You are on page 1of 12

TEKSTONG

NAGLALAHAD
(EKSPOSITORI)
MASUSING NAGPAPALIWANAG

MGA HALIMBAWA
Tekstong Expositori
•uri ng panunulat na ang layon ay magbigay ng paliwanag at impormasyon sa
mambabasa.
•sinasagot ang tanong na “paano"
•Mga paraan sa paggawa ( Hulwaran at Organisasyon):
1.DEPINISYON - nagbibigay ng kahulugan
2.ENUMERASYON - naglalahad ng mga klasipikasyon sa paraan ng paglilista.
3.PAGSUNOD-SUNOD O ORDER - pagsunod-sunod sa mga pangyayari sa isang
paksa
4.PAGHAHAMBING - nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba
5.PROBLEMA AT SOLUSYON - tumatalakay sa suliranin at paglalapat ng kalutasan
6.SANHI AT BUNGA - tumatalakay ito sa kadahilanan at mga epekto nito
TEKSTONG EXPOSITORI:
MGA HALIMBAWA
1.Mga Bagong Kalakaran sa Buhay at Kultura

Sadyang napakalaki ng ipinagbago ng mapa ng


kontemporaryong daigdig Sa isang banda, tila lumalawak
ang mundo. Ang kadawagan ng tinatawag na terra incognita
ay unti-unting hinahawan ng mga adbenturoso. Ang mga
lihim na lupaing tinitirhan ng mga taong tiwalag sa
'sibilisasyon ay inilalantad ng mga mananaliksik. At pati ang
kalawakan at ibang planeta ay pilit na inaabot ng tanglaw ng
makabagong agham.
Sa kabilang banda, lumiliit din ang daigdig. At lumiliit
ito hindi lamang dahil sa patuloy na pagdami ng tao na
nagsisiksikan ngayon sa mga limitadong espasyo ng mundo.
Lumiliit ang daigdig sapagkat ngayon ay posible nang
magkaugnay-ugnay nang mabilis ang mga tao sa iba't ibang
lupalop dahil sa computer at satellite communication. Sa
panahon ng fax, e-mail, cellular phone, ang mga tao sa iba't
ibang panig ng mundo ay parang mga magkakapitbahay
lamang na puwedeng makipagtalastasan sa isa't isa sa
anomang oras. Sa paningin ng maraming tao, ang mundo
ngayon ay mistulang isang global village. Kaugnay nito,
inihuhudyat ng marami ang pangingibabaw ng isang bagong
diwang internasyonalista sa ating panahon.
Isa sa pinakamemorableng imahen ng ating panahon ay ang
larawan ng Dalai Lama na nakaupo sa sahig, kaharap ang kanyang
computer na nakapatong sa isang maliit na dulang. Bilang pinuno ng
isang sangay ng Budhismo na nag- ugat sa Tibet libong taon na ang
nakaraan, ang Dalai Lama ay maituturing na isang sagisag ng patuloy
na pag-iral ng sinaunang tradisyon. Ang naturang larawan ng Dalai
Lama ay maaaring tingnan sa dalawang paraan. Una, makikita rito ang
isang matingkad na contrast-ang contrast ng kulturang espiritwal at
materyal, at ang contrast ng tradisyon at pagbabago. Ngunit maaari ring
makita sa larawan ang isang naiibang mensahe: na walang ligtas sa
pagbabago sa panahon natin ngayon, at ang kulturang likha ng
teknolohiya ay isang kulturang bumubura sa pagkakaiba ng mga tao at
lipi.
Ang ganitong mensahe ay inihahatid din ng mga anunsiyo
ng IBM na karamiwang nagpapakita ng mga tao sa mga tradisyunal
na okupasyon (halimbawa: magsasaka, pari, pastol), kapiling ang
kanilang laptop computer. Internasyunal ang mga imahen sa mga
anunsiyo ng IBM. Sa lahat ng ito,ipinapakita kung paano binabago
ng computer ang takbo ng buhay maging sa mga moog ng
tradisyon. At ang pagbibigay rito ng iba't ibang lokasyon ay
nagpapahiwatig na ito ay laganap; ang makabagong daigdig ay
pinag- lisa ng modernong teknolohiya. Isa itong pananaw na
tinatangkilik din ng mga anunsiyo ng United Colors of Benetton.
Tampok sa mga ito ang larawan ng isang daigdig na tinatahanan ng
mga magkakaiba ang lipi at kulay ngunit masayang magkaakbay o
magkadaumpalad.
Sa unang malas, maiisip na marahil ay
mabubura na nga ang mga pagkakaiba na humahati
sa iba't ibang tao. Dahil sa cable television, kagyat
nating napapanood ngayon ang mga nagaganap sa
iba't ibang parte ng mundo. Namamalas natin ang
iba't ibang lipi. At dahil sa Internet, kaya natin
ngayong abutin ang mga luma at bagong kaalaman
na dati-rati ay monopolisado lamang ng iilang tao. Isa
nga kayang bagong unibersal na kultura ang
bumibigkis ngayon sa sangkatauhan?
2.
Ika-anim ng Setyembre taong 1992 nang isilang ni Marie ang kanyang
panganay na anak. Malusog at mapintog ang batang babae na pinangalanang
Josephine. Hawak ng isang nars ang paslit ng dalhin ito sa silid sa ospital. Makalipas
lamang ang tatlong araw, nakalabas na ang mag-ina.Makalipas lamang ang dalawang
buwan, napagpasyahan ng mga magulang ni Josephine na siya ay pabinyagan na.
Maraming dumalo sa nasabing salo-salo, nagdulot ng kasiyahan sa bisita ang
bungisngis na paslit. Malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Marie at ng kanyang
asawa nang dumating sa kanila si Josephine.
3.Ang Tuberkulosis

Ang tuberculosis ay sakit dulot ng mikrobyong Mycobacterium tuberculosis.


May karaniwang sintomas ang TB:
- Lagnat na kadalasang nararamdaman kung tanghali o panahon na.
- Pag-ubo na tumatagal ng dalawang (2) linggo o higit pa.
- Pambihirang pagpapawis lalo na kung gabi.
- Minsan may pag-ubo na may kasamang dugo.
- Walang ganang kumain o pangangayayat.
4.Ang Kalayaan
Marcelo H. del Pilar

Ang kalayaan ay hindi iba kundi kapangyarihang sumunod o sumuway sa sariling


kalooban. Ang tinatawag nating malaya ay yaong panginoon ng kanilang kalooban.

Ang kalayaan ay isa sa mahalagang biyaya ng diyos sa tao; dahil sa kalayaan


ay nakaiilag tayo sa masama at makagagawa ng inaakala nating magaling……
MARAMING SALAMAT!!

You might also like