You are on page 1of 10

Aralin 7

MULTILINGWALISMO
Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. nabibigyan kahulugan ang multilingwalismo;


b. natutukoy ang mga elemento ng multilingwalismo;
c. nakikilala ang dimensyon ng multilingwaslimo.
d. naipapaliwanag ang kaganapan ng
multilingwalismo.
Ang multilingwalismo ay ang kasanayang
gumamit ng mahigit sa dalawang wika.
Ang pagiging multilingwal ay kakayahang
magsalita gamit ang maraming wika.
Maging ang Saligang Batas 1987, ay nagbanggit sa
kahalagahan ng pagiging multilingwal sa pagpapabuti
ng wika at komunikasyon, Artikulo XIV, seksyon 6
“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.”
Samantalang lilinangin ito, pagyamanin at
pagyabungin pa salig sa umiiral na mga wika ng
Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Ang usapin tungkol sa multilingwalismo ay hindi bagong
usaping pangwika. Ang paksa tungkol dito ay nagiging bahagi
ng mga aklat na naisulat sa Latin noong ika-11 na siglo.
Ang pag-aaral na inilaan ngayon tungkol sa multilingwalismo
ay pagbibigay ng pagkakataon sa nakaraan. Ang nakaraang
humugis sa kasalukuyang pakikipagsapalaran ng tao sa buhay
sa tulong ng iba't ibang wika.
Ang Pilipinas ay mayaman hindi lamang sa likas na yaman
maging sa kasayasayan ay hindi maiiwanan.
Nagkahugis ang wika't kultura ng Pilipinas sa tulong na rin
ng nakaraang kasaysayan ng bansa sa mga mananakop. At
maging sa pakikipagsapalaran, ang mga Pilipino ay hindi
matatawaran, lamang makapaghanap ng maayos na
kabuhayan.
Ang ating kapwa na nangingibang bansa at ang mga
manggagawang nasa barko, kapwa'y sa katagalan ng kanilang
pangingibang bansa, natututo silang gumamit hindi lamang ng
dalawang wika, mangyari pa'y mahigit sa tatlo. Kaya, mababakas
natin dito ang buhay-globalisasyon at hindi pwedeng iwasan
ang pagiging multilingwalismo ng tao para makipagsabayan sa
iba.
Kagaya ng ating pambansang bayani, Dr. Jose P.
Rizal, hindi lamang Tagalog o Filipino at Latin o
Ingles ang wikang kanyang natutunan. Nakilala
siya dahil sa kanyang kasanayang gumamit ng
iba't ibang wika sa kanyang pakikihalubilo sa iba.
Sa bansang Pilipinas kadalasan ang mamamayan sa iba't ibang
sulok ng lupain ay marunong gumamit ng mahigit sa tatlong
wika.
Ito ay ang kanyang “lengua franca”, wikain ng karatig-bayan,
Filipino at English na itinuturo sa mga paaralan. Kagaya sa
lalawigan ng Iloilo may mahigit sa tatlong wika ang ginagamit
ng mamamayan dito. May Hiligaynon, Filipino, English at
Karay-a na ang bawat kabayanang gumagamit ay may sariling
sistema ng pagsasalita ng Karay-a.
Si Colin Baker (2011) ay nagbigay ng walong dimensyon ng multilingwalismo:

1. Kasanayan
2. Gamit
3. Pantay na gamit ng wika
4. Pagkatuto ng sabay sa dalawang wika
5. Pagpapayaman
6. Kultura
7. Pagkakabuo/Konteksto
8. Proseso ng pagkatuto

You might also like