You are on page 1of 23

ANG WIKA NG

PAGPAPALAYA at PAPEL
NG AKADEMYA
Ni Vivencio R. Jose
PANIM
ULA
Tumuturol ang modernisasyon sa katotohanang
nabibilang tayo sa kasalukuyang International
Information and Communication Order at bahagi
rin, kahit maliit lamang, ng Rebolusyon sa
Siyensya at Teknolohiya. Kailangang maging
sa mga makabagong kalagayan
sensitibo tayo para tumanggap
ang Filipino ng mga makabagong element (tulad
ng mga salita, parirala, ideya, konsepto, at teorya)
na galing sa pandaigdigang bukal ng kaalaman ng
pagbabagong iyan.
Ipinapahiwatig nito ang pag-unlad ng mga salita
mula sa iba’t ibang sangay ng lipunan (kalsada,
palengke, radyo atbp.) Kailangang sumulong at
yumabong ang wika upang makasabay sa pagyabong
ng teknolohiya sa ating paligid.
Penomenal na Paglaganap ng
Filipino sa Bansa
Noong 1960, may 44.4% lamang ng populasyon ang
nagsasalita ng Filipino. Tumaas ito sa 62.2% noong
1975, sa 72.3% noong 1980, at sa 82.9% noong 1985

Malinaw na kahit na ano pa ang hadlang na


ilagay sa pagsulong ng wikang pambansa,
magpapatuloy ito sa pagyabong at, ating
maaasahan, sa pamumulaklak
UNANG ASPEKTO

Upang maging angkop na wika ng pambansang


pagpapalaya, dapat lumahok ang Filipino sa dalawang
prosesong tila mandin magkasalungat, subalit sa
katotohanan ay magkatulong: ang MODERNISASYON
at ang REHIYONALISASYON
MODERNISAS
YON
Naglalapit sa Filipino sa
pandaigdigang bukal ng
impormasyon at
komunikasyon, at sa
siyensya at teknolohiya.
Ipinaparating nito na sa
kabila ng mabilis na
paglago ng teknolohiya at
siyensya sa mundo marapat
lamang na ang pagsulong
ng wika at makasabay rin.
REHIYONALISASYON
Ang isang aspektong lalong maglalapit
sa Filipino sa mga wikang etniko at
pangrehiyon. (tinitiyak na ang mga
nagsasalita ng mga wikang panrehiyon
ay matitiyak na ang Filipino ay
magiging bagahi rin ng wika at buhay
nila at magiging kanila na rin)
Ang REHIYONALISASYON
ay paggamit sa mga rehiyon at
ang pagtanggap nito sa mga
salita, parirala, kawikaan, ideya
at konsepto na wala pang
katumbas sa Filipino o
dayuhang salita.
Malaki ang gampanin ng Metro
Manila sa proseso ng
modernisasyon at
rehiyonalisasyon ng wikang
pambansa pagkat ito ang sentro
ng edukasyon, kalakalan atbp.
IKALAWANG ASPEKTO

Ang wikang pambansa ay di nagiging automatic per se


na instrumento ng pambansang pagpapalaya. Ang totoo
kahit na anong wika ay maaaring gamiting kasangkapan
alinman sa pambansang pagpapalaya o pambansang
pananakop.
Tandaang Sistema ng senyas (sign system) ang wika na
may mga gawaing pangkaisipan at pangkomunikasyon
sa mga aktibidad ng tao. Ginagamit natin ang wika sa
pang-arar-araw na buhay nupang magpahayag ng mga
kaisipan at makipag-unawaan sa isa’t isa.
Mga iba pang halimbawa ng mga senyas ay: mga
pormula sa physics, chemistry mga senyas sa
mathematics. (pagkat sistemang banyaga, hindi naaalis
ang karakter na artipisyal ng Ingles sa lipunan)
Ang katutubong elite – ginagamit ng mga dayuhan
upang kontrolin ang kultura sa lipunang Pilipino. (kung
saan itinatakda at pinalalaganap ng mga tagapaghari
ang Sistema ng makauring pananakop class hegemony.)

Ponemang sosyal – tumutubo mula sa proseso ng pag-


unlad ng produksyong panlipunan. Isang aspekto ito na
kailangan sa koordinasyon ng mga gawain ng tao.
Ayon kay Pang. Jose Abueva – “Upang makamit ang
pambansang kasarinlan, tandaan lamang na ang
naghahanda sa pagpapalaya ng daigdig ay kailangang
siya munang lumaya.”
IKATLONG ASPEKTO

Sa kalagayan natin ngayon, paanong


ang akademya, sa paghubog ng mga
tagapagpalaya ay makatutulong sa
pagsulong ng Filipino bilang wika ng
pagpapalaya?
Isinasaad dito na bukod sa paggamit natin sa silid-aralan
at sa pakikipagkomunikasyon, marapat lamang na tayo
ay magsulat at maglimbag ng mga orihinal na Filipino
na libro, iskolarsyip na pagsulat at siyentipikong
pananaliksik.

Ang totoo, ang pagsusulat sa Filipino sa larangan ng arte


at literatura, agham , propesyon , batas, public health,
business atbp. ay dapat sanang nagawa matagal nang
panahon ang nakalilipas.
Subalit napako tayo sa pagdedebate at nalimutan na ang
kagyat na gawain.

Naglabas ang UNESCO ng bilang ng pamagat ng mga


aklat na nilimbag sa buong daigdig sa ilang piling taon.

Pilipinas - 1980 - 1,254 libro - sa 50.7M na


Populasyon
- 1981 - 431
IKAAPAT NA ASPEKTO

Hindi lamang ang mga eksperto sa kanilang mga


propseyon ang kailangang magsulat ng mga textbook,
monograph, artikulo at libro tungkol sa sarili nilang mga
linya.

Sa kasalukuyan, dahil sa namamayaning kalagayan ng


International Information and Communication Order,
kailangan din natin ang mga ekspertong tagasalin sa
iba’t ibang wika.
May sapat bang salin sina Socrates, Plato, Aristotle,
Darwin, Sholokhov Pablo Nedura atbp.?

Bunga ng masidhing pangangailangan sa pagsalin sa


Filipino, kailangang palakasin ang Kolehiyo ng Arte at
Literatura at lahat ng departamento nito.

Sa kabuuan kailangan ng masigla, malakas at puspusang


pagtataguyod sa pagtatayo ng dalawang institusyong
tungkol ditto: Instructional Materials Development
Center at Translation Center.
NAPAKALAKI NG MAGAGAWA NG AKADEMYA
SA PAGPAPAUNLAD NG FILIPINO BILANG WIKA
NG PAGPAPALAYA
1. Paghubog ng mga bagong tagapagpalaya ng bayan.

2. Sa paggamit nito sa pagtuturo at sa lahat ng uri ng


komunikasyon

3. Sa pagsusulat ng mga orihinal na trabaho sa Filipino


sa iba’t ibang larangan.

4. Sa pagsasalin sa Filipino ng mga nasulat na mula sa


iba’t ibang wika – maging mga lenggwahe ito sa
Pilipinas o sa ibang bansa.
Kung ating magagampanan ang bahagi
natin sa kilusang ito, wala nang
magiging mas dakila pang tagumpay
ang ating henerasyon, at wala ring
magiging mas dakilang pamana tayo sa
darating na mga henerasyon.

You might also like