Professional Documents
Culture Documents
ESP Q2 Aralin 5 Kapuwa Ko, Nandito Ako Marvietblanco
ESP Q2 Aralin 5 Kapuwa Ko, Nandito Ako Marvietblanco
Aralin 5
Marvie T.Blanco
Four-Kindness
Urdaneta I Central School
Urdaneta City,Pangasinan
Layunin:
Naisabubuhay ang pagiging bukas-
palad para sa mga nagangailangan at
sa panahon ng kalamidad.
Kapuwa Ko, Nandito Ako!
Nabubuhay ang tao hindi lamang para sa kaniyang
sarili kundi para sa kaniyang kapuwa. Mahirap man o
mayaman, may kakayahan ang tao na tumulong sa
mga nangangailangan.
Pakinggan natin ang kuwento ni Paola.
Ako si Paola. Galing ako sa Mindanao. Lumipat kami
sa inyong pook sapagkat isa ang pamilya namin sa
nakaranas ng maraming kalamidad. Ang iba’y gawa ng
tao at ang iba nama’y dahil sa bangis ng kalikasan. Ito
ang larawan ng karanasan ng aming pamilya.
Ang aking
plano upang
matulungan si
Paola
Gawain 1
Basahin ang diyalogo nina Marla at Rolan.
Marla: Rolan, binabati kita. Pinuri ni Gng. Rosales ang
iyong ginawang plano ng pagtulong sa mga nakatira
sa ilalim ng tulay.
Rolan: Salamat Marla. Maganda rin naman ang plano
mo. Siguro may nakalimutan ka lang isulat kaya may
mga punang hindi maganda.
Marla: Naisip ko rin iyon, marami pa ang kulang sa
aking plano kaya kailangan ko pang baguhin at ayusin.
Kapag nagawa ko na nang higit na maganda, ipakikita
ko ulit sa inyo. Paano ka nga ba tutulong kina Paola?
Rolan: Susulatan ko ang mga ahensiya ng pamahalaan tulad
ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Di
ba may napag-aralan tayo tungkol sa programa nilang
"Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)?" May mga
kaklase nga tayo na kasali roon.
Marla: Ang galing mo naman, Rolan. Naisip mo silang ilapit sa
DSWD para maisali sa 4Ps. Ito iyong programa ng pamahalaan
na tumutulong sa mahihirap.
Rolan: Alam mo, hindi lang naman sila ang nangangailangan
ng tulong. Napakarami pa nating kababayan na talagang
nakakaawa ang kalagayan, tulad ng mga nabiktima ng
kalamidad sa Tacloban, lindol sa Bohol, at madalas ding may
nasusunugan.
Marla: Pero marami naman ang nagpapadala ng tulong mula sa
ibang bansa, di ba? Napanood ko nga sa telebisyon, marami
ang nanggagaling sa malalaking kompanya at mayayamang
tao.
Rolan: Marami nga pero mas kailangan ng ating mga
kababayan ang dadamay sa kanila nang may
pagmamahal. Hindi lang basta nagpapadala ng mga
pagkain. Kailangang nararamdaman natin ang
kanilang paghihirap at dapat bukal sa loob ang ating
pagbibigay.
Marla: Bilib na talaga ako sa iyo. Pero sabi ni Inay,
mayroon daw umaabuso. Iyon bang umaasa na lang
sa ibibigay ng kapuwa, hindi na naghahanapbuhay.
Dapat pala, alam natin kung sino talaga ang dapat
tulungan.
Rolan: Oo nga. Hindi bale, tatalakayin pa naman natin
ang tungkol sa pagtulong sa mga darating na araw.
Gawain 2
Maglaro tayo ng "Regalo’t Hagdan." Bumuo ng apat na pangkat
at sundin ang panuto ng laro.
Pumunta sa iyong pangkat.
Bawat miyembro ay bibigyan ng isang pirasong papel na hugis
bilog. Ito ang magsisilbing butil mo sa paglalakbay sa "Regalo’t
Hagdan."
Gamit ang dice, ihahagis ito ng bawat miyembro pataas upang
malaman kung pang-ilan siya sa pila ng mga aakyat sa
"Regalo’t Hagdan."
Ilagay ang iyong butil sa tamang bilang ayon sa lumabas nang
inihagis ang dice. Kung dalawang tuldok (dots) ang nasa
ibabaw ng dice dapat ang iyong butil ay aakyat sa ikalawang
kahon sa "Regalo’t Hagdan" at ikaw ang ikalawang aakyat
pagkatapos ng unang miyembro na ang lumabas sa ibabaw ng
dice ay isang tuldok (dot).
5. Basahin ang nasa kahon. Ayon sa iyong sagot
maaari ka na namang umakyat sa ibang kahon.
6. Ang lider ng bawat pangkat ang magsasabi kung
saang kahon ka makakapunta ayon sa iyong sagot.
7. Ulitin ang paghagis ng dice kapag lahat ng
miyembro ay nakaakyat na para sa susunod na bilang
at pila ng pag-akyat.
8. Ang mag-aaral na unang makaakyat sa kahon
bilang 25 ang siyang mananalo.
MAPA ng "Regalo’t Hagdan"
21 22 23 24 25
Walang aalalay sa lola kailangang tumulong sa Paano maipakikita Kahanga-hanga ka!
na tatawid sa kalye. Ano Ipagpatuloy ang
nangangailangan ang pagiging bukas-
ang gagawin mo? pagiging, matapat,
palad? totoo, at bukas-palad!
20Kailan maaaring
ipakita ang
19May maitutulong
ka ba sa mga
18 17
Sori, kailangang bumalik ka
16 Sa bahay ninyo
iniimbak ang relief goods
sa kahon 11 para sa nasalanta ng
pagiging bukaspalad? nasalanta ng
bagyo? bagyo. May nagustuhan
kang laruan sa mga ito.
Ano ang gagawin mo?
11 12 13
Sori,kailangang
14 15
Maaari kang
Ano ang gagawin mo sa umakyat sa
natirang baon? Bakit ito ang bumalik ka sa kahon kahon 23
gagawin mo? 6
10Magbigay ng 9 8 7May outreach
Program ang iyong
6
isang bagay na kaya
mong ibahagi sa
Kanino ka dapat Paaralan para sa mga
nasunugan.Alin sa iyong
mga nasunugan. tumulong? Mahalagang mga gamit
ang kaya mong ibiga y