You are on page 1of 12

GAMIT NG WIKA

SA LIPUNAN
Gamit ng Wika sa Lipunan Interaksyunal

◦ Ayon kay M. A. K Halliday


Impormatibo Regulatoryo
(1973) ang wika ay may
mahalagang gamit. Ito ay ang
mga sumusunod:

Gamit ng
wika sa
lipunan
Personal Heuristoko

Instrumental Imahinasyon
Gamit ng wika sa lipunan
Instrumental
◦ Ginagamit ang wika bilang instrumento sa pagtugon sa mga
pangangailangan ng tao sa lipunan. Naibibigay ng bawat isa ang
pangangailangan sa tulong ng wika. Ang paggawa ng mga liham
pangangalakal (business letter) ay isang mahusay na halimbawa ng
pamamaraan upang matugunan ang ating iba’t ibang pangangailangan,
halimbawa kung kailangan mo ng trabaho, kailangan mong gumawa ng
application letter, bukod sa iba pang requirements. Ang iba pang

◦ Halimbawa nito ay pag-uutos, pagtatanong at pakikiusap.


Gamit ng wika sa lipunan
Interaksyunal
◦ Ginagamit ang wika sa pakikipag-ugnayan sa kapwa at pagpapanatili ng
magandang samahan. Sa araw-araw natin na pakikihalubilo sa kapwa ay
napapanatili natin ang relasyong sosyal sa tulong wikang ginagamit natin.
Pinakamahusay na halimbawa nito ang mga pormulasyong panlipunan.
(Magandang umaga, Maligayang kaarawan, Hi/Hello at iba pa)
pangangamusta at pagpapalitan ng biro.

◦ Halimbawa nito ang liham-pangkaibigan, ang pakikipag-chat sa mga


kaibigang nasa malayong lugar o sa isang bagong kakilala.
Gamit ng wika sa lipunan
Regulatoryo

◦ Ang wika ay ginagamit upang makontrol ang kilos at pag-uugali ng tao.


Tulad ng isang gas stove na may regulator upang makontrol ang apoy nito.
Sa madaling sabi ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin.
Ang mga panuto sa pagsusulit at mga nakapaskil na Dapat (do’s) at Hindi
Dapat (don’t’s) kung saan-saan na nagbibigay sa atin ng babala at paalala
ang mga halimbawa nito.
Gamit ng wika sa lipunan
Personal

◦ Ang tao ay nakakaramdam ng saya, lungkot, pagkabigla, galit at iba pa. sa


tulong ng wika ay naipapahayag niya ang kanyang sariling opinion at
saloobin sa kapwa. Sa mga talakayang pormal o di-pormal ay gamit na gamit
ang tungkuling ito. Samantala, ang pagsulat ng liham sa patnugot at ng mga
kolum o komentaryo ay mga halimbawa nito sa pasulat na anyo.
Gamit ng wika sa lipunan
Pang-imahinasyon

◦ Likas sa ating mga Pilipino ang pagkamalikhain. Sa pamamagitan ng wika ay


napapagana ang imahinasyon ng tao. Naksusulat ito ng tula, maikling
kwento at iba pa. Nakaukit sa isipan ng tao ang kanyang mga pangarap na
nagsisilbing gabay sa kanyang hinaharap. Ang mga halimbawa ng pang-
imahinasyon ay pagsulat ng akdang pampanitikan, pagguhit at
paglalarawan.
Gamit ng wika sa lipunan
Heuristiko

◦ Tayo’y mahilig mangalap ng mga impormasyon sa bagay-bagay na gusto


nating malaman. Sa paghahanap ng impormasyon o datos gamit ang wika ay
tinatawag na Heuristiko. Ang mga halimbawa nito ay pagkakaroon ng
sarbey, pananaliksik at pakikipanayam.
Gamit ng wika sa lipunan
Impormatibo

◦ Sa tulong ng wika naibibigay ang kaalaman o impormasyong hinahanap ng


bawat tao. Ang pagbibigay ng mga sagot o kasagutan sa mga impormasyon
gamit ang wika ay tinatawag na Impormatibo, ang mga halimbawa nito ay
pag-uulat, pagsulat ng pamanahong papel at pagtuturo.

Ang pagsasarbey ay heuristik at ang pagsagot sa sarbey ay impormatibo.


Sitwastyon: Nagkita si Menil at Emy sa isang mall.
Menil: Emy, kamusta kana?
Emy: Oi, Menil (nag-aalinlangan) ikaw na ba ‘yan?
Menil: Ano ka ba? Oo ako ito!
ikaw kamusta naman?
Emy: Eto, dalaga pa hanggang ngayon, walang nagkamali.

Menil: Ikaw naman, darating din ‘yun.


Emy: Buti ka pa seksi na mukhang mayaman pa.
Ano ba ginagawa mo?
Menil: Hindi naman nakapag-asawa lang ng mayaman at responsableng negosyante.

Emy: Talaga? Hanap mo naman ako ng ganyan.


Hindi, biro lang.
Sitwasyon: papasok ng paaralan si Sam.
Sam: Magandang Umaga po!

Gwardya: Na saan ang I.D. mo?

Sam: Nawawala po sir.

Gwardya: Ganun ba? Dapat mong ipagbigay alam sa iyong guro na nawawala ang iyond
I.D.

Sam: Saan po ba ang opisina ni Gng. Perez?

Gwardya: Sa ikalawang gusali mula dito.

Sam: Maraming salamat po!


Maraming Salamat!!!

You might also like