You are on page 1of 90

CONSERVATION ENTERPRISE

THROUGH RESOURCE
MANAGEMENT AND BIODIVERSITY
PROTECTION –IEG TRAINING
5 DECEMBER 2017
Tanggol Kalikasan
BATAS UKOL SA KARAPATAN NG
MGA KATUTUBO
BATAS UKOL SA KARAPATAN NG MGA
(ANGKATUTUBO
“INDIGENOUS PEOPLES
(ANG “INDIGENOUS PEOPLES RIGHTS
RIGHTS
ACT” o IPRA) ACT” o IPRA)
Tanggol Kalikasan
photo credit: INTL.LAND COALITION
photo credit : JOAN BONDOC
photo credit: MINDANEWS
photo credit: impactnews. com
photo credit:Phil. Resources Journal
phot credit: Pinoy Weekly
Photo Credit: ENVIRONMENT WATCH
Photo Credit: Nature Chronicles
photo credit: Leiden University
• Layon ng batas na ito na kilalanin at
itaguyod ang lahat ng mga karapatan at
pangkalahatang kapakanan ng mga
katutubo sa Pilipinas.
• Una:
• Isang makauring lipunan ng tao
• na patuloy na naninirahan sa isang buong
lupaing may hangganan at inaangkin
bilang pag-aari
• at magmula pa noong panahong hindi na
abot ng gunita o alaala ay tinitirahan,
hinahawakan at ginagamit ang lupang ito
bilang kanila
photo credit: UNBOUND BLOGS
photo credit: GREEDY PEG
• nabubuklod ng parehong wika, gawi,
kaugalian at iba pang mga namumukod na
katangiang pangkalinangan
• o dahil sa pagtutol sa pampulitika,
panlipunan at pangkalinangang
panghihimagsik at pananakop ng mga
dayuhan ay makasaysayang naging bukod
o naging iba sa nakararaming Pilipino.
• Pangalawa:
• pareho sa mga katangiang nabanggit sa
taas ngunit maaring napaalis sa kanilang
mga lupain o naninirahan na sa ibang
lugar.

• Mahalagang malaman kung sino ang mga


katutubo dahil sa ilalim ng IPRA, sila ay
binibigyan ng mga karapatan na natatangi
lamang para sa kanila.
photo credit: Ramon F. Velasquez
1. Karapatan sa Lupaing Ninuno
2. Karapatan sa Lupang Ninuno
3. Karapatang Pamahalan ang Kanilang
Sarili
4. Karapatan sa Katarungang Panlipunan
at Karapatang Pantao
5. Karapatan sa Kasarinlan ng Kultura
• Ano ba ang Lupaing Ninuno?

Ang Lupaing Ninuno ay tumutukoy:


• sa lahat ng mga lupa at likas yaman
• na inaangkin ng mga katutubong
pamayanang may bukod-tanging
kalinangan,
photo credit :
PINOYMOUNTAINEERING.COM
• sa kanilang sarili o sa pamamagitan ng kanilang
mga ninuno, panlahatan o pang-isahan, ayon sa
kanilang mga gawi at mga kaugalian
• mula pa sa panahong di-abot ng alaala,
• patuloy hanggang sa kasalukuyan,
• maliban kung ito ay nagambala ng digmaan,
sapilitang paglikas dahil sa dahas, panlilinlang o
pagnanakaw o mga proyekto ng pamahalaan o
iba pang mga pagkakasundo na pinasukan.
• Isinasama dito ang lahat ng lupang ninuno,
kagubatan, pastulan, panirahan, taniman at iba
pang mga uri ng lupa na pansariling pag-aari,
maging pribado o publiko, at lahat na lugar na
pinangangasuhan, mga libingan, lugar na
pinagsasambahan, tubig at minahan at iba pang
likas yaman at lahat ng mga lugar na hindi na
natatanging ino-okupahan ng mga katutubo
ngunit nakaugalian at dati na nilang
pinupuntahan at ginagamit para kanilang
kabuhayan at iba pang tradisyunal na gawain,
lalo na ang mga lugar na sinasakop ng mga
katutubong layas.
1. Karapatang angkinin at ariin.
2. Karapatang pagyamanin ang lupa at iba
pang likas yaman. Kasama dito ang:
a. Karapatang pagyamanin,
pamahalaan at gamitin ang mga lupain;
b. Karapatang pangasiwaan at
pangalagaan ang mga likas yaman na sakop ng
lupaing ninuno;
c. Karapatang mapakinabangan at makihati sa mga
kikitain ng paggamit ng mga likas yaman na
napapaloob sa lupaing ninuno;

d.Karapatang makipagkasundo ayon sa batas


pambansa at batas katutubo ukol sa mga
alituntunin para sa paggamit ng mga likas yaman;

e. Karapatan sa isang matinong pakikilahok sa


pagsasagawa at pagpapatupad ng anumang mga
proyektong pribado o
pampamahalaan na makakaapekto sa
kanilang lupaing ninuno at makatanggap
ng sapat na kabayaran para sa mga
pinsala na maidudulot ng mga
proyektong ito.

f. Karapatang mabigyan ng pamahalaan ng


sapat na proteksyon at pangangalaga sa
mga karapatang nabanggit.
photo credit: JACOB MAENTZ
photo credit: JABOB MAENTZ
photo credit: Lesson Paths
photo credit: JACOB IMAGES
• Walang katutubong maaring paalisin sa
kanilang lupaing ninuno ng hindi nakukuha ang
kanilang malayang pagsang-ayon. Maari rin
lamang silang paalisin sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng Estado na kunin ang mga
pribadong ari- arian para sa gamit pambayan
sa kaparaanan ng batas at may wastong
kabayaran(eminent domain).
• Kapag hindi maiiwasan ang pagpapaalis,
ang mga katutubo ay may karapatang
manumbalik sa kanilang mga lupain kapag
ang mga dahilan ng kanilang pag-papaalis
ay wala na.
 Sa pagkakataong hindi na sila maaring
pabalikin, sila ay may karapatang mabigyan
ng mga lupaing kasing husay ng mga lupang
dati nilang tinitirikan at umaangkop sa
kanilang mga pangangailangan at kaunlaran.
 Ang mga taong sapilitang maililipat o
maililikas at tatanggap ng wastong kabayaran
para sa anumang kaugnay na kawalan o
pinsala sanhi ng paglikas.
photo credit: UNBOUND BLOG
a. Karapatang manumbalik sa iniwanang
lupain kung wala na ang ligalig na dahilan
ng kanilang pag-alis.

b. Kung ang kanilang lupaing ninuno ay


tuluyan nang mawala at hindi na ito maari
pang tirahan, ang mga katutubong napaalis
ay magkakaroon ng karapatang manatili sa
mga lupang kanilang pinaglipatan.
5. Karapatang Kontrolahin at Pamahalaan ang
Pagpasok ng mga Taga-labas.
6. Karapatan sa Malinis na Hangin at Tubig.
7. Karapatang Angkinin ang ilang bahagi ng mga
Reserbasyon.
8. Karapatang lutasin ang mga alitan ukol sa lupain
sa pamamagitan ng batas ng mga katutubo kung saan
matatagpuan ang lupa. At kung hindi magtagumpay ang
tradisyunal na pamamaraan sa pagsasaayos, saka
maaring isampa ang reklamo sa hukuman o di kaya’y
sumangguni sa iba pang payapang alternatibong
pamamaraan sa pagsasaayos ng hidwaan.
Ano ba ang Lupang Ninuno?
Ang Lupang Ninuno ay tumutukoy sa :
• lupang sakop, angkin at ginagamit
• ng bawat isa, mga pamilya o angkan na
mga kasapi ng katutubong pamayanang
may bukod-tanging kalinangan
• mula sa panahon na di-abot ng alaala,
• sa kanilang sarili o sa pamamagitan ng kanilang
tagapagmana
• tuloy-tuloy hanggang sa kasalukuyan,
• maliban kung nagambala ng digmaan, sapilitang
paglikas dahil sa dahas, panlilinlang o
pagnanakaw o ng dahil sa mga proyektong
pribado o pampamahalaan o iba pang mga
pagkakasundo na pinasukan, kasama ang mga
tirahan, taniman ng palay, kagubatan, mga
lupang kinaingin at mga lupang tinamnan ng
puno.
1. Karapatang ilipat ang pag-aari ng lupa
o mga karapatan ukol sa lupa sa mga
kasamahang katutubo sa pamamaraang na-
aayon sa batas ng katutubo at mga
pamamaraang naka-ugalian na ng mga
katutubo.
2. Karapatang Matubos ang Lupang naibenta
o nailipat.
 Kapag ang lupa o karapatan sa lupa ay
ibinenta o inilipat ng walang malayang pagsang-
ayon sa bahagi ng nagbebenta o para sa di
makatarungang halaga, maaring tubusin ang
lupa sa loob ng di hihigit sa labing limang taon
makalipas ang pagbebenta.
photo credit: KALONGKONG HIKER
1. Pangalagaan at pagpanumbalikin ang
mga likas yamang napapaloob sa kanilang
lupaing ninuno

2. Pagpanumbalikin ang mga kagubatang


nakalbo.

3. Pagsunod at pagtalima sa sa mga


isinasaad ng Batas na ito.
• Ang mga katutubo ay magsasagawa ng
mga plano ukol sa pangangasiwa at
pagpapayaman o pagpapaunlad ng
kanilang lupain at ang mga likas yamang
napapaloob dito. Ang kabuuan ng mga
planong ito ay tatawaging Ancestral
Domain Sustainable Development and
Protection Plan (ADSDPP).Kasama sa
nilalaman ng ADSDPP ang mga
sumusunod:
1. Pamamaraan ng pangangalaga ng
lupaing ninuno;

2. Mga uri ng programang pangkaunlaran


isasagawa at ipapasatupad patungkol sa
mga proyektong pangkabuhayan,
edukasyon, imprastruktura, pamamahala,
kapaligiran, likas yaman, at iba pa;
3. Mga patakaran ng pamayanan sa
pagpapasatupad ng mga gawaing
pangkaunlaran sa lupain;

4. Sistema ng pangangasiwa, kasama


nito ang pagbabahagi ng mga pakinabang at
maging ang mga responsabilidad ng mga
kasapi ng pamayanan.
photo credit: ANTONIO OQUIAS
1. Pagkalat ng impormasyon ukol sa IPRA;

2. Pagsasagawa ng “Baseline Survey” o


Pagsisiyasat ukol sa populasyon o bilang ng
mga kasapi, uri at dami ng likas yaman, mga
proyektong pangkaunlaran, gamit ng lupa, mga
pinagkukuhanan ng kabuhayan, suweldo at
trabaho ng mga kasapi, edukasyon o pinag-
aralan at iba pa.
3. Ang Pamunuan ng mga Katutubo o ang Lupon
ng mga Matatanda, katulong ang NCIP ay
magsasagawa ng mga “workshop” sa lahat ng
mga baryo o komunidad sa loob ng lupaing
ninuno upang malaman ang kagustuhan ng mga
kasapi ukol sa uri ng kaunlarang itataguyod
patungkol sa pangkabuhayan, edukasyon,
imprastruktura, pamamahala, kapaligiran, likas
yaman, kultura at iba pa. Maaaring hingan ng
tulong ng NCIP ang mga Non Government
Organization (NGO) o Indigenous Peoples’
Organization (IPO).
4. Ang mga katutubo sa pamumuno ng
Lupon ng mga Matatanda o sinumang
naturingang pamunuan, katulong ang NCIP
ay magbabalangkas ng kanilang ADSDPP.

5. Ang ADSDPP ay isusumite sa


pamayanan ng mga katutubo upang
aprubahan.
6. Ang ADSDPP ay isusumite sa NCIP
para sa kanilang kaalaman.

*Ang mga pamayanang


nakapagsagawa ng Ancestral Domain
Management Plans (ADMPs) sa ilalim ng
DENR-DAO 96-34 ay maaring
magpasiyang baguhin ang dating ADMP
upang maging ADSDPP.
Sa IPRA binibigyang halaga ang kalinangan
ng mga katutubong pamamaraan at mga
samahan. Kasama ng Karapatang
Pamahalaan ang Sarili ay:

1. Ang kapangyarihang magpatotoo ng


mga titulo ng katutubong pamunuan at
pagkakasapi.
Kaugnay nito sila ay may:
a. Karapatang magkaloob ng mga titulo
ng pamumuno.

b.Karapatang mabigyan ng pagkilala


ang mga titulo ng pamumuno.

c. Karapatang mag-isyu ng katibayan ng


pagkakasapi sa tribu.
2. Karapatang gamitin ang sariling
pamamaraan ng paglilitis at pagpapataw
ng kaparusahan o paggawad ng
katarungan, at pag-ayos ng mga alitan na
sang-ayon sa pambansang batas at mga
batas pandaigdig ukol sa karapatang
pantao.
3. Karapatang mabigyan ng
representatibo sa mga grupong
gumagawa ng mga patakarang may
kinalaman sa kanilang mga karapatan at
buhay, maging sa mga lokal na grupong
pambatasan.
4. Karapatang makilahok sa
pagsasagawa, pagpapatupad at pagkikilatis
ng mga pambansang, pampook o rehiyonal
at lokal na mga programa, plano at
patakarang makakaapekto sa kanila.
5. Para sa mga katutubong naninirahan
sa mga magkakaratig na lugar kung saan
sila ay bumubuo sa nakakaraming
mamamayan ngunit napapaloob sa bayan,
lalawigan o lungsod kung saan hindi sila
ang nakararami, may karapatan silang
bumuo ng sariling barangay ayon sa
pamaraang nakasaad sa ilalim ng Kodigo
ng Pamahalaang Lokal.
• Sinisiguro ng IPRA ang pagkakapantay-
pantay ng mga katutubo at di katutubo.
Isinasaad nito na bagama’t kinikilala ng
batas ang pagiging bukod tangi at
pagkakaiba ng mga katutubo, sila ay may
karapatang hindi naiba sa mga karapatang
pinanghahawakan ng lahat ng
mamamayang Pilipino katulad ng mga
karapatan ukol sa trabaho, edukasyon
at iba pang mga karapatan at
pribilehiyo.
Kaugnay ng karapatan ng mga katutubo sa
kasarinlan ng kultura, sila ay may
karapatang:

1. Ariin, pamahalaan, paunlarin at


pangalagaan ang mga Katutubong
Kaalaman at Pamamaraan.
Ano ba ang sakop ng katutubong kaalaman
at pamamaraan?
Sakop nito ang mga kaalaman at
pamamaraang batay sa karanasang
katutubo. Nabibilang dito ang mga sistema
at institusyong panlipunan, pulitikal,
kultural, ekonomiya, at panrelihiyon.
Sakop din nito ang tinatawag na “Intellectual
Property Rights”.
• Kasama dito ang mga katibayan ng kanilang
kultura katulad ng mga bagay-bagay, mga
disenyo, mga seremonya, teknolohiya at
sining, mga katibayan ng kanilang
paniniwala at pananampalataya, mga
katutubong salita, tugtugin, sayaw, mga
kasaysayan, tradisyon at iba pa.
• Kasama rin dito ang mga kaalaman ukol
sa likas yaman na napapaloob sa lupaing
ninuno katulad ng mga binhi o buto, gamot,
mga halamang pang-gamot at iba pang
mga kaalaman at gawain.
photo credit: UNBOUND BLOG
• Sa anumang kasunduan para sa paglabas
ng anumang likas yamang gagamitin para
sa kalakal, industriya o iba pang
pagkikitaan, kinakailangan ang katibayan
ng malayang pagsang-ayon ng mga
katutubo.
Upang mapangalagaan ang mga karapatan ng
mga katutubo sa kanilang mga kaalaman at
pamaaraan ang IPRA ay nagsasaad ng mga
sumusunod na patakaran:

a. Ang mga katutubo ay may karapatang


isaayos ang pagpasok ng mga mananaliksik
sa kanilang mga lupain. Bago makapasok ang
mga mananaliksik, kinakailangan ang malayang
pagsang-ayon ng mga katutubo.
b. Kailangang magkaroon ng kasunduan kasama
ang mga katutubo ukol sa pananaliksik na gagawin,
ang layunin nito, mga plano patungkol sa
pananaliksik at ang inaasahang kalalabasan ng
pananaliksik.

c. Sa anumang publikasyon na mailalathala batay


sa datos na makukuha mula sa mga katutubo,
bibigyan ng pagkilala ang mga katutubo bilang
pinanggalingan ng datos na iyon.
d. Kailangang bigyan ang mga katutubo
ng libreng kopya ng anumang
kalalabasan ng pananaliksik.

e. Ang mga katutubo ay may karapatang


makatanggap ng bahagi ng kung
anumang kikitain magmula sa
pananaliksik at mga publikasyon na
mailalathala tungkol dito.
2. Karapatang mapangalagaan ang mga
sagradong lugar at mga seremonyang
panrelihiyon. Maari lamang maglabas ng
mga katibayan ng kultura ng mga katutubo
kung mayroong malayang pagsang-ayon
ang mga katutubo.

3. Karapatan sa sariling
pananampalataya at paniniwala.
• Karapatan ng bawat katutubo na maging
malaya sa anumang uri ng diskriminasyon
patungkol sa kalagayan sa paggawa,
pagtanggap ng hanapbuhay at mga tulong
pangkalusugan at panlipunan
• Malaman ang kanilang karapatan sa ilalim
ng umiiral na batas sa paggawa upang
matiyak ang mahusay na pangangalaga sa
kanilang kalagayang panghanapbuhay
photo credit: SIBILAN
• Ang mga katutubong kababaihan ay
magkakaroon ng pantay na mga karapatan
kahalintulad sa mga tinatamasa ng kalalakihan,
patungkol sa pangkabuhayan; panlipunan;
pampulitika ;edukasyon at pangkalinangang
sakop ng buhay.
• Karapatan din ng katutubong kababaihan ang
makiisa sa mga pagpapasya sa lahat ng antas
at mabigyan ng karampatang paggalang at
pagkilala
photo credit: PICTARAM
photo credit: JACOB MAENTZ
• Pagtataguyod ng Estado ng mga
programang pampamahalaan na naayon
sa pangangalaga ng bawat batang
katutubo; ang pangangalaga ng kanilang
pisikal,moral, ispiritwal at panlipunang
katauhan;at maipagtanggol ang
karapatan nito. Ito ay alisunod sa pagkilala
ng Estado sa kahalagahan ng bawat
batang katutubo paghubog ng lipunan.
photo credit: JACOB MAENTZ
• Ang National Commission on Indigenous
Peoples ( NCIP) ay ang pangunahing katawan
na mangangasiwa at magpapatupad ng mga
patakaran, plano at mga programa para sa
pagkilala, pangangalaga at pagtataguyod ng
mga karapatan ng mga katutubo.

• Ito ay napapasailalim sa Pangulo ng Pilipinas at


binubuo ng pitong (7) Komisyonado o
Commissioner na kakatawan sa mga katutubong
nagmumula sa iba’t ibang rehiyon o lugar ng
Pilipinas.
• Ayon sa ika-72 Seksyon o bahagi ng
IPRA , ang sinumang lumabag sa mga
patakaran at alituntunin na nakasaad sa
naturingang batas ay paparusahan ayon
sa batas ng katutubo, subalit ang
parusang ipapataw ay di dapat lubos na
malupit, nakakawalang dangal o di
makatao. Hindi rin maaring magpataw
ng kamatayan o labis na multa o di
makatarungang multa.
• Maari ring ipataw ang mga parusa na isinasaad
sa IPRA kung saan ang paglabag ng anumang
patakaran at alituntunin ay papatawan ng
pagkabilanggo ng hindi bababa sa siyam (9) na
buwan at hindi hihigit sa labingdalawang taon
(12) o multa ng hindi bababa sa isang daang
libong piso ( P 100, 000) at hindi hihigit sa
limang daang libong piso ( P 500,000) o
parehong pagkabilanggo at pagkamulta.
Kikilalanin at igagalang ang lahat ng mga
karapatan sa pagmamay-ari ng mga lupain
ninuno na umiiral at/o kinikilala bago pa
magkabisa ang Batas na ito.
• Hindi kasama sa pagbubuwis ang lahat ng lupang
pinatitibayang lupaing ninuno o sa anumang anyo
ng paninigil.
• Subalit, papatawan ng buwis ang mga bahagi ng
lupaing ninuno na ginagamit sa malawakang
agrikultura;pang komersyal na pagtatanm sa
kagubatan;mga nakalaan s paninirahan o di
kaya’y ang titulo ng lupa ay nakapangalan sa
pribadong tao. Sa isang kondisyon, na ang layuin
ng paniningil ay gagamitin sa pagpapaunlad at
pagsasaayos ng mga lupaing ninuno.
• Sa mga pagkakataong magkakaroon na mga
salungat na interes sa lupa o kaya ay magkalabang
pag aangkin sa loob ng lupaing ninuno na natukoy
at nakasukat na hindi ma solusyunan, ang nasabing
hidwaan at lulutasin ng NCIP.
• Subalit, kung ang nasabing hidwaan ay sa pagitan
ng mga katutubo, ito ay lulutasin na naayon sa
kanilang tradisyunal na pamamaraan.
• Anumang desisyon o hatol na maibigay ng NCIP ay
maaring i-apela sa Korte ng mga Apela.
photo credit: ASEAN BIODIVERSITY
• Maaring gamitin sa paglutas ng hidwaan o
tunggalian ng interes ang sapilitang pagbawi
(Expropriation) kung ito ay naaayon sa
kabutihan ng nakararami.
• Ipapalawang bisa ng NCIP sa
pamamagitan ng legal na pamamaraan
ang mga titulong nakamit sa hindi legal na
paraan.
• Igagalang ang mga karapatan ng matuwid na
may-ari.
MGA GAWAING PINAGBABAWAL
• Mga gawaing pinagbabawal hinggil sa Lupaing / Lupang
Ninuno
– Ang sino mang indibidwal ang napatunayang nagsasagwa ng mga
sumusunod na paglabag ay mapaparusahan:
• Ang ilegal o walang permisong pagpasok sa lupaing/lupang ninuno;
• Kasinungalingan sa pagkuha ng malaya,nauna at malinang na
kapahintulutan (FPIC) ng mga katutubo;
• Ang pag aagaw ng totoong pag aari ng mga lupain o ari-arian;
• Sapilitang pagsasaalis o paglilipat ng mga katutubo mula sa
kanilang lupaing/lupang ninuno;
• Pagkalat ng polusyon sa hangin at tubig sa loob ng lupaing/lupang
ninuno.
• Mga gawaing pinagbabawal hinggil sa
pagtatrabaho
Ang sino mang indibidwal ang napatunayang nagsasagawa ng mga
sumusunod na paglabag ay mapaparusahan na naayon sa batas:
 
– Paglalantad ng mga katutubo sa mga mapanganib na trabaho;
– Hindi tamang pagbabayad/pagbibigay ng sweldo at iba ang
benepisyo;
– Pagbabawal ng karapatang bumuo ng grupo/alyansa/unyon o
ano mang gawaing unyon:
– Pagsasamantala sa kabataang manggagawa;
– Seksuwal na panliligalig (Sexual Harassment)
– At iba pag mga kahalitulad na kalagayan.
• MGA PINAGBABAWAL NA GAWAIN HINGGIL SA
INTEGRIDAD NG KULTURA
Ang pagsasagawa o paglabag sa mga sumusunod na karapatan ay may
karampatang parusa na naayon sa batas na ito:
 
• Paggagalugad o paghuhukay sa mga arkeolohiyong lugar ng
mga katutubo para sa kumuha ng mga bagay na may halagang
kultural na walang malaya,nauna at malinang na kapahintulutan
mula sa mga katutubo or grupo ng katutubo sa nasabing lugar;
• Dungisan, tanggalin o sirain ang mga relikya o artipakto na
may mabigat na kahalagahan sa pagpapanatili ng mga
pamanang kultural ng mga katutubo.
 
Ang mga sumusunod na tao o grupo ay may
pananagutan dahil sa nagawang paglabag sa mga
karapatan ng mga katutubo :
 
• Kahit sinong indibidwal, miyembro man o hindi o di kaya’y
napapabilang sa ibang komunidad na katutubo;
• Kahit sinong indibidwal na hindi katutubo, Filipino man ito o
banyaga;
• Kapag ang paglabag ay nagawa ng isang korporasyon o may
huridikal na pagkatao, ang Manager, Presidente, Chief Executive
Officer, o kung sinong mang opisyales nila ang may
pananagutan;
• Mga opisyales o empleyado ng gobyerno.
MGA PARUSANG NAAYON SA TRADISYON AT
NAKAUGALIANG BATAS

Ang isang katutubong komunidad ay maaring


magpataw ng parusa sa isang indibidwal, na lumabag
ng kanilang karapatan, na naaayon sa kanilang
tradisyon o nakaugaliang batas, maliban sa mga
sumusunod na kalagayan:
– Kung ang parusa ay malupit at hindi makatao; o
– Kung ang parusa ay kamatayan o sobrang taas na
multa.
Mga parusang itinakda ng batas na ito.
Lahat ng mga tagalabag ay maaring maparusahan ng
mga sumusunod:
 
• Pagkakakulong na hindi bababa ng siyam (9) na buwan o
hihigit sa labindalawang (12) taon;
• Multa na hindi bababa sa isandaang libong piso
(Php100,000.00) ngunit hindi tataas sa limandaang libong
piso (Php.500,000.00).
• Kapwa multa at pagkakakulong na naayon sa diskresyon
ng korte.
Maliban sa mga parusang nabanggit, ang mga
sumusunod ay maaari rin ipataw sa mga tagalabag:

• Pagbabayad ng danyos sa mga katutubong naperwisyo dahil sa


paglabag na nagawa;
• Para sa mga may huridikal na personalidad o mga korporasyon,
pagkansela ng kanilang rehistro at lisensya;
• Para sa mga pampublikong opisyales, ang
pagkakadiskwalipika sa paghawak ng pampublikong
posisyon habangbuhay.
 
 
photo credit: IONLINE.COM

You might also like