You are on page 1of 25

FILIPINO 6

Tuklasin natin ang mundo


ng kilos at gawa. 
AKSYON KO,
HULA NINYO!
UMIIYAK
NATUTULOG
NAGLILINIS
NAGBABASA
TUMATALON
PANDIWA
- Isa sa mga bahagi ng pananalita na siyang
nagbibigay-buhay sa pangungusap dahil ito’y
nagsasaad ng kilos o gawa ng tao, bagay o hayop.
- Hindi lamang ito nagsasaad o nagpapakita ng kilos
kundi nagsasaad din ito ng nararamdaman. Kung
kaya’t ang mga salitang pandiwa ay ginagamit din sa
pagsasalaysay o paglalahad ng ating nararamdaman.
ASPEKTO NG PANDIWA
• Ang aspekto ng pandiwa ay nagsasaad kung ang isang
kilos ay nangyari na, kasalukuyang nangyayari o
mangyayari pa lang.
 Natapos na/Naganap na/ PERPEKTIBO
 Ginagawa pa/ Ginaganap/ IMPERPEKTIBO
 Gagawin pa/ Gaganapin pa lamang/
KONTEMPLATIBO
PERPEKTIBO
- ito’y nagsasaad na tapos nang gawin ang isang kilos.
PORMULA:
Panlapi + Salitang-ugat
HALIMBAWA:
Salitang Ugat- sulat
NAG + SULAT = NAGSULAT
Salitang-ugat- iyak
UM+IYAK= UMIYAK
IMPERPEKTIBO
- ito’y nagsasaad ng kilos na kasalukuyang
ginagawa.
PORMULA:
Panlapi + unang pantig + salitang-ugat
HALIMBAWA:
Salitang Ugat- sulat
NAG + SU+ SULAT = NAGSUSULAT
Salitang-ugat- iyak
UM+ I+ IYAK= UMIIYAK
KONTEMPLATIBO
- ito’y nagpapahayag na ang isang kilos o
gawa ay hindi pa nasisimulan o
nagagawa.
PORMULA:
Panlapi + unang pantig + salitang-ugat
HALIMBAWA:
Salitang Ugat- sulat
MAG + SU+ SULAT = MAGSUSULAT
Aspektong GAGAWIN PA LAMANG/
GAGANAPIN o KONTEMPLATIBO
PORMULA:
Unang pantig + salitang-ugat
HALIMBAWA:
Salitang Ugat- Iyak
I + IYAK = IIYAK
Salitang-ugat- sakit
SA+ SAKIT= SASAKIT
GAGAWIN PA
LAMANG/
GAGANAPIN o
KONTEMPLATIBO
PORMULA:
Unang pantig + salitang-ugat + panlapi
HALIMBAWA:
Salitang Ugat- antok
A + ANTUK + IN = AANTUKIN
Salitang-ugat- pawis
PA+ PAWIS + AN = PAPAWISAN
Salitang-
Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
ugat
Awit Umawit Umaawit Aawit

Basa Binasa Binabasa Babasahin

Kilos Kumilos Kumikilos Kikilos

Tanggap Natanggap Natatanggap Matatanggap

Sagot Sumagot Sumasagot Sasagot


Salitang-
Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
ugat
Galit Nagalit Nagagalit Magagalit

Putol Nagputol Napuputol Magpuputol

Usap Nag-usap Nag-uusap Mag-uusap

Hila Hinila Hinihila Hihilain

Alay Inalayan Inaalayan Aalayan


“SA AKIN ANG TAGUMPAY”
Panuto: Pumunta sa link na ipapasa ng guro
at ilagay ang pangalan. Ang iyong telepono
ang siyang pagsasagutan ninyo, nakabase
sa hugis ang mga pagpipiliian.
Kailangan ninyong maiuri ng tama ang mga
sa salitang pandiwa na ginamit sa
pangungusap. Kung sinuman ang may
pinakamaraming makukuhang iskor ang
siyang hihiranging kampeon.
“SA AKIN ANG TAGUMPAY”
Panuto: Kompletuhin ang bawat aspekto ng pandiwa
gamit ang mga naibigay na salitang-ugat at panlapi.
SALITANG-UGAT PERPEKTIBO KONTEMPLATIBO IMPERPEKTIBO

1. Tawag (um)      

2. Sayaw (in)      

3. Hiram (nang)      

4. Luto (in)      

5. Awit (um)      

6. Laba (nag)      

7. Basa (um)      

8. Tulog (na)      

9. Buhat (nag)      

10. Bato (nang)      


Takdang
Aralin
A. Gumawa ng sanaysay tungkol sa hindi ninyo makakalimutan na
pangyayari sa inyong buhay ngayong panahon ng pandemya.
Gamitan ito ng mga aspekto ng pandiwa.
 
Pamantayan:
Nilalaman --------------------------35%
Aspektong Ginamit--------------25%
Kaayusan--------------------------25%
Kalinisan--------------------------15%
Kabuuan--------------------------100%
 
B. Basahin at unawain ang epikong “Hinilawod” sa pahina 81-83.

You might also like