You are on page 1of 4

MGA TUNGKULIN NG WIKA

Inilahad ni M.A.K. Halliday sa kanyang Explorations in Functions of Language, ang


iba’t ibang tungkulin ng wika:
TUNGKULIN KATANGIAN

A.Pang-instrumental Sumasagot ito sa mga pangangailangan sa tulong


ng wika
Halimbawa: pag-uutos, pakikiusap, atbp.
B.Panregulatori Ito’y kumokontrol sa asal ng iba
Halimbawa: pagbabala, pagbibigay instruksyon at
direksyon, pagpapaalala
C.Pang-interaksyunal Ito’y nagpapatatag at nagpapanatiling relasyong
sosyal
Halimbawa: mga berbal na pagpapahayag,
pagmumungkahi, paghihingi, pag-uutos, pakikiusap
D.Pampersonal Ito’y ginagamit sa pagpapahayag ng
sariling opinion
Halimbawa: pagbibigay ng patakaran, mga
gabay o panuntunan, pag-aabruha o
pagpapatibay, pagbibigay pahintulot o
pagbabawal, pagpupuri o pagbabatikos,
pagsasang-ayon o pagsasalungat

E.Pang-imahinasyon Ito’y nagpapakita ng pagkamalikhain ng


tao
Halimbawa: pagpapahayag nang malikhain,
pag-awit, pagtula, pagkwento, deklamasyon,
atbp.
F.Pangheuristiko Ito’y naghahanap ng impormasyon at
mga bagay-bagay
Halimbawa: paggawa ng sarbey,
pananaliksik, pakikipanayam, atbp

G.Impormatibo Ito’y ay nagbibigay impormasyon


Halimbawa: pag-uulat, pagbabalita,
pagpapaliwanag, pagtatalumpati
Mungkahing gawain
•Mula sa pitong nakarolyong papel na may
nakasulat na iba’t ibang tungkulin ng wika,
bawat pangkat ay bubunot ng isang rolyo ng
papel at bubuo ng sitwasyong gagamitin ng
tungkulin ng wika na kanilang nabunot.
•Itanghal ito sa harap ng klase. Bibigyan lamang
ng 8-10 minuto ang bawat pangkat para sa
kanilang presentasyon.

You might also like