You are on page 1of 16

ANG MGA PAGBABAGO

SA LALAWIGAN SA
REHIYON
WEEK 3
ARALIN1.1.2
Ang SOCCSKSARGEN na
opisyal na pangalan ng Rehiyon
XII ay isa sa mga rehiyon ng
bansa na matatagpuan sa South
Central Mindanao.Ang pangalang
SOCCSKSARGEN ay nagmula sa
dinaglat na pangalan ng apat na
mga lalawigan at isang lungsod sa
rehiyon, ito ay ang South
Cotabato, Cotabato, Sultan
Kudarat, Sarangani at General
Santos City.
 
Sa bisa ng Executive Order No. 36 na
inaprubahan noong Setyembre 19, 2001,
naging opisyal na bahagi ng Rehiyon XII
ang mga probinsiya ng Cotabato, Sultan
Kudarat, Timog Cotabato, at Sarangani at
ang mga lungsod ng Cotabato, Heneral
Santos, Kidapawan, Koronadal at
Tacurong.
Ang Lungsod ng Koronadal ang naging sentrong pang-
administratibo ng rehiyon ayon sa Executive Order No. 304,
na inaprubahan ni dating Pangulong Gloria Macapagal -
Arroyo noong Marso 30, 2004 .
Ang Lungsod ng Heneral Santos
1.Pagbabago sa Pangalan
Ang mga tribong Blaan ang
orihinal na naninirahan sa
Lungsod ng Heneral Santos na
binansagan ding GenSan. Ang pangalang Dadiangas
"Dadiangas" ang dating o ziziphus spina - christi,
pangalan ng lugar na ito noon. ay mula sa pangalan ng
isang uri ng puno na
tumutubo sa lugar na ito na
may tinik ang tangkay.
Noong Marso 1939, ang unang pormal na
naninirahan sa lungsod ay naitatag sa ''Alagao''
na kilala ngayong Barangay Lagao. Ang
Barangay Lagao noon ay kilala bilang Municipal
District of Buayan, na sakop ng hurisdiksyon ng
deputy governor ng Municipal District of Glan.
Hanggang sa naging opisyal na isang malayang
Municipal District of Buayan noong Oktubre 1,
1940.
Noong Hunyo 1954, binago ang pangalan
ng Munisipalidad ng Buayan sa pangalang
Heneral Santos sa karangalan ng mga
pioneer settlers. Ito ay sa bisa ng Republic
Act No. 1107 na ipinanukala ni Cong.
Luminog Mangelen ng lalawigan ng
Cotabato .
Noong Hulyo 8, 1968, batay sa bisa ng Republic
Act No. 5412 na ipinanukala ni dating Cong. James
L. Chiongbian, ang Munisipalidad ng Heneral
Santos ay naging ganap na lungsod at nananatili sa
pangalang Heneral Santos.
Naganap ang inagurasyon ng Lungsod ng
Heneral Santos noong Setyembre 5, 1968.
 
2. Pagbabago sa gusali at iba pang imprastruktura

May nakikita ba kayong pagbabago sa mga


imprastruktura ng Lungsod ng Heneral
Santos? Ano-ano ang mga ito? Subukin
nating tukuyin isa-isa.
noon ngayon

City Hall
Pioneer Avenue
plaza
Santiago Boulevard
MSU- High School
3. Pagbabago sa populasyon
Total Population by Census Year
General Santos City, 1970 to 2010
A Decennial Census
Sagutin Mo:
1.Ano-ano ang mga pagbabago noon ang
napansin mo sa mga sumusunod:
a. pagbabago sa pangalan?
b. pagbabago sa imprastraktura?
c. pagbabago sa populasyon?

2. Pare-pareho ba ang mga pagbabago sa


lungsod at lalawigan sa rehiyon? Bakit mo
nasabi ito?

You might also like