You are on page 1of 7

Panuto: Maghanap ng mga salitang may kinalaman sa wika.

Isulat
sa likod ng inyong kwaderno ang sagot. Gamitin sa makabuluhang
pangungusap ang mga nakuhang salita
T U N O G X P
S X T L X V O
L A P I S X L
E D V K A A I
N B L A A E G
G E W T Y G L
U R D U S S O
A B I T Y E T
I A L U F N O
O L A B O Y R
S A L I T A C
P T S E O S G
Z U S A P C H
Wikang Pambansa at Multilingguwalismo
• Isang lingguwistikong realidad ang pagkakaroon ng maraming wika. Kahit na
ba sabihing mayroong pambansang wika, nananatili pa rin ang barayti at
baryasyon ( Constantino at Mangahis, et al., 2005) nito na dinamikong
nahuhubog at humuhubog sa mga kasalong wika.
• Realidad ang tinatawag na multilingguwalismo sa ating bansa.
• Ang wikang Filipino ay binubuo ng maraming wika mula sa mga kasalong wika(
Sugbuanong-Binisaya, Iloko, Kapampangan, Pangasinan, Samar-Leyte,
Maguindanao, Tausug, at Tagalog) at mga banyagang wika (Kastila, Ingles, at
Tsino).
• Ang pinagmulan ng ideyalisadong wikang Filipino ay mula mismo sa wikang
nasa loob ng bansa, nararapat na mga ‘’kasalong wika’’ ang taguri sa mga ito.
• Nilalansag nito ang heopolitikal na bangayan ng mga etnolingguwistikong
pangkat tungkol sa representatibong wikang magmumula sa rehiyon na bubuo
sa wikang pambansa.
Layunin ng pagpaplanong pangwika
• Na lutasin ang mga problemang pangwika at magpabago sa
mga sitwasyon at kalagayang pangwika sa pamamagitan ng
mga mungkahing solusyon at manipulasyon tungo sa
katutubong dominasyon at hegemony (Constantino, 2005b:23).
• Isa pang pananaw ang naging paunang tunguhin gamit ang
unibersal na dulog sa mga diskursong nabuo noong dekada 70
habang nagbabalitaktakan hinggil sa tamang landasin ng
pagpaplanong pangwika. Sinabi ni Ernesto Constantino (1974)
na:
Maikling Kasaysayan ng Ating Pambansang Pagpaplano
sa Wika

• Wikang Ingles na wikang dinala ng mga mananakop na


Amerikano at ipinalaganap sa pampubliko, at kalaunan
sa pampribadong edukasyon simula noong 1901
• Unang Yugto ng Wikang Tagalog (tagalog 1) kung kailan
una itong pinangalanang wikang pambansa noong 1935
• Ikalawang Yugto ng Wikang Tagalog (tagalog 2) kung
kailan una itong ginawang isang pang-akademikong
asignatura noong 1940
• Monolingguwalismong Ingles dahil ayaw ng mga
Amerikanong ipagpatuloy ang paggamit sa wikang Espanyol
• Unang Bilingguwalismo-a nang iniutos ni Jorge
Bacobo, Kalihim ng Pampublikong Instruksiyon
noong 1939 na maaaring gamitin ang mga unang
wika bilang auxiliary na wikang panturo, lalo na
para sa mga mag-aaral sa unang baiting, kaya ang
kauna-unahan nating programang bilingguwalismo
ay binubuo ng wikang Ingles at isa sa ating mga
unang wika
• Ikalawang Bilingguwalismo-b na umusbong sa ating kasaysayan at
nakapaloob sa isang hindi nagtagal na pamantayang inilabas noong
1970 na nag-uutos na tanging wikang Pilipino na lamang ang
gagamiting midyum sa pagtuturo sa lahat ng antas pang-akademiko
• Unang Multilingguwalismo-a na pumalit sa ikalawang
bilingguwalismo na umiral lamang nang tatlong taon.
Ipinatupad ito noong 1973 at nag-utos na gamitin ang mga
unang wika bilang midyum ng pagtuturo hanggang sa
ikalawang baitang na susundan naman sa paggamit ng mga
wikang Pilipino at Ingles
• Ikatlong Bilingguwalismo-c na pumalit sa unang
multilinggwalismo na umiral lamang nang isang taon
• 1974 pinatupad at pinag-utos na gamitin ang mga wikang
Ingles at Pilipino at nagsantabi naman sa mga unang wika.
• Ikalawang Multilingguwalismo-b na ipinatupad noong panunungkulan ng
Pangulong Corazon Aquino
Mistulang pinagsamang unang multilingguwalismo at
ikatlong bilingguwalismo; pinagtibay ang paggamit ng
wikang Filipino at wikang Ingles at kinilala mula ang
halaga ng mga unang wika bilang auxiliary na wika sa
pagtuturo
• Ikatlong Mutilingguwalismo-c ang kasalukuyang
pambansang patakarang pangwika na ipinatupad noong
2009 at nakabantay sa sistematikong pananaliksik
tungkol sa multilingguwalismo

You might also like