You are on page 1of 12

Punan ang patlang ng bituin ( ) kung tama ang sinasaad ng

bawat pangungusap.
____1. Likas sa atin ang magmahal sa kapwa sapagkat tayo ay
nilalang ng Diyos na mapagmahal.
____2. Nalulungkot tayo kapag nakikita nating nahihirapan ang
ating kapwa.
____3. Ang ipagdasal natin ang ating kapwa ay isang paraan ng
pagpapakita natin ng pagmamahal sa kanila.
____4. Dapat nating piliin ang mga taong mamahalin natin lalo
na kung ito ay napakikinabangan natin sa buhay.
____5. Suklian ng kabutihan ang mga taong naging mabuti
lamang sa atin.
Pagmasdan ang mga larawan, alin sa mga larawan ang
nagpamamalas ng pagtulong sa nangangailangan?
Nagawa niyo na ba ang mga
nasa larawan? Kailan natin
dapat gawin ang pagmalasakit
o pagtulong sa kapuwa lalo na
sa nangangailangan?
Ipaliwanag kung paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa
lahat ng nilikha ng Diyos lalo na sa nangangailangan sa
sumusunod na sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang
patlang.
1. Walang maisaing na bigas ang kapitbahay niyo dahil nawalan
ng trabaho ang tatay nito simula nang magdeklara ng lockdown.
2. May nakita kang bata na namamalimos sa daan habang
kumakain ka sa loob ng Jollibee.
3. Nasunugan ang iyong kaklase kaya nawalan siya ng mga
kagamitan tulad ng damit at gamit pampaaralan.
4. Nakita mong pinaglalaruan ng mga bata
ang isang palaka sa isang hardin malapit sa
inyong bahay.
5. Masasarap palagi ang pinapabaon sa iyo
ng iyong magulang ngunit sa isang tabi ay
tahimik na nanonood lamang sa inyo ang isa
mong kaklase habang kayo ay kumakain.
Paano mo maipamamalas
ang pagmamahal mo sa lahat
ng nilikha ng Diyos lalo na
ang pagtulong sa
nangangailangan?
Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Ano ang
gagawin mo sa sumusunod na sitwasyon? Piliin ang titik lamang at isulat ito sa
patlang.
____1. Nakita mong nagsilaglagan ang dala-dalang prutas ng
isang matanda sa daan.
A. Tutulungan ko siya sa pagpulot at pagbitbit nito.
B. Tutulungan ko siyang bitbitin ito at hihintayin kong abutan
niya ako ng kaunting prutas.
C. Tatawagin ko ang mga taong mapadaan upang
tulungan ang matanda.
____2. May kumakatok sa bahay niyo para humingi ng kaunting tulong
sapagkat siya’y gutom at uhaw na uhaw na.
A. Papapasukin ko siya kaagad sa loob ng bahay.
B. Aabutan ko siya ng makakain at malinis na tubig.
C. Pagsasarhan ko siya ng pinto dahil bawal makipag-usap sa di kakilala.
___3. Nagsisimula na kayo sa pagsusulit ngunit nakita mong
lumilingon ang isa mong kaklase dahil nanghihiram ng lapis ngunit walang pumapansin sa
kanya.
A. Isusumbong ko siya sa guro na hindi siya nagdala ng lapis
upang mapagalitan.
B. Kusa ko siyang pahihiramin ng lapis dahil may isa pa
naman ako sa bag.
C. Hindi ko siya papansinin para hindi ako maabala.
____4. Habang pauwi ka nadaanan mo ang isang bata na binubugbog ng grupo ng kalalakihan.
A. Hahayaan sila upang hindi ka na masangkot pa sa gulo
B. Pupulot ako ng bato upang batuhin ang mga lalaki
C. Maghahanap ako ng mga taong makatulong upang sila
ay awatin
____5. Nakita mong nadapa, nasugatan at umiiyak ang batang laging nambu-bully sa iyo sa
loob ng paaralan niyo.
A. Panonoorin ko siya at kaawaan
B. Pagtatawanan ko siya dahil sa wakas kinarma na siya
C. Tutulungan ko siyang bumangon at hihingi ng tulong sa iba upang agad na madala sa klinika

You might also like