You are on page 1of 46

Magandang Araw !!!

  
Balik - Aral

Hulaan mo,
kung sino ako?
Balik - Aral
Ako ang mga salita o katagang
ginagamit sa pag-uusisa o
pagtatanong sa isang pangnglan
o panghalip. Sino ako?

Panghalip Pananong
Balik - Aral
Kami ang dalawang kailanan ng
panghalip panao na tumutukoy
sa dami o bilang ng pangngalan
o panghalip na tinatanong. Sino
kami?

Isahan at Maramihan
Unang Bahagi
Layunin
*Napagyayaman ang talasalitaansa
pamamagitan ng paghanap ng maikling
salitang matatagpuan sa loob ng isang
mahabang salita; F3PT-IIId-h-2.1

*Natutukoy ang kahulugan ng mga


tambalang salita na nananatili ang
kahulugan;
F3PT-IIIci-3.1
KAPAKINABANGAN

1.Ang 6. Baga 11. Abang


2.Ina 7. Gana 12. Akin
3.Apa 8. Apak 13. Bangin
4.Iba 9. Anak 14. Abangan
5.Kaba 10. Kapa 15. Pakinabang
Tambalang-Salita
Silid + Aralan = Silid-aralan

Araw + Gabi = Araw-gabi

Bayad + Utang = Bayad-utang

Balik + Bayan = Balikbayan

Likas + Yaman = Likas-yaman


1. Tambalang-Salita – Ito ang
mga salitang binubuo ng
pinagtambal o pinagsamang
dalawang salitang bumubuo ng
isang bagong salita.
Silid + Aralan = Silid-aralan
Balik + Bayan = Balikbayan
Araw + Gabi = Araw-gabi

Bayad + Utang = Bayad-utang

Likas + Yaman = Likas-yaman


2 Uri ng Tambalang-Salita

1. Tambalang Nananatili – ito ang tambalang-salitang


nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang
pinagtambal.
Halimbawa: Balikbayan, Bayad-utang, araw-gabi

2. Tambalang Naiiba – Ito ang tambalang-salitang


naiiba ang kahulugan ng dalawang salitang
pinagtambal.
Halimbawa: Taingang-kawali, Anak-pawis,
Lektyur 2

* Tambalang-Salita - Ito ang mga salitang binubuo ng


pinagtambal o pinagsamang dalawang salitang bumubuo
ng isang bagong salita.

2 Uri ng Tambalang-Salita
1. Tambalang Nananatili – hindi nagbabago ang
kahulugan. Halimbawa: Balikbayan, Bayad-utang,etc.

2. Tambalang Naiiba – nagbabago ang kahulugan.


Halimbawa: Anak-pawis, Taingang-kawali, etc.
Pahina 34
“Subukin Pa
Natin B.”
Ikalawang Bahagi
 Layunin
* Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang balita/anunsyo; F3PN-IIIc-3.12

*Nasasabi ang paksa o tema ng binasang


teksto; F3PB-IIId-10

*Nakapaglalarawan ng mga tao, hayop, bagay


at lugar sa pamayanan; F3WG-IIIcd-4
Mahalagang Anunsyo
Ang lahat ng tao ay dapat manatili lamang sa
loob ng kanilang mga tahanan, sapagkat mahigpit
na ipinagbabawal ang pagpunta sa labas o kung
saan mang lugar dito sa bansa. Ito ay upang
maiwasan ang paglaganap ng sakit na tinatawag
na COVID-19.

Mahigpit ring ipinagbabawal ang pagkakaroon ng


pagsasama-sama ng maraming tao sa iisang lugar.
Kaya naman ang lahat ay dapat lamang na
manatili sa loob ng kanilang tahanan.
Tanong:
1. Alam mo ba kung ano ang tawag sa tekstong
inyong pinakinggan?
Ang anunsyo ay isang maikling pahayag na
2. Tungkol saan
nagbibigay ang sinasabi ukol
ng impormasyon ng mahalagang
sa isang bagay.
anunsyo?

3. Bakit ipinagbabawal ang paglabas ng mga tao


sa kanilang tahanan?
Tumungo sa pahina 239 at
ating talakayin ang tungkol
sa Pang-uri.
1. Si Pedro ay masipag.
masipag.

2. Magaling
Magaling na bata.

3. Makinis
Makinis ang pader na ito.

4. Ang busina ay mahina.


mahina.

5. Ang mga basura sa ilog ay mabaho.


mabaho.
Lektyur 3
* Pang-uri – ito ay bahagi ng pananalitang
naglalarawan sa pangngalan o panghalip.

Halimbawa:
1. Masaya si Maria.
2. Ang lahat ng tao ay maingay.
3. Maganda ang mga bulaklak.
4. Siya ay masipag.
5. Magaspang ang pader.
Page 240
“Madali Lang
Iyan”
Ikatlong Bahagi
Layunin
*Nababasa ang mga salitang iisa ang
baybay ngunit magkaiba ang bigkas;
F3PP-IIIb-d-2.3

*Nagagamit ang malaki at maliit na letra


at mga bantas sa pagsulat ngmga
salitang dinaglat; F3PU-IIId-2.6
Pahina 247
“Payabungin
Natin”
* Si Gng. Pedras ay mabait.

* Bawal pang pumasok sa paaralan alisunod sa utos ng


DepEd.

* Si Atty. Juan ay marami nang naipanalong kaso.

* Ang lungsod ng Makati ay sakop ng NCR.

* Pinagaling ni Dr. Ben ang bata.


* Salitang Dinaglat – ito ang
paraan o tawag sa pagsulat sa
mga salita upang ito ay mas
mapaikli. Ginagawa ang
pagdadaglat ng mga salita upang
makatipid sa espasyo kapag tayo
ay nagsusulat.
Pagdadaglat sa mga Salitang Pantawag sa Tao

1. Ginoo – G.
2. Ginang – Gng.
3. Binibini – Bb.
4. Doktor – Dr.
5. Attorney – Atty.
6. Senador – Sen.
7. Kagalang-galang – Kgg.
8. Gobernador – Gob.
9. Pangulo – Pang.
10. Kapitan – Kap.
Pagdadaglat sa mga Pangalan ng Buwan
1. Enero - Ene.
2. Pebrero -Peb.
3. Marso -Mar.
4. Abril -Abr.
5. Mayo-May.
6. Hunyo -Hun.
7. Hulyo -Hul.
8. Agosto -Ago.
9. Setyembre -Set.
10. Oktubre -Okt.
11. Nobyembre -Nob.
12. Disyembre -Dis.
Pagdadaglat sa mga Pangalan ng Araw

1. Linggo – Lin.
2. Lunes – Lun.
3. Martes – Mar.
4. Miyerkules – Miy.
5. Huwebes – Huw.
6. Biyernes – Biy.
7. Sabado – Sab.
Lektyur 4

* Salitang Dinaglat – ito ang paraan o tawag sa


pagsulat sa mga salita upang ito ay mas mapaikli.
Ginagawa ang pagdadaglat ng mga salita upang
makatipid sa espasyo kapag tayo ay nagsusulat.
Halimbawa:
Ginoo – G.
Ginang – Gng.
Pebrero - Peb.
Disyembre – Dis.
Lunes - Lun.
Sabado - Sab.
Pahina 290
“Gawin Natin
A.
Gawain sa Aklat:
Pahina 34 Subukin Pa Natin B. (__/5)
Pahina 240 Madali Lang Iyan (__/5)
Pahina 241-242 Subukin Pa Natin (__/5)
Pahina 247 Payabungin Natin (__/6)
Pahina 290 Gawin Natin (__/5)

Pagsusulit 2
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na tambalang salita ang


nananatili ang kahulugan?
a. Balat-sibuyas b. Araw-gabi
c. Taingang-kawali

2. Alin sa mga sumusunod na tambalang salita ang


naiba ang kahulugan?
a. Bahaghari b. Silid-aralan
c. Bayad-utang
3. Alin sa mga sumusunod na maiikling salita ang
matatagpuan sa loob ng mahabang salitang
“Kapaligiran”?
a. kapal b. lingap c. lupa

4. Alin sa mga sumusunod na maiikling salita ang


matatagpuan sa loob ng mahabang salitang
“Sinamantala”?
a. alam b. tula c. naman
5. Si Jose ay mabuting tao. Ano ang pang-uring
ginamit sa pangungusap?
a. Jose b. si c. Mabuti

6. Maraming bata ang dumalo sa handaan. Ano ang


pang-uring ginamit sa pangungusap?
a. dumalo b. marami c. handaan
7. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang
gumagamit ng pang-uri?
a. Masarap ang pagkain sa parke.
b. Kami ay kumain sa parke.
c. Pumunta sila sa parke.

8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi


gumagamit ng pang-uri?
a. Naglaro ang mga bata sa paaralan.
b. Masaya ang mga bata sa paaralan.
c. Pumasok ang mga bata sa paaralan.
9. Si Jose ay isang mahusay na doktor. Ano ang daglat
ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
a. Dr. b. Dr c. Dok.

10. Ang Pasko ay ipinagdiriwang sa buwan ng


Disyembre. Ano ang daglat ng salitang may salungguhit
sa pangungusap?
a. Dec. b. Disy. c. Dis.
Panalangin
Susi sa Pagwawasto

Pahina 34 X
“Subukin Pa
Natin B.” ∕

X
Page 240
“Madali Lang
Iyan”
a
Pahina 247 b
“Payabungin
Natin” a
b

b
a
Pahina 290
“Gawin Natin
A.
Peb.
Gng.
Nob.
Kap.
Bb.
Paalam mga Bata!!
  

You might also like