You are on page 1of 101

Quarter 2 Week 7

December 12, 2022


MGA PROYEKTONG
NAGPAPAUNLAD AT
NAGSUSULONG NG
NATATANGING
PAGKAKAKILANLAN O
IDENTIDAD NG KOMUNIDAD
Ang ating pamahalaan ay
mayroong ibat- ibang
inisyatibong proyekto na
nakakatulong sa pag- unlad ng
komunidad, gaya ng mga
sumusunod.
Sagutin :
1.Anu- ano ang mga inisyatibong proyekto ng
ating Pamahalaan?
2.Mahalaga ba ang mga proyekto na ito sa
iyo at sa iyong pamilya? paano ito naging
mahalaga ? ipaliwanag ang iyong sagot.
3.Paano mo ipinapakita ang pagsunod sa mga
patakaran ng iyong komunidad?
Tandaan:
Ang ating Pamahalaan ay
mayroong ibat-ibang inisyatibong
proyekto na nakakatulong sa
pag-unlad ng ating komunidad.
Panuto: Isulat ang Tama kung ang Pahayag
ang nagsasabi ng Tama at isulat ang Mali
kung Mali ang sinasabi.
1,Ang Isang komunidad na malinis,
mapayapa ay nagpapakita ng maunlad na
komunidad.
2. Ang lugar na mdumi at maingay ay isang
maunlad na komunidad.
3. Kapag ang namumuno ay masipag at
madaming proyekto na ipinatutupad
ay maunlad na komunidad.
4.Ang komunidad ay maunlad kung
madaming tambay at walang trabaho.
5.Ang komunidad na maraming pabrika
at trabaho ay maunlad na komunidad.
Takdang -aralin :
Gumupit o gumuhit ng mga
larawan ng mga larawan ng mga
proyekto ng ating Pamahalaan sa
ating komunidad at ilagay ito sa
inyong kwaderno.
Mother Tongue

Grade Two
Class
Quarter 2_Week 7_ Day 1

December 12, 2022


Layunin:
∙ Nakakakuha ng
impormasyon sa
inilathalang patalastas o
anunsiyo at mapa ng
komunidad.
MT2SS-IId-e-4.4
Balik-Aral:
Panuto: Lagyan ng 🙂
kung ang
pangungusap ay tama
at 😔 naman kung
1. Gumamit ng po at opo kung ang kausap ay mas matanda
sa iyo.
2. Maging magalang sa pagtatanong.
3. Gawin nang pagalit ang pagtatanong upang malaman ang
mga impormasyon.
4. Huwag isulat ang mahalagang impormasyon na sinabi ng
kausap.
5. Nakatutulong ang pagkuha ng impormasyon sa panonood
ng telebisyon.Mula sa tinalakay nating kahulugan kahapon
ng Simile o pagtutulad, ibigay ang kahulugan ayon sa
pagkakatanda ninyo.
Tukuyin ang bawat larawan
Alam mo ba kung para saan ang mga ito?
Ang telebisyon, radyo, internet at balita ay
nagbibigay sa atin ng mga impormasyon.

Ngunit, maliban sa mga ito makatutulong din ang


mapa at nakalimbag na anunsiyo upang
malaman mo ang mga detalye ng kailangan
mong impormasyon.
Pagbasa ng maikling
kuwento tungkol sa
magkaibigang sina Obet at
Intoy.
Magkaibigan sina Obet at Intoy. Kaya
noong kaarawan ni Obet, inanyayahan
niya si Intoy na dumalo.
Ngunit hindi alam ni Intoy ang daan
papunta sa bahay ni Obet. Kaya binigyan
siya nito ng isang mapa.
Dahil sa ganda ng mapang ginawa ni
Obet, napaisip si Intoy. “Dito sa lugar
na ito gagawa ako ng mga paaralan
upang maraming bata ang makapag-
aral” sabi ni Intoy sa sarili.
“Gagawa rin ako ng magagandang parke o
palaruan upang madaming bata ang
makapaglaro” ngumingiting naisip ni Intoy.
Masayang iniisip ni Intoy ang mga
pangarap niya paglaki, ng bigla siyang
nagulat sa isang malakas na boses na
tumawag sa kanya.
“Intoy”… ang sigaw ng boses na
narinig niya. Si Obet pala ang tumawag
sa kanya. Dahil sa masaya niyang
iniisip hindi niya namalayang
nakarating na pala siya sa bahay nila.
Sagutin:
1. Tungkol saan ang kuwento?
2. Paano nakarating si Intoy sa bahay
nila Obet?
3. Sa iyong palagay makakarating
kaya si Intoy sa bahay nila Obet kung
wala ang mapa? Bakit?
Mahalaga ang paggamit ng mapa upang hindi ka
maligaw. Subalit kung walang mapa, maaari ka
ding magtanong-tanong sa mga taong iyong
makikita ngunit kailangang mag-ingat ka sa iyong
mga makakausap.

Sa pamamagitan din ng mapa, masasagot mo ang


sino mang magtatanong sa iyo tungkol sa
kinaroroonan ng isang lugar.
Mula sa mapang ginawa ni Obet iguhit ang
mga impormasyong pangarap ni Intoy.

Mapa
Ang mapa ay paglalarawan ng isang
lugar. Ito ay isang napakahalagang
sanggunian. Ipinapakita rito ang
kinalalagyan ng iba’t ibang lugar.

Sa paggawa ng mapa kailangang may


kaalaman sa mga d direksyon, ang Hilaga,
Timog, Kanluran at Silangan.
Sagutin:
1. Ano ang pamagat ng anunsiyo?
2. Ano ang pangalan ng kampanya laban
sa Covid-19 ng Lungsod ng Muntinlupa?
3. Saan ipinatutupad ang kampanyang
WOW?
Anunsiyo
Anunsiyo o patalastas ay maikling pahayag na
nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang bagay.
Maari itong nanghihikayat, nagbibigay ng panuto o
nagbibigay ng babala.

Katulad ng mapa, ang anunsiyo ay nagbibigay


din ng impormasyon tungkol sa isang bagay na
kailangan nating malaman.
Kahit sino na may nais ipabatid o ipaalam na impormasyon ay
maaaring gumawa ng anunsiyo. Siguraduhin lamang na ito ay
tama at makakatulong.

Iba pang halimbawa ng anunsiyo:


1. Mga anunsyo ng iyong guro sa inyong GC
2. Class Schedule sa DEPED Facebook Page
3. Class Suspension

Bilang isang mag-aaral, kailangan mong basahin at


unawaing mabuti ang mga anunsiyo ng iyong guro, paaralan
o anumang patungkol sa iyong pag-aaral.
Basahin at unawain ang
anunsiyo. Pag-aralan din
ang mapa na matatagpuan
sa ibaba.
Pag-ugnayin ang magkatugmang impormasyon sa Hanay A
at Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Mga dadalo a. Kaarawan


2. Petsa at oras b. Marso 14, ika-4 ng hapon
3. Lugar na pupuntahan c. Mag-aaral sa ikalawang baitang
4. Pagdiriwang na dadaluhan d. Kalye Santan, Purok 2, Barangay
Masagana
ISAPUSO: Inyong Pagnilayan:

Ano ang kahalagahan ng pagbibigay


ng anunsyo?
ISAISIP:
• Ang anunsiyo at mapa ng komunidad ay mapagkukuhanan ng
mga impormasyon na makatutulong upang lumawak ang ating
kaalaman tungkol sa isang bagay o pangyayari.
• Sa anunsiyo nakasaad ang mga impormasyon tulad ng
kaganapan, petsa, oras, lugar na pagdarausan at taong kalahok.
• Sa mapa naman makukuha ang lokasyon at direksyon patungo sa
isang lugar o istruktura. Ang pangunahing direksyon nito ay Hilaga,
Silangan, Timog at Kanluran. Samantalang ang pangalawang
pangunahing direksyon ay Hilagang Silangan, Timog Silangan,
Timog Kanluran at Hilagang Kanluran.
1. Ano ang pamagat ng mapa?
2. Ano-ano ang mga makikita sa
mapang pangkomunidad?
3. Ano-anong mga direksyon ang
makikita sa mapa?
4. Sa anong direksyon
matatagpuan ang paaralan?
5. Kung ang bata ay nasa
panaderya anong gusali ang
matatagpuan sa timog niya?
6. Sa anong direksyon
matatagpuan ang pamilihan?
Takda: Iguhit ang inyong naging
kasagutan mula sa 5 pangungusap
na ginamitan ninyo ng Simile o
pagtutulad.

You might also like