You are on page 1of 50

MGA KUWENTO

SA YUNIT I
( ARALIN 1 - 5 )
Ang Pambihirang
Sombrero
ni Jose Miguel
Tejido
Mahilig mangolekta ng
kakaibang mga gamit si
Mia.
Isang araw, naghalungkat si
Mia sa lumang baul ng
kaniyang lola. Laking tuwa
niya nang makatagpo siya
ng sombrero. Kakaiba ang
itsura nito!
Humarap si Mia sa salamin
para sukatin ang sombrero.
Sinubukan niyang isuot ito sa
iba’t ibang paraan. Ngunit
naisip niya, bakit parang may
kulang?
Lumabas ng kanilang bahay si Mia
at nagtungo sa tindahan sa tapat.
“Magandang umaga, Manang Sol,”
bati ni Mia.
“Maganda po ba ang aking
sombrero?”
“Oo Mia, pero mas maganda kung
lalagyan pa natin ng alkansiya,”
sagot ng tindera.
Nagulat si Mia sa handog sa kanya.
“Salamat po Manang Sol,” sabi ni
Mia.
Sunod na pinuntahan ni Mia
ang panaderya.
“Mang Rico!” tawag ni Mia.
“Maganda po ba ang aking
sombrero?”
“Oo Mia, pero mas maganda
kung palalamutian pa natin ng
kandelabra,” sagot ng
panadero.
Salamat po Mang Rico,” sabi ni
Mia.
Nagdaan din si Mia sa klinika.
“Doktora Dulce, maganda po ba
ang aking sombrero?” tanong
ni Mia.
“Oo Mia, pero mas maganda
kung papatungan natin ng mga
prutas,” sagot ng doktora.
Salamat po, Doktora Dulce,”
sabi ni Mia.
Naglakad pa si Mia at
nakarating sa estasyon ng
bumbero.
“Mang Ador, maganda na po ba
ang aking sombrero?” tanong ni
Mia.
“Oo Mia, pero mas maganda
kung dadagdagan natin ng
akwaryum,” sagot ng bumbero.
Salamat po Mang Ador,” sabi ni
Mia.
Pagtawid niya sa kalsada,
nakasalubong ni Mia ang pulis.

“Mia, Kakaibang sombrero iyan,


ah!” bati ni Mang Kalor. Pero
mas maganda kung sasabitan pa
natin ng hawla.”

Salamat po Mang Kalor,” sabi ni


Mia.
Umabot si Mia sa hardin ng
plasa.
“Mang Lito, maganda na po ba
ang aking sombrero?” tanong
ni Mia.
“Oo, pero mas maganda kung
kakabitan pa natin ng mga
bulaklak,” sagot ng hardinero.
Salamat po Mang Lito,” sabi ni
Mia.
Pagdating sa palaruan,
napakarami nang palamuti sa
sombrero ni Mia!
“Mia, itong saranggola na lang
yata ang kulang diyan!” sabi ng
kanyang kalaro.
“Sandali lang, Toto!” sigaw ni
Mia.
Ngunit naitali na ni Toto ang
saranggola.
Biglang umihip ang
napakalakas na hangin.
Kumapit si Mia sa
kaniyang sombrero at
natangay siya paitaas.
Nakarating si Mia sa mga
ulap!
Biglang lumobo ang kaniyang
sombrero at naging isang
napakalaking parasiyut.
Nang tumapat ito sa
araw, nakita ng lahat ang
angking ganda ng
sombrero!
Si Jose, Ang Batang
Magalang
ni Arjohn V. Gime
Bukas ay araw na ng pasukan. Lahat ng mga mag-aaral ay
sabik ng pumasok sa paaralan. Habang nag-aayos ng gamit si
Jose para sa kaniyang unang araw sa ikaapat na baitang, bigla
siyang tinawag ng kaniyang Nanay Lorna. Agad namang lumapit
si Jose sa kaniyang ina.
“Jose, magtatanghalian na, bumili ka muna ng mga
kakailanganin natin para sa lulutuin kong adobong manok.”
“Opo. Ano po ba ang bibilhin sa tindahan? Tanong ni Jose.
“Bumili ka ng paminta, mantika, suka, at toyo” tugon ni Nanay
Lorna kay Jose.
“Sige po Nay! Tugon ni Jose.
Pumunta na si Jose sa pinakamalapit na tindahan ni Mang
Melchor.
“Magandang tanghali po, Mang Melchor!” bungad ng
masiglang bata sa may-ari ng tindahan.
“Magandang tanghali rin sa iyo. Ano ang bibilhin mo?”
tanong ng tindero sa bata.
“Pinabibili po ako ni Nanay ng halagang limang pisong
paminta, isang bote ng mantika, suka at toyo.” “magkano po
lahat?”tanong ni Jose.
“Limang pisong paminta, bente pesos ang mantika, sampung
piso ang suka at kinse pesos naman ang toyo. Kaya lahat-lahat
ay limampung piso,” ang tugon ng nakangiting tindero.
”Salamat po, Mang Melchor,” “Walang anuman, Jose!”
Sa kaniyang pag-alis ng tindahan, nakasalubong naman niya si
aling Helen na kanilang kapitbahay.
“Magandang araw po, Aling Helen. Pupunta pala kayo rito
sana ako na lamang ang pinabili ninyo para hindi na kayo
napagod.” “Naku oo nga e, may kulang pala ako sa aking
lulutuing pananghalian. O di ba may pasok ka na bukas?”
“Opo kaya nga po nag-aayos na ako ng aking mga gamit at
hindi muna ako nakipaglaro sa aking mga kaibigan upang
makapagpahinga. Maghapon na naman po kasing titigil sa
paaralan at hindi na makatutulong sa tanghali. Sige po mauna na
ako.”
“Magandang araw po, Mang Caloy, pahinga muna
kayo,”ang kaniyang bati sa kaibigang abala sa pag-aayos ng
kaniyang sirang tricycle, sabay kaway.
“Uy, Ben.Kumusta? Handa ka na bukas? Umuwi ka na at
mainit na ang sikat ng araw. Pasukan na natin bukas. Sige
ka,ikaw rin baka magkasakit ka e, mamis , mo ang mga
mangyayari sa unang araw ng pasukan natin, Ang paalala ni
Jose sa kaniyang kaklase na abala sa pagbibisikleta malapit sa
kanilang bahay.
At sa wakas, nakauwi rin si Jose sa kanilang bahay. May
ngiti sa labi dahil nakatulong siya sa kaniyang nanay at nakita
niya at nabati ang mga taong malapit sa kaniyang puso.
Sa isip niya, napasaya rin niya kahit papaano ang mga
taong kaniyang nakita sa pagbili niya sa tindahan ni Mang
Melchor.
Paano ipinakita ni Jose ang pagiging magalang?
Tomas Cabili
Sultan Demasangkay-ko-Ranao
Tomas Cabili
Sultan Demasangkay-ko-Ranao

Ako si Tomas Cabili. Ipinanganak ako sa Iligan, Lanao del


Norte nong Marso 7,1903. Kilala ako sa tawag na Sultan
Demasangkay-ko-Ranao. Nagtapos ako ng Batsilyer ng Sining sa
Unibersidad ng Pilipinas sa Cebu nong 1925. Kumuha naman ako
ng kursong abogasiya sa Visayan Institute at Philippine College of
Law. Nagkamit ako ng parangal sa larangan ng pagtatalumpati at
debate. Nagtapos ako ng kursong abogasiya noong 1929.
Isa ako sa mga nahalal upang lumikha ng konstitusyon ng
Pilipinas sa Contitutional Convention (ConCon) noong 1934.
Nakilala ako dahil ako lamang ang tanging kinatawan sa ConCon
Magtanim Upang Mabuhay
Oras ng asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan ng mga mag-aaral sa ikaapat na
baitang. Nasa loob sila ng silid-aralan. Ganito ang sinabi
ng guro. “Mga mag-aaral kayo ay tuturuan kong
maghanda ng tamang taniman ng gulay. Tuturuan ko rin
kayo ng wastong pagtatanim at pag-aalaga ng mga
gulay, halaman, at punongkahoy. Kailangan natin ang
magtanim upang mabuhay.
Dinala ng guro sa halamanan ng paaralan ang mga
bata. Dito niya itinuro ang wastong pagbubungkal ng lupa
at ang paghahanda ng taniman. Binigyan din niya ng kani-
kaniyang lugar na bubungkalin ang bawat mag-aaral.
Maayos na nagsigawa ang mga mag-aaral. Sa hindi
sinasadyang pagkakataon ay nabagsakan ng asarol ang
paa ni Efren. Nagdurugo ang paa nito. Agad naming
dinala nina Dodo at Bino si Efren sa klinika ng paaralan.
Ginagamot siya ng nars at pinayuhang umuwi at
magpahinga.
Hindi nakapasok ng ilang araw si Efren sapagkat
namaga ang kaniyang paa. Nang magaling na ang
kaniyang sugat ay saka pa lamang siya nakapasok sa
paaralan. Ang halamanan ang una niyang tinungo upang
makita ito. Anong laking pagkamangha niya nang
makitang yari na ang kaniyang plot.

Sanggunian:
Filipino 4 Sagisag ng Lahi, Batayang Aklat sa Filipino-Pagbasa
Angelita L. Sta. Ana, pp. 24-25
Hindi Sagabal
Isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga
nagsipagtapos at kanilang mga magulang nang
umakyat si Maryann sa entablado upang tanggapin
ang kaniyang diploma at medalya.
Nagtapos bilang cum laude si Maryann Rosuman
sa Pamantasan ng Northern Philippines. Pinalakpakan
siya hindi lamang dahil sa kaniyang katalinuhan kundi
dahil sa kakaiba siya sa lahat.
Tatlong talampakan at limang daling lamang si
Maryann. Isinilang siyang walang mga paa, 20 taon na
ang nakalilipas. Katutubo siya sa Barangay Bayubay,
San Vicente, Ilocos Sur. Nagtapos siya sa kursong
accounting. Hindi nagging balakad ang kapansanan niya
sa kaniyang pag-aaral. Naging valedictorian siya noon
sa elementarya at sekundarya. Kahit hirap sa pagtindig
at pagpunta sa klase, napagaan yaon ng pagiging
matulungin ng kaniyang mga kamag-aral.
Franz Liszt
Itinuturing na “Pinakadakilang Piyanista sa Lahat ng
Panahon” si Franz Liszt. Ipinanganak sita noong Oktubre 22,
1811 sa Lunsog ng Raiding, Hungary. Isa siyang huwarang
anak at mabuting bata.
Nahilig na si Franz sa musika sa gulang na lima. Tinuruan
siya ng kaniyang tatay na si Adam Liszt sa pagtugtog ng
piyano.
Nang sumapit na si Franz sa gulang na walo, nagsimula na
siya gumawa ng mga komposisyon na may kinalaman sa
simbahan. Nang makita at marinig ito ng mga taong simbahan,
binigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng isang
konsiyerto.
Maraming tao ang dumalo sa araw ng kaniyang palabas.
Ibinuhos lahat ni Franz ang galing niya sa pagtugtog ng
piyano gamit ang kaniyang komposisyon. Ang madla ay
humanga, naiyak, at nagalak sa namalas nilang kahusayan ni
Franz.
Simula noon, marami ang nag-alok sa kaniya na
magtanghal. Nakarating siya sa iba’t ibang panig ng mundo.
Namalas ng karamihan ang kaniyang angking talent.
Nahirang siya bilang isa sa mga pinakadakilang piyanista at
kompositor. Pumanaw siya noong Hulyo 31, 1886.
HIPON AT BIYA
ni CARLA PACIS
Sa maputing buhangin ng
isang tangrib nakatira si Hipon
at Biya. Kahit hindi magkauri,
magkasama silang nakatira sa
isang lunggang binungkal sa
buhangin ni Hipon. Masaya sila
sa ganitong pamumuhay.
Trabaho ni Hipon na
panatilihing malinis ang
kanilang lungga. Hindi niya
hinahayaang pasukin ito ng
buhanging dala ng mga alon.
Dahil sa sampu niyang
mahahaba at matitinik na binti,
hindi ito problema. Kaniya ring
sinisigurado na kumakain nang
maayos si Biya.
Si Biya ay mahigpit na
binabantayan ang lungga mula sa
mga nais mang-abala. Kaniya ring
tinitiyak na ligtas si Hipon mula sa
malalaki’t gutom na isda na sarap na
sarap sa manipis nitong balat.
Tuwing may papalalapit na
malalaking isda, agad na ipipilantik ni
Biya ang buntot nang ilang beses. At
si Hipon, na malabo ang mga mata
ay magmamadaling papasok sa
lungga upang makaiwas sa
panganib.
Kapag bumabagyo,
hinaharangan ni Hipon ng bato
ang bungad ng lungga. Dahil
dito, ligtas si Hipon at si Biya
mula sa mga along
humahampas sa tangrib.
Ganitong panahon nang
magsimula ang kanilang alitan.
Ilang araw na ring bumabagyo at
pagod na si Hipon sa pagtutulak ng
buhanging pumapasok sa kanilang
lungga.
“Wag ka ngang lumangoy-langoy
lang! Kumilos ka naman diyan!” sigaw
ng pagod na pagod na si Hipon.
”Ano namang magagawa ko?” sagot
ni Biya.
“Wala namang makapasok sa lungga
para tayo’y kainin.
Alam ni Hipon na tama si Biya. Pero
bakit kailangang siya lang ang laging
magtrabaho?
“Ikuha mo ako ng pagkain!”
utos ni Hipon.
“Kamutin mo ang likod ko!”
“Pero mga palikpik lang ang
mayroon ako!” sagot ni Biya, na
gustuhin man ay di magawa
ang mga utos ni Hipon.
Alam ni Hipon na tama si
Biya ngunit patuloy pa rin nitong
kinukulit si Biya.
Hindi na matiis ni Biya ang
nangyayari. Kaya pagkatapos ng
bagyo, lumangoy siya palabas ng
lungga.
“Saan ka pupunta?” tanong ni
Hipon.
“Maghahanap ako ng ibang
lungga! sagot ni Biya.
Sa isang pilantik ng kaniyang
buntot, siya’y nawala.
“Bllb,”sambit ni Hipon at gumapang
siyang pabalik sa lungga.
“Kung sa kaniyang palagay ay
kailangan ko siya, nagkakamali siya”.
Di nagtagal, lumabas si Hipong
malabo ang mata. Isa palang pindangga
ang naghihintay sa kaniya sa labas ng
lungga.
Buti na lang at bago siya manguya
ng matutulis at bako-bakong ngipin ng
pindangga, nakapasok sa lungga si
Hipon, na bahagi lang ng isang binti ang
nawawala.
Bago pa man lumubog ang
araw sa tangrib, ang takot na
Hipon ay muntik nang makain
hindi lamang ng pindangga,
kundi pati ng isang lumba-lumba
at isang pawikan.
“Siguradong magiging
pagkaing isda ako ngayong wala
na si Biya,” iyak ng kaawa-
awang si Hipon.
Di naman nalalayo si Biya.
“Kailangan mo ba ng isda para
magbantay ng lungga?”tanong niya sa
lahat ng Hipon na makasalubong.
Ngunit ang bawat lungga ay may
sariling Biya at hindi na
nangangailangan ng isa pa.
“Saan ako matutulog?” tangis ni Biya
na walang lungga, habang takot na
takot na nagtatago sa likod ng isang
malaking bato, umaasang di siya
mapansin ng dumadaang maming.
Pagdating ng pagtaas ng
tubig, gutom na gutom na si biya.
Hindi pa siya kumakain magmula
nang umalis siya sa kaniyang
lungga.
“Sino’ng magbubungkal para
sa pagkain ko?” taghoy niya,
habang sinusubukang sumandok
ng makakain sa buhangin gamit
ang kaniyang mga palikpik.
Pagsikat ng araw, nagbungkal si
Hipon palabas ng lungga. At sino pa
nga ba ang naghihintay sa labas kundi
ang napakarumi at gutom na gutom na
si Biya!
“Nagbalik ka!” sigaw na
napakasayang Hipon, na akmang
yayakapin si Biya gamit ang kaniyang
siyam at kalahating binti.
“Kailangan kita upang bantayan
ako! Ipinapangako kong
magpapakabait na ako at hindi na
ipagagawa ang alam kong hindi mo
kayang gawin.”
“Mabuti naman,” sabi ni Biya, na
masayang-masaya rin dahil siya’y
nakauwi na.
“Kailangan naman kita para ihanap
ako ng pagkain at para ipagbungkal
ako ng bahay.
Lahat ng ibang hipon ay may
kapares na at ang bahayang isda ay
isang mapanganib at malungkot na
lugar para sa isang biyang walang
tirahan,”dagdag pa ni Biya, sabay
pilantik ng buntot nang tatlong beses
bilang babala na may isang gutom na
gatasan na gumagala sa di kalayuang
koral.
Kaya’t magkasamang
namuhay sina Hipon at Biya sa
isang lunggang binungkal ni
Hipon.
Sila’y masaya sa ganitong
pamumuhay.
Nanimbang sa Katig
Masayang-masaya ang mga bata. Nakasakay sila sa
bangkang may motor. Nag-aawitan sila sa saliw ng
palakpak at padyak ng mga paa. Umiindayog sila
kasabay ng pagtaas at pagbaba ng alon. Tuwang-tuwa
sila lalo kapag may malaking along sumasalpok sa
kanilang bangka.
Maya-maya buong pagmamalaking nanimbang sa
katig si Armando. Tumayo siya nang walang hawak.
Nagpalakpakan ang lahat. Ang tapang ni Armando!
Hindi nila pinansin ang malaking alon na dumarating.

You might also like