1 2
la ta 1
ga
3_
3. 2 pon 4. 3
ka ha
1 2
ha ka 1
pon
Mga gabay na tanong:
Bago ang talakayan, aalamin na muna natin ang ibig sabihin
ng Ponemang Suprasegmental at ano ang pinagbubuhatan ng
salitang ito upang lubos na maunawaan natin ang aralin.
1. Ano ang ponema?
2. Ano ang kahulugan ng suprasegmental?
3. Ano naman ang ibig sabihin ng segmental?
Alam mo ba na….
Ang Ponolohiya ay tumutukoy sa pag-aaral sa mahahalagang
tunog na nagbibigay kahulugan sa pagsambit ng salita na
nagpapabago sa kahulugan ng mga salitang halos
magkakatulad ang kaligirang baybay.
Sa Ponolohiya o palatunugan, lahat ng pamamaraan ay
ginagamit sa pagsusuri at pag-aanalisa ng mga tunog sa
maagham na paraan.
Ang ponema ay tumutukoy sa anumang yunit ng mga tunog o pagbigkas na
taglay ang kahulugan samantalang graphemes naman ang tawag sa
pagsulat ng salita ayon sa tuntunin ng asimilasyon.
Ponema ang tawag sa yunit ng tunog o pinakamaliit na bahagi ng wika na
may kahulugang tunog. Makahulugang yunit ng tunog na nagpapabago sa
kahulugan ng isang salita. Ito ay kaiba sa morpema na kung saan ay
tumutukoy sa pinagsama-samang tunog upang makabuo ng salita. Ang
morpema ay tinatawag na pinakamaliit na yunit ng salita.
Ang salitang “Ponema” ay mula sa salitang Griyego na “Phoneme” na
nangangahulugang makatuturang tunog at ng “Phone”na
nangangahulugang salitang tinig (boses) na naaasimila sa wikang Filipino
bilang Ponema.
Ang segmental ay tinatawag na makahulugang tunog samantalang ang
suprasegmental ay tinatawag na pantulong sa ponemang segmental na ang
tinutukoy na ginagamit bilang pantulong ay ang tono (Pitch), haba (Length),
diin (Stress), at antala (Juncture)
Halimbawa:
Sa pagluluto natin ng Sinigang Baboy, alin kaya dito ang
maihahalintulad sa tunog o ponema?Alin ang pinakaprinsipal na sangkap o
ang segmental at alin naman ang pantulong sa segmental o ang
suprasegmental?
Ang ponema rito ay ang sinigang, ang pinakaprinsipal na sangkap ay ang
baboy o ang segmental at ang pantulong sa segmental o ang suprasegmental
ay ang lahat ng mga rekados na nagpapasarap sa nilutong sinigang na baboy.
Ibig sabihin, ang tunog ay hindi magiging maayos ang pagkakalahad ng
kahulugan, layunin at intensyon kung wala ang mga pantulong sa pagbubuo
nito na ginagampanan ng apat na suprasegmental: tono (Pitch), haba (Length),
diin (Stress), at antala (Juncture)
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Ito ay makahulugang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na
naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng
nagsasalita. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan,
layunin o intension ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin,
tono o intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.
1. Diin- Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang
pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may
iisang tunog o baybay, ang pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng
kahulugan nito.
-Maaaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
Mga halimbawa:
a.) /BU:hay /=kapalaran ng tao /bu:HAY / = humihinga pa lamang
b.)/ LA:mang/ =natatangi /la:MANG /= nakahihigit; nangunguna
2. Tono/Intonasyon – Ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla,
makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapgbigay-kahulugan, at makapagpahina
ng usapan upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap sa kapwa.
Nagpapalinaw ito ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap tulad ng pag-awit.
Sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman, at mataas na tono. Maaaring gamitin ang
bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman , at bilang 3 sa mataas.
Mga Halimbawa:
a.) kahapon = 213, pag-aalinlangan
Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
b.) Talaga = 213, pag-aalinlangan
Talaga = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
3. Antala/ Hinto- Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simbolong kuwit ( , ), dalawang
guhit na pahilis (//), o gitling ( - ).
Mga Halimbawa:
a. Hindi/ ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay pagkatapos ng HINDI. Nagbibigay ito ng kahulugan na
ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua na maaaring siya’y napagkamalan lamang
na si Arvyl.)
b. Hindi ako, si Joshua.
(Pagbigkas ito na ang hinto ay nasa AKO. Pagpapahiwatig ito na ang kausap ay
maaaring napagbintangan ng isang bagay na hindi ginawa. Kaya sinasabi niyang hindi
siya ang gumawa kundi si Joshua.)
c. Hindi ako si Joshua.
(Pagbigkas ito na nasa hulihan ang hinto. Nagpapahayag ito na ang nagsasalita ay
nagsasabing hindi siya si Joshua.)
Karagdagang Kaalaman:
= nangangahulugang hilaw pa ang tuno o hindi pa alam kung ano ang kahulugan ng salita
Jen