You are on page 1of 6

Pokus ng Pandiwa

Pokus – ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa o


salitang kilos sa simuno o paksa ng pangungusap.
1. Tagaganap o aktor – ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o
simuno ng pangungusap ang tagaganap ng kilos ng pandiwa.
Hal. Si Ambo ay tumulong sa mga nangangailangan.
Si Pandora ay nagbukas ng kahon na regalo ni Zeus.
2. Layon o gol – ang pokus ng pandiwa kung ang layon ay
siyang paksa o binibigyang –diin sa pangungusap.
Hal. Ang mitolohiya ay pinag-usapan ng mga mag-aaral.
Ang kahon ay binuksan ni Pandora.
3. Kagamitan o instrumental – ang pokus ng pandiwa kung ang
paksa o simuno ay ang kagamitang ginamit sa pagsasagawa
ng kilos ng pandiwa
Hal. Ipinambukas niya ng pintuan ang susi ng palasyo.
Ang bolpen ay ipinansulat niya ng liham.
4. Pinaglalaanan o tagatanggap – ang pokus ng pandiwa kung
ang paksa o simuno ng pangungusap ang pinaglalaanan o
tagatanggap sa kilos na isinasaad ng pandiwa
Hal. Ipinaghanda ni Zues ng makakain si Pandora.
Si Ben ay ipinagluto ni Joy ng ulam.
5. Sanhi o kusatib - ang pokus ng pandiwa kung ang paksa o
simuno ng pangungusap ang sanhi sa kilos na isinasaad ng
pandiwa.
Hal. Ikinagalit nang labis ni Zues ang ginawa ni Prometheus.
Ang pagkapanalo ni Anita ay ikinatuwa ng kanyang
magulang.
6. Ganapan o lokatib – nasa pokus na ganapan ang pandiwa kapag
ang paksa ng pangungusap ay ang lugar na pinagganapan o
pinangyarihan ng kilos.
Hal. Pinaglabhan ng mga nanay ang ilog.
Ang Astrodome ay pinagpulungan ng mga matataas na opisyal ng
lungsod.

You might also like