You are on page 1of 7

Ang Sanaysay

Ano nga ba ang sanaysay?


• Isang batikang manunulat, si Alejandro G. Aballe, ang nagbigay ng isang
kakatwa ngunit angkop na depenisyon ng sanaysay.
• Ayon sa kanya, ito ay ‘’salaysay ng isang sanay.’’
• Ang may-akda ng isang mabisang sanaysay ay tiyak na may malawak na
kabatiran sa paksang kanyang tinatalakay at may sapat na karanasan sa
pagpapahayag ng kanyang mga nalalaman.
• Sa ating pagpapakahulugan, ang sanaysay ay isang anyo ng panitikan na
maaaring naglalahad ng malawak na mga impormasyong bunga ng
pagsasaliksik, o kaya ay nagpapahayag ng pansariling palagay o haka-haka
tungkol sa isang paksa.
May dalawang uri ng sanaysay: ang sulating pormal at di-pormal
Pormal o maanyong sanaysay
• Tumutukoy sa isang komprehensibong pagtalakay ng isang paksa.
• Sa ganitong anyo ng paglalahad, kinakailangan ang malawak na
pagsasaliksik at kabatiran bago sumulat
• Sa uring ito ng paglalahad, mas mahigpit ang pamantayan sa paggamit ng
mga salita.
Di-pormal o impormal na anyo ng sanaysay
• Mas malaya ang may-akda sa pagtalakay, gayundin sa uri ng mga salitang
nais niyang gamitin
Layunin ng pormal na sanaysay
• Upang makapagturo o magbigay ng impormasyon
Layunin ng di-pormal na sanaysay
• Makapaglibang, makaaliw, o makapagbahagi ng sariling opinyon tungkol sa
paksa.
Mga Bahagi ng Sanaysay
Ang isang makabuluhang sanaysay ay may tatlong
mahahalagang bahagi:
a. Isang epektibong simula
b. Maayos at malinaw na katawan na siyang sentro ng
paksang tinalakay
c. Isang mabisang wakas o pagtatali-tali ng mga kaalaman
upang maging isang ganap na kabuuan.
A. Ang Simula

• Sa pagbubuo ng isang sanaysay, mahalaga ang isang


epektibong simula upang sa unang pangungusap pa
lamang ay maakit na kaagad ang mga mambabasa
• Nakatali rin ang simulang ito sa pag-aangkop ng
isang nakahihikayat na pamagat
• Paano magsisimula sa pagsulat ng sanaysay?
Narito ang ilang kaparaanang subok na na maaaring
makatulong kung susulat ng isang sanaysay

1. Maaaring magsimula sa isang pangungusap na


pangkalahatan
2. Maaari din naming magsimula sa pamamagitan ng
isang maintrigang katanungang aakit sa mga
mambabasa upang ipagpatuloy ang pagbasa ng
artikulo
3. Maaari ding magsimula sa pamamagitan ng isang
quotation na binanggit ng isang kilalang tao
b. Katawan ng Sanaysay
• Kailangang nakaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan
upang magbigay ito ng malinaw na kabuuan
• Malilito ang mambabasa at hindi maihahatid ang mensahe ng
sanaysay
Magiging mas malinis at mas malinaw ang pagbubuo ng
katawan ng sanaysay kung gagawa muna ng balangkas para sa
paksang tatalakayin
• Isa-isahin ang mga argumentong maaaring makapagtunay sa
binanggit sa simula
• Bawat argumento ay suportahan ng mga detalyeng
• Alisin ang mga detalyeng hindi kailangan sa talata o kaya ay gumawa
ng bagong talata para dito
• Tandaan ang mga sanggunian pinagkunan ng mga
impormasyon at banggitin ito sa pagbubuo ng sanaysay o ulat.

c. Ang Wakas
• May magandang simula
• Kawing –kawing at malinaw na pagtalakay sa gitna
• Kinakailangan din ng isang matinding pawawakas
• ‘’ika nga ay maiwan sa bibig ang tamis ng ninamnam na
sanaysay

You might also like