You are on page 1of 8

PANUTO: BASAHING MABUTI ANG MGA SUMUSUNOD NA

TANONG AT IBIGAY ANG TAMANG SAGOT.


1. Ito ang pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog,
makabuluhang tunog sapagkat nakapagpapaiba ng kahulugan
ng mga salita.
2. Tatlong salik ng pananalita.
3. Ang apat na mahahalagang bahagi sa pagbigkas ng mga
tunog.
4. Ito ay ponemang nagpapalitan na hindi nagbabago ang
kahulugan, tulad ng ponemang /e/at/i/, /o/at/u/.
5. Ito ay tumutukoy kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang
pagbigkas ng bawat ponemang katinig. 1
1. Ito ay naglalarawan kung paano lumalabas ang hininga (sa bibig
o ilong) sa pagbigkas ng bawat ponemang katinig.
2. Tawag sa salita na magkatulad ang bigkas ngunit magkaiba naman
ang kahulugan.
3. Pagtatambal ng dalawang katinig na matatagpuan sa isang pantig.
Maaaring makita sa unahan, gitna at hulihan.
4. Ito ay magkasamang tunog ng isang patinig at isang malapatinig na
nasa isang pantig.
5. Ang pagtaas at pagbaba ng pantig ng isang salita upang higit na
maging epektibo ang komunikasyon.
2
1. Ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig ng pantig ng salita.
2. Ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
3. Ito ay saglit nna pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging tiyak sa
paghahatid ng mensahe.
4. Nagbabago ang panlaping pang kapag kinakabitan ng mga salitang-ugat
na nagsisimula sa mga letrang d,l,r,s,t, at ito’y nagiging pan. Sa
kabilang dako naman, ito ay nagiging pam kapag ang ikinakabit sa mga
salitang –ugat na nagsisimula sa p at b.
5. Ito ay nangangahulugang pagkawala ng isang ponema o morpema sa
isang salita. Ito ay magaganap kung ang huling ponemang patinig ng
salitang-ugat na hinuhulapian ay nawawala. 3
1. Pag-uulit ng pantig ng salita. Ang pag-uulit na ito ay maaring
magpahiwatig ng kilos na ginagawa o gagawin pa lamang,
tagagawa ng kilos o pagpaparami.
2. Itinuturing na payak ang isang salita kung ito’y salitang-ugat,
walang panlapi, hindi inuulit at walang katambal na ibang
salita.
3. Ang dalawang uri ng pag-uulit
4. Sa uring ito, inuulit ang buong salitang-ugat ang inuulit.
5. Ito’y binubuo ng salitang –ugat at isa o higit pang panlapi. 4
1. Kapag ang dalawang salita ay pinagsama upang makabuo ng isang
salita, ito’y tinatawag na ___________.
2. Kapag ang dalawang salitang pinagtambal na may magkaibang
kahulugan ay nakabuo ng ikatlong kahulugan na malayo sa kahulugan
ng dalawang salitang pinagsama.
3. Taglay pa rin ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal ay
nanatili ang kahulugan at walang nang ikatlong kahulugan.
4. Ito ay isang salita o lipon ng mga salitang nagsasaad ng buong diwa o
kaisipan.
5. Ayos ng pangungusap na kapag nauuna ang panaguri sa sabjek/paksa
5
1. Kapag nauuna ang paksa at lantad ang panandang
pampanaguring ‘’ay’’ na sinusundan ng panaguri.
2. Ito ay nagpapahayag ng isang buong diwa at kaisipan.
3. Ito’y binubuo ng isa o higit pang magkatuwang na sugnay o
malayang kaisipan o punong sugnay.
4. Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang malayang sugnay at ng
isa o higit pang di malayang sugnay.
5. Ito’y binubuo naman ng isang punong sugnay at isa o higit
pang katulong na sugnay. 6
1. Ito ay nagpapahayag o nagsasalaysay ng katotohanan, bagay o
pangyayari at nagtatapos sa bantas na tuldok.
2. Ito naman ay nagpapahayag ng matinding emosyon o damdamin.
Nagtatapos ito sa tandang panamdam(!).
3. Nag-uutos na may paggalang na kalakip ang mga katagang maaari,
paki at iba pa.
4. Ito ay may himig na nag-uusisa o nagtatanong. Nagtatapos sa
tandang pananong(?).
5. Ito ang mga pangungusap na nakikiusap o nag-uutos. Gumagamit
din ito ng bantas na tuldok sa katapusan ng pangungusap. 7
Pasulit II
Panuto: Ibigay ang mga hinihingi sa mga sumusunod.
1. Panlaping A+B
2. Panlaping A+C
3. Panlaping B+C
4. Panlaping A+B+C
5. Tambalang ganap
6. Paturol/Pasalaysay
7. Patanong
8. Pautos
9. Pakiusap
10. Padamdam
Pagpapaliwanag (5 puntos)
Ipaliwanag kung ano ang ibig ipahiwatig ng Ponolohiya, Morpolohiya, Sintaks sa Kalikasan at
Istruktura ng Wikang Filipino 8

You might also like