You are on page 1of 28

IKA-6 NA LINGGO

BALIK-TALAKAY

Magbigay ng sariling
pananaw hinggil sa mga
SITWASYONG
PANGWIKA sa mga
sumusunod na larangan.
Kasaysayan ng wikang
pambansa
“Ang Filipino ay ang katutubong wikang
ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo. Katulad ng iba pang wikang
buhay, ang Filipino ay dumaraan sa
proseso ng paglinang sa pamamagitan ng
mga panghihiram sa mga wika sa
Pilipinas at mga di- katutubong wika at
mga ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng
wika para sa iba’t ibang
sitwasyon, sa mga nagsasalita
nito na may iba’t ibang saligang
sosyal at sa mga paksa ng
talakayan at iskolarling
pagpapahayag”.
Ang naunang pahayag ay
depinisyong ibinigay ng Komisyon
sa Wikang Filipino (KWF) sa Filipino
bilang wikang pambansa. Nakasaad
ito sa Resolusyon Blg. 92-1 (MAYO
13, 1992).
Ngayo’y tunghayan
natin ang kasaysayang
ng Wikang Filipino.
Panahon ng Kastila
Nang sakupin ng mga Espanyol ang
bansa, lalong nahati ang mga
Pilipino. Ang pananakop sa
pamamagitan ng pagbubukod-bukod
ang ginamit ng mga Espanyol upang
magkalayo-layo ang mga Pilipino.
Walang isang wikang pinairal noon
sapagkat sa halip ituro ang wikang
Espanyol, ang mga paring dayuhan
ang nag-aaral ng mga katutubong
wika.
Sa huling dantaon ng mga
Espanyol, nagkaroon na ng
pagtatangkang itaguyod ang
Tagalog bilang wikang
pambansa.
Ang Kilusang propaganda ay
nagsimula ng paggamit ng Tagalog
sa mga pahayagan isinulat nila.
Sinundan ito ng Katipunan na
Tagalog din ang ginamit sa
pagbuo ng mga kautusan gaya sa
Saligang – Batas ng Biak- na-
Bato noong 1897. Dito pinagtibay
na Tagalog ang opisyal na wika
ng pamahalaan.
Sapilitang ipinaturo ang
Nihongo at inalis ang Ingles.
Naging masigla ang mga Pilipino
sa paggamit ng sariling
wika.Sumigla ang panitikang
Pilipino gaya ng nobela at
maikling kwento.
Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, nagtagumpay ang
pagtuturo ng wikang pambansa na
tinatawag na Pilipino sa isang
kautusang nilagdaan ng naging kalihim
na si Jose Romero ng pagtuturo. Dala
ng malaking pangangailangan ng mga
tagasubaybay sa pagtuturo ng Pilipino,
nadagdagan ng dalawa ang
bilang ng tagamasid sa
Punong Tanggapan. Ang
Maynila ay nagkaaaroon
naman ng isa bagama’t wala
ang mga nasa lalawigang
Tagalog at di-Tagalog.
Naging opisyal na wika ang Tagalog
at Ingles. Naging midyum sa mga
paaralan ang Ingles at asignatura
ang Pilipino. Nagkaroon na ng aklat
para sa mga Pilipino. Marami ang
pag-aaral na isinagawa sa wika
upang magamit itong panturo.
Nagpatupad ng Patakarang Bilingguwal
ang Kagawaran ng Edukasyon at
sinimulang ipatupad ito ng taong 1974 sa
mababang paaralan, sekondarya sa
tersyarya sa lahat ng paaralan sa bansa.
Ipinaunlad ang wikang Filipino upang
magamit sa mga paaralan mula
elementarya hanggang kolehiyo.
Higit na Lumaganap ang
paggamit ng wika, pag-aaral ng
wika at nagkaroon ng
intelektuwalisasyon,
estandardisasyon at
elaborasyon ng wikang Filipino.
Sipi mula kay MO
Jocson. Komunikasyon
at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Pilipino. Vibal Group,
Inc.2016 p96-111
GAWAIN 1. PAGYAMANIN
A. Panuto: Tuklasin ang ilang legalidad
pagdating sa usaping pangwika. Ito
ay mga Kautusang Tagapagpaganap.
Kautusang Pangkagawaran,
Memorandom, Proklamasyon at iba
pa na nagpapahayag tungkol sa
wikang pambansa.
Bilang gawain para sa linggong ito
(week 6) , gumawa ng TIME LINE
hinggil sa mga nabanggit sa
PAGYAMANIN.
Ang mga kasagutan ay maaring ipasa sa
inyong GOOGLE CLASSROOM kung
saan makikita ang “post” ng guro sa
petsa ng huling pasahan nito.
A. GAWAIN –WRITTEN OUTPUT
SANAYSAY
PANUTO:
1. Panuurin ang vedeong inilaan ng
guro sa Google classroom.
2. Magsulat ng sariling reaksyon
hinggil sa videong napanood.
3. Ipasa sa Google
Classrrom ang mga
kasagutan sa gawaing ito
kung saan ipinasa ang –
PHOTO COLLAGE-
NOV.6-7. Deadliest
deadline

You might also like