You are on page 1of 44

Online Distance

Learning
Layunin
Layunin
 Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng akda batay
sa napakinggang mga pahiwatig.
 Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng
 pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahong nasulat ito
 pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda-pagsusuri sa epekto
ng akda pagkatapos itong isulat
Panimula
Bigyang pansin ang bawat larawan:
Ipinanganak noong Abril 2,
1788 sa Panginay, Bigaa
(ngayon ay Balagtas),
Bulacan
Tinatawa
g rin
siyang
Kiko at
Balagtas
Ang mga magulang niya ay
sina :
Juana dela Cruz Juan Baltazar
(maybahay) (panday)
Mayroon din
siyang tatlong
kapatid na
sina Felipe,
Concha at
Nicholasa.
Parokyal na Paaralan
Katekismo at Relihiyon
Naging katulong siya ni Donya
Trinidad noong 1799 sa
Tondo, Maynila.
Colegio de San Jose
Gramatika, Latin at Kastila, Fiska,
Geografia at Doctrina Cristiana
Colegio de San Juan de Letran
Teolohiya, Filosofia at
Humanidades
Latin Espanyol

Humanidades Batas

Nagtapos ng pag-aaral noong 1812


(24 taong gulang)
Padre Mariano
Pilapil
(Colegio de San
Juan de
Letran)
Jose dela Cruz (Huseng Sisiw)
-isang makata mula sa Tondo
-magaling na guro ni Kiko
Maria Asuncion Rivera
Selya (Celia) M.A.R.
-Nagkita sila sa Pandakan,
Maynila (1835)
-Siya ang nagsilbing
inspirasyon ng makata
Mariano "Nanong" Capule
-Mayaman at malakas sa
pamahalaan
-Karibal ni Kiko sa pag-iibig
kay Selya
Naipakulong si Baltazar at
naisulat niya ang
“Florante at Laura”
Nakalaya noong 1838 at pumunta
sa Udyong (ngayo’y Orion), Bataan
Juana Tiambeng y Rodriguez
-Isang mayaman na mestisa
-Nagpakasal sila noong Hulyo 22,
1842 na pinamunuan ni Fr.
Cayetano Arellano
-Nagkaroon ang dalawa ng 11 anak
(5 lalaki, 6 babae)
-7 ang namatay, 4 ang umabot sa
katandaan
“Francisco Balagtas y de la Cruz”
Ginamit ang “Balagtas” na apelyido
dahil sa kautusan ni Gobernador
Heneral Narciso Claveria y Zaldua
noong 1849
1856
Si Balagtas ay naging
pangunahing tinyente at
tagapagsalin sa korte.
Nabilanggo siya muli dahil
naakusahan siyang gumupit ng
buhok ng kasambahay
na utusan.
Ipinagbili niya ang kanyang
lupain at nagbayad ng malaki
upang makalaya. (1861)
Namayapa si
Francisco
Baltazar sa
gulang na 74
noong Pebrero
20, 1862
Florante at Laura (1838)
-isang awit
-isang obra maestra ng panitikang
pilipino
Kompletong Titulo:
Pinagdaanang Buhay nina Florante
at Laura sa Kahariang Albanya:
Kinuha sa madlang "cuadro
histórico" o pinturang nagsasabi sa
mga nangyayari nang unang
panahon sa Imperyo ng Gresya, at
tinula ng isang matuwain sa bersong
Tagalog
Pagpapaunlad
Panoorin ang video clip mula sa link na ito:
https://drive.google.com/file/d/1v82J5f_zItMgo4ieLF6eUCkpycE5P2cX/view?usp=sharing
Bakit mahalagang pag-
aralan ang Florante at
Laura?
Yugto ng
Pagkatuto
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at
Laura
• Isinulat ni Francisco Balagtas Baltazar
noong 1838, panahon ng pananakop ng
Espanyol sa bansa.
• Ipinagbabawal ang mga akdang
tumutuligsa sa pagmamalabis at
kalupitan ng mga Espanyol.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at
Laura
• Ang mga aklat na nalimbag ay
karaniwang patungkol sa relihiyon,
labanan ng mga Kristiyano at Moro na
tinatawag ding komedya at moro-moro.
• Ginamitan ng mga alegorya kung saan
masasalamin ang mga nakatagong
mensahe at simbolismong kakikitaan ng
pagtuligsa sa mga Espanyol gayundin
ang pagiging nasyonalismo.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at
Laura
• Ayon kay Lope K. Santos masasalamin sa
akda ang apat na himagsik na naghari sa
puso at isipan ni Balagtas.
• ang himagsik laban sa  malupit na pamahalaan;
• ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya;
• ang himagsik laban sa mga maling kaugalian;
• ang himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at
Laura
• Naglalaman ng mahahalagang aral sa
buhay tulad ng wastong pagpapalaki sa
anak, pagiging mabuting magulang,
pagmamahal at  pagmamalasakit sa
bayan, pag-iingat laban sa mga taong
mapagpanggap o mapagkunwari at
makasarili.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at
Laura
• Gayundin ang pagpapaalala sa madla na
maging maingat sa pagpili ng pinuno
sapagkat napakalaki ng panganib na dulot
sa bayan ng   pinunong sakim at
mapaghangad sa yaman. Ipinakita rin sa
akda ang kahalagahan ng pagtulong sa
kapwa maging doon sa may
magkakaibang relihiyon tulad ng mga
Muslim at Kristiyano.
Ano kaya ang mga
naging epekto ng
Florante at Laura
pagkatapos itong
maisulat?
Bilang isang kabataan, ano ang
nararamdaman mo para kay Balagtas
na nag-iwan sa atin ng isang
panitikang patuloy na binabasa at
nagbibigay hindi lamang ng kasiyahan
sa pagbabasa kundi ng magagandang
aral?
Pagtataya
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfprP7Znw2E0wHcIddo5GGgXUhxhr2OYs-kZF
XwwMtwv_3Ovg/viewform?usp=sf_link
Isagawa
Sa Google Classroom (Classwork) makikita ang gawain na inisend ng guro:

You might also like