You are on page 1of 40

Mga Suliraning

Pangkapaligiran

ARALIN 1 Disaster Risk Reduction
Disaster Risk Reduction

Ang disaster risk reduction (DRR) ay
naglalayong maibsan ang matinding
kapahamakan, pagkasira at pinsala na dala ng
mga likas na panganib sa mga tao, ari-arian at
mga estruktura sa pamamagitan nga
prebensiyon.
Karaniwang ginagamit ang salitang kalamidad
at sakuna sa pagtukoy sa magkaugnay na likas na
panganib o desastre.
Mga Uri ng Kalamidad

Bagyo
Ito ay “isang malakas na hanging
kumikilos nang paikot, na madalas
ay may kasamang malakas at
matagal na pag-ulan.”
Halibawa: bagyong Reming (Durian)
2006, Frank (Fengshen) 2008, Pablo (Bopha)
2012, Yolanda (Haiyan) 2013
Ang Philippine Atmospheric
Geophysical and Astronomical
 o PAGASA,
Services Administration
ang ahensiya ng pamahalaan na
nangangasiwa sa paglalabas ng public
storm warning signal (PSWS) upang
magbigay babala tungkol sa lakas ng
paparating na bagyo at lokasyon at
tatahakin nito upang makapaghanda
ang mamamayan.
Marapat Gawin Pinsalang Hatid Public Storm Signal
Number
• suriin ang bahay at
kumpunuhin ang
dapat ayusin

• maaaring maputol
ang maliit na sanga PSWS 1
ng puno • 30-60 kph na
• linisin ang drenahe • maaaring hangin sa loob ng
• anihin ang makapaminsala ng 36 oras
maaaring anihin sa magagaang • 1.25-4 metro ang
bukirin estruktura alon sa dagat
• makinig sa balita sa • maaaring
kalagayan ng bagyo masalanta ang
kada 6 na oras palay
• pinaghahanda ang • maaaring tumagilid
mga disaster ang puno ng saging
preparedness unit
Marapat Gawin Pinsalang Hatid Public Storm Signal Number

• maghanda ng flashlight, • maaaring matumba ang


first-aid kit, at pagkain mga puno at mapinsala


• gawing fully charged ang ang mga halaman PSWS 2
cellphone • maaaring tumagilid ang • 61-120 kph na hangin sa
• huwag maglayag ang mga puno ng niyog loob ng 24 oras
maliliit na bangka • maaaring matumba ang • 4.1-14 metro ang alon sa
• bantayan ang posisyon, mga puno ng saging dagat
direksiyon, bilis, at lakas • lubhang maaapektuhan • posibleng magkadaluyong
ng bagyo habang ang taniman ng palay at bagyo sa baybayin
dumadaan sa isang mais
lokalidad • maaaring matanggal ang
• pinaaalalahanang mag- mga bubong na gawa sa
ingat ang mga nipa at kogon
kasalukuyang naglalakbay • maaaring tumagilid o
sa karagatan at maitumba ang mga poste
himpapawid ng kuryente
• kanselahin ang mga • maaaring masira ang mga
panlabas na aktibidad munting billboard
• pinaghahanda ang mga • munti hanggang
disaster preparedness unit katamtamang pagkasira sa
direktang maaapektuhang
lokalidad
Marapat Gawin Pinsalang Hatid Public Storm Signal Number

• pinapayuhang magbakwet • maaaring mapinsala ang


o lumikas sa mas maraming puno ng niyog PSWS 3
matitibay na estruktura • maaaring matumba ang • 121-170 kph na hangin sa


• pinapayuhang lumikas malalaking puno at loob ng 18 oras
din ang nakatira malapit matumba ang maraming • higit sa 14 metro ang alon
sa ilog at baybayin puno ng saging sa dagat
• kanselahin ang mga • masisira ang taniman ng • posibleng magkadaluyong
panlabas na aktibidad palay at mais bagyo sa baybayin
• mapanganib ang • maaaring mawasak ang
kondisyon sa mga mga bahay na gawa sa
apektadong komunidad magaang materyales
• mapanganib ang • maaaring mapinsala ang
paglalakbay sa karagatan mga estruktura gaya ng
para sa lahat ng bodega at warehouse
sasakyang-dagat • maaaring malawakang
• delikado ang paglalakbay maapektuhan ang daloy
sa himpapawid ng kuryente at linya ng
• suspendido ang klase sa komunikasyon
lahat ng antas • katamtaman hanggang
• rumoronda ang mga matinding pagkasira,
disaster preparedness unit partikular sa mga sektor
upang rumesponde sa ng agrikultura at
nangangailangan industriya
Marapat Gawin Pinsalang Hatid Public Storm Signal
Number
• pinapayuhang • maaaring malawakang
magbakwet o lumikas sa
mas matitibay na
estruktura •

masira ang taniman ng
puno ng niyog
maraming malalaking
PSWS 4
• 171-220 kph ang hangin
sa loob ng 12 oras
• pinapayuhang lumikas puno ang matutumba • higit sa 14 metro ang
din ang nakatira malapit • hindi na alon sa dagat
sa ilog at baybayin mapapakinabangan ang • 2-3 metro ang daluyong
• kanselahin lahat ng bungang palay at mais bagyo sa baybayin
panlabas na aktibidad at • matinding pagkasira sa
paglalakbay anumang uri ng gusali
• inaasahang kumpleto na • maaaring lubhang
ang pagbakwet o maantala ang daloy ng
paglikas sa mas ligtas na kuryente at linya ng
kublihan komunikasyon
• rumeresponde ang lahat • malaki ang inaasahang
ng ahensiyang tagapag- pagkasira sa komunidad
ugnay upang marating • maitutumba ang
lahat ang malalaking billboard
nangangailangan ng
agarang tulong
Marapat Gawin Pinsalang Hatid Public Storm Signal
Number
• maitutumba ang lahat sa


taniman ng puno ng PSWS 5
saging • higit sa 220 kph ang
• maitutumba ang hangin sa loob ng 12 oras
karamihang puno at • higit sa 14 metro ang
malalagasan ng dahon alon sa dagat
• malawak na pinsala sa • higit sa 3 metro ang
mga estrukturang nasa daluyong bagyo sa
baybayin baybayin
• matatanggal ang mga
bubong ng karamihang
estrukturang
pangresidente at pang-
industriyal, gayundin
ang mga bintana at pinto
• maaantala ang mga
daloy ng kuryente at
linya ng komunikasyon
• maibabagsak ang lahat
ng billboard

Baha
Ito ay ang pagtaas ng tubig
nang higit sa kapasidad ng ilog
at ibang daluyan na ang resulta
ay pag-apaw nito sa kapatagan.
Posibilidad ng Sukat ng Klasipikasyon
Pagbaha at
Maaring Gawin 
Ibinuhos na Ulan
(milimetro, mm)
(Kulay)

Pinamomonitor 7.5 – 15 mm sa Yellow Rainfall


ang mga nasa isang oras at Advisory
komunidad sa sa magpapatuloy
kondisyon ng pag-
ulan at binabalaan
ang mga nasa
mabababang lugar
na posible silang
bahain
Posibilidad ng Sukat ng Klasipikasyon
Pagbaha at Ibinuhos na Ulan (Kulay)
Maaring Gawin (milimetro, mm)
Inaalerto ang mga 
15 – 30 mm sa Orange Rainfall
nasa komunidad isang oras at Advisory
sa tiyak na banta magpapatuloy sa
ng pagbaha susunod na 2 oras
Pinagbabakwet 30 – 65 mm sa Red Rainfall
ang mga nasa isang oras at Advisory
komunidad dahil inaasahang
sa inaasahang magpapatuloy sa
seryosong susunod na 2 oras
pagbaha
Landslide
Ito ay ang pagdausdos ng putik, lupa, o

malalaking bato dala ng pagguho ng lupa
mula sa mataas na dako.

Lindol
Ito ay isang biglaan at mabilis na
pagyanig ng lupa gawa ng iba’t ibang
dahilan tulad ng paggalaw ng solidong
batong nasa ilalim ng lupa at pagiging
aktibo ng bulkan.

Bulkan
Sa pagsabog ng bulkan, bumubulusok
ang lava palabas ng bukana nito.
Sumasabog ang bulkan kapag napakalakas
na ng presyon sa ilalim ng lupa. Maaaring
sabayan ng lindol, pagguho ng lupa at
sunog ang pagsabog ng bulkan.
Kaugnayan ng mga Tao sa mga
Kalamidad

Ang kalamidad ay hindi lamang dala
ng likas na panganib kundi dahil na rin
sa kagagawan ng tao. Sinasabing ang
epekto ng kalamidad ay may
kaugnayan sa mga desisyon at pagpili
ng ginagawa ng mga tao tungkol sa
pamumuhay at kapaligiran.
Mga Paghahanda sa Maaaring
Kalamidad
Paghahanda ng
Mamamayan

Paghahanda ng
Pamahalaan
Kalamidad

• Pag-iimbak ng • Pagpapaalala sa Tagtuyot


tubig na pang- mamamayan na
inom, panligo, magtipid sa tubig
panlinis, at panlaba • Pagpapanatili ng
• Pagtitipid sa tubig maayos na
• Paggamit nang paggamit ng
wasto sa tubig irigasyon
• Pag-iimbak ng
tubig
• Pagsasagawa ng
pagrarasyon ng
tubig
Paghahanda ng Paghahanda ng Kalamidad
Mamamayan Pamahalaan
• Pag-iimbak ng • Pagpapaalala sa Sunog


tubig sa bahay at mamamayan na
opisina iwasan ang mga
• Paglalagay ng fire gawain na
extinguisher maaaring
• Pag-iingat sa pagmulan ng
paggamit ng sunog
tangke o gasolina • Paghahanda ng
sa pagluluto, at sa trak na pamatay-
paggamit ng sunog at
kandila pagpapanatiling
• Pagtanggal ng plug laging may tubig
ng mga gamit na ito
de-kuryente • Pagtatalaga ng
rescue team
• Paghahanda ng
evacuation center
Paghahanda ng Paghahanda ng Kalamidad
Mamamayan Pamahalaan
• Paghahanda ng • Pagbibigay ng Pagsabog ng Bulkan
mga gamit sa
paglikas

opisyal na
impormasyon
• Pakikipagtulunga tungkol sa
n sa mga aktibidad ng
awtoridad sa bulkan
paglikas • Pagpapalikas sa
mga apektadong
mamamayan
• Paghahanda ng
mga pangunahing
pangangailangan
ng mga lumikas
na mamamayan
Paghahanda ng Paghahanda ng Kalamidad
Mamamayan Pamahalaan
• Paghahanda ng • Paggawa ng mga Haze
mask na gagamitin
• Pag-iwas sa mga

panuntunan
upang
panlabas na mapangalagaan
aktibidad ang mga
• Pagsara ng mga estudyante at
pinto at bintana empleyado na
• Paggamit ng air pumapasok kung
purifier may haze
• Pagtatalaga ng
mga rescue team at
pagsasanay sa
kanila
• Pagbibigay-
babala sa publiko
Paghahanda ng Paghahanda ng Kalamidad
Mamamayan Pamahalaan
• Pag-iwas sa • Pagbibigay ng Baha
pagtatapon ng opisyal na
basura sa ilog,
estero, kanal at

impormasyon
tungkol sa baha
lansangan na • Paghahanda sa
nakababara sa paglikas ng
drenahe mamamayan
• Paglikas sa mataas • Paglalathala ng mga
na dako tuntunin tungkol sa
• Pag-iimbak ng tubig- marapat gawin
inumin, panligo at pagdating ng baha
panlinis • Pagsasaayos ng mga
• Pagliligpit ng mga pampublikong
importanteng estruktura (dike,
dokumento at gamit estero, tulay) upang
na hindi pwedeng maiwasan ang
mabasa pagbaha
• Paghahanda ng mga
gamit pangkagipitan
Paghahanda ng Paghahanda ng Kalamidad
Mamamayan Pamahalaan
• Pakikinig sa balita • Pagbibigay ng tama at Bagyo
tungkol sa lagay ng sapat na impormasyon


bagyo sa kalagayan ng isang
• Paghahanda sa bagyo
paglikas kung • Paghahanda ng
kailangan evacuation center
• Pag-iimbak ng tubig- • Pagpapalikas sa
inumin, panligo at mamamayan kung
panlinis kailangan
• Paghahanda ng • Pagsasaayos at
pagkain para sa oras pamimigay ng mga
ng kagipitan relief goods
• Pagsasaayos ng • Pagtatalaga ng mga
bubong upang hindi rescue team
liparin
• Pag-iwas lumabas ng
bahay upang
maiwasan ang
anumang sakuna dala
ng malakas na hangin
at ulan
• Pakikipagtulungan sa
Paghahanda ng Paghahanda ng Kalamidad
Mamamayan Pamahalaan
• Paghahanda ng
mga gamit

• Pagtukoy sa
mga dako na
Landslide

pangkagipitan maaaring
gaya ng pangyarihan ng
flashlight at pito landslide
• Paglikas sa • Pagmonitor sa
ibang ligtas na mga dahilig
dako (slope)
• Pagtatalaga ng
mga rescue team
Paghahanda ng Paghahanda ng Kalamidad
Mamamayan Pamahalaan
• Paglahok sa • Pagbibigay-babala sa Lindol
isinasagawang
earthquake drill 
mga taong nakatira
malapit sa fault line
• Paghahanda ng mga • Pamamahala ng
gamit pangkagipitan earthquake drill
gaya ng flashlight at • Pagbibigay-
pito impormasyon sa
marapat gawin
tuwing lindol at
pagkatapos ng lindol
• Pagtatalaga ng rescue
team
• Pagmonitor sa
anumang paglindol sa
buong bansa at
pagbabalita agad nito
Mga Dapat Gawin sa Oras at
Pagkatapos ng Kalamidad

Baha
Habang may baha
 Alamin ang sitwasyon ng baha sa pamamagitan ng
telebisyon, radyo o Internet. Abangan din ang ilalabas na
opisyal na instruksiyon mula sa mga ahensiya ng
pamahalaan.
 Mag-imbak ng tubig na maaaring tumagal nang 3 araw.
 Ihanda ang flashlight at baterya, gayundin magtabi ng
kandila at posporo o layter.
 Ilagay ang mga gamit sa mataas na bahagi ng tirahan.
 Kung kailangang lumikas, gawin agad ito nang
mahinahon bago tumaas ang baha.
 Bago lumikas, siguraduhing ibaba ang main circuit

breaker upang pahintuin ang daloy ng kuryente, at
ikandado ang bahay.
 Huwag magbabad sa tubig-baha lalo kung may bukas
na sugat sa katawan upang maiwasang makakuha ng
mga sakit gaya ng leptospirosis.
Pagkatapos ng baha
 Kung galing sa paglikas, mag-ingat sa pagpasok sa
bahay dala ang flashlight.
 Huwag munang buksan ang main circuit breaker o
gumamit ng de-kuryenteng kagamitan hanggang di
nakatitiyak na tuyo na ang mga nabasa ng baha.
Iulat sa mga kinauukulan ang anumang

naputol na kawad ng kuryente o telepono.
Huwag kainin ang mga natirang pagkain
na nabasa ng baha.
Alamin kung saan makahihingi ng tulong
at rasyon ng pagkain, inumin, gamot, at
iba pa.
Iwasang pumunta sa mga lugar ng
sakuna upang hindi makasagabal sa mga
rescue operation.
Habang may bagyo
Isara ang mga pintuan at bintanang maaaring

pasukin ng ulan at malakas na hangin.
Alamin ang sitwasyon ng bagyo sa
pamamagitan ng telebisyon, radyo o Internet.
Abangan din ang ilalabas na opisyal na
instruksiyon mula sa mga ahensiya ng
pamahalaan.
Ihanda ang flashlight at baterya, gayundin
magtabi ng kandila at posporo o layter.
Iwasang lumabas ng bahay at mabasa ng ulan
upang hindi magkasakit o masakuna.
Maglagay ng sahuran sa mga lugar ng bahay na
may tulo.

Tipirin ang pagkain upang umabot hanggang
matapos ang bagyo.
Kung kailangang lumikas, gawin agad ito ng
mahinahon dala ang mga inihandang gamit;
siguraduhing ibaba ang main circuit breaker at
ikandado ang bahay.
Huwag nang pumalaot sa dagat kung may
planong maglakbay o kaya ay mangisda.
Lumayo sa dalampasigan at lumikas habang
maaga.
Pagkatapos ng bagyo
 Tingnan ang paligid kung may naputol na kawad ng
kuryente o telepono, poste, at malalaking sanga ng

puno. Iwasan lalo na ang lumapit sa mga nasirang
kawad ng kuryente.
 Walisin ang paligid ng mga nagkalat na dahon, basura,
at iba pang bagay na inilipad ng bagyo.
 Isampay ang mga nabasang malinis na damit at labhan
ang mga nabasang maruruming damit.
 Alamin kung saan makahihingi ng tulong at rasyon ng
pagkain, inumin, gamot at iba pa.
 Alamin din kung ano-ano ang maaaring maitulong sa
ibang nasalanta ng bagyo.
Habang may lindol

Mahinahong lumikas palabas ng bahay o gusali.
Kung hindi makalabas ng bahay o gusali,
pumuwesto sa ilalim ng matatag na mesa.
Gawin ang mga napag-aralan sa earthquake drill.
Gamitin ang flashlight at pito kung kailangan ng
tulong.
Humingi agad ng tulong kung nasakuna sa
lindol.

Pagkatapos ng lindol
Mahinahong bumalik sa bahay o gusali.
Tingnan kung may mga bumagsak na
gamit sa loob ng bahay at ayusin ang
mga ito.
Alamin kung may maaaring itulong sa
ibang nasakuna ng lindol.

Habang may sunog
 Kunin ang mga importanteng papeles, gamit at
sapat na pera saka lumikas nang mahinahon.
 Tiyaking kasama sa paglikas ang buong pamilya.
 Pumunta sa isang lugar na malayo sa sunog.
 Huwag mag-usyoso sa lugar ng sunog upang
hindi makaharang sa trak ng bombero at rescue
operation.
Mga Ahensiya ng Pamahalaan sa
Panahon ng Kalamidad

National Disaster Risk
Reduction Management

Council o NDRRMC

Tagatasa sa epekto at mga apektado ng isang kalamidad;


gumagawa ng ulat ng iba’t ibang aksiyon o hakbang ng
pamahalaan sa pag-iwas sa mga pinsalang dulot ng
kalamidad; mayroon ding nakatalagang ganitong konseho
sa bawat rehiyon na pinamumunuan ng mga opisyal sa
Office of the Civil Defense kasama ng mga rehiyonal na
direktor ng iba’t ibang ahensiya.
http://www.ndrrmc.gov.ph/
Local Disaster Risk Reduction and
Management Council o LDRRMC

Pinamumunuan ng lokal na opisyal (gobernador
o alkalde) na may tungkuling isagawa ang
pagbakwet ng mga residente kung kailangan at
bumuo ng mga programang kaugnay ng DRR.
Philippine Atmospheric,
Geophysical and Astronomical
Services Administration o
PAGASA

Nag-uulat at nagbibigay-babala tungkol sa


lagay ng panahon, kabilang ang pagmonitor sa
lagay ng baha.
http://www.pagasa.dost.gov.ph/
Philippine Institute of
Volcanology and Seismology
o PHIVOLCS

Nag-uulat ng anumang impormasyon


na may kinalaman sa aktibidad ng
bulkan, lindol, at tsunami.
http://www.phivolcs.dost.gov.ph/
Philippine Information
Agency o PIA

Nagbibigay ng update tungkol sa


ginagawang relief and rescue operations sa
mga lugar na apektado ng kalamidad.
http://pia.gov.ph/news
Department of Social
Welfare and Development
o DSWD

Nangunguna sa pagtanggap, pagbibigay


at pamamahagi ng tulong sa mga
apektado ng kalamidad
http://dswd.gov.ph/
Halaga ng Disiplina at
Kooperasyon ng mga Mamamayan
at Pamahalaan

Hindi maiiwasang sa panahon ng kalamidad, nagkakagulo
ang mga tao lalo na ang mga biktima ng sakuna. Kapag matindi
ang epekto ng kalamidad, lalong dumarami ang kailangang tulong
ng mga mamamayan. Sa panahong magkakasunod ang mga
kalamidad, makikita ang kahusayan o ang kahinaan ng
pamahalaan sa pagtugon sa sitwasyon. Sinasabing ang
pagbabawas sa masamang epekto ng kalamidad ay tuungkulin ng
bawat isa at hindi lamang ng pamahalaan. Kailangan ang maayos
at epektibong pamamahala ng pagtugon sa pinsalang dulot ng
kalamidad gayundin ang pakikiisa at suporta ng mamamayan,
kapuwa nasalanta at tumutulong.

You might also like