You are on page 1of 13

Online Distance

Learning
Layunin
Layunin
 Nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat.
 Nakasusulat ng sariling sanaysay na nanghihikayat.
 Naipahahayag ang pansariling paniniwala at pagpapahalaga
gamit ang mga salitang naghahayag ng pagsang-ayon at
pagsalungat (Hal. totoo, ngunit)
Panimula
Panoorin ang video clips mula sa Florante at Laura:
https://drive.google.com/file/d/1HXtVlTChhX-6BsWuL1Vcpc0mSl05VUlS/view?usp=sharing
https://drive.google.com/file/d/14g8VV6EgUO1FSsuCJjQtO2Vn7Vf1apQU/view?usp=sharing
Pagpapaunlad
SALITANG
NANGHIHIKAYAT
Salitang Nanghihikayat
Karaniwang ginagamit sa pagkukumbinsi ng
isang tao. Ginagamit din ito upang
manghikayat ng isang mambabasa o
tagapakinig na sumang-ayon sa kanyang
pananaw tungkol sa isang isyu o pangyayari.
Pagsang-ayon
Totoo, Tunay, Tama, Sigurado, Talaga, Oo,
Siyempre, Tumpak, Walang duda
Halimbawa:
Totoong mapagmahal na ama si Duke Briseo.
Pataas na nang pataas ang presyo ng mga bilihin,
siguradong mahihirapan ang mga ordinaryong
mamamayan.
Pagtutol o pagsalungat
Pero, Subalit, Ngunit, Bagamat, Datapwat
Halimbawa:
Isang mabuting balita ang pagkakaroon ng bakuna
laban sa Covid-19 ngunit marami pa rin ang ayaw
magpaturok.
Bagamat mayroon akong laptop at selpon na
ginagamit sa pag-aaral, inaamin kong nahihirapan
pa rin ako sa edukasyon sa new normal.
Pagbibigay Konklusyon
Sa wakas, Kaya, Samakatuwid, Sa lahat ng
ito
Halimbawa:
Si Rabiya ang itinanghal na Bb. Pilipinas Universe,
samakatuwid siya ang pinakamagandang babae sa
Pilipinas.
Sa wakas natapos ko na ang mga gawain sa lahat ng
asignatura.
Isagawa
Sa Google Classroom (Classwork) makikita ang gawain na inisend ng guro:

You might also like