You are on page 1of 14

FILIPINO SA PILING

LARANG (AKADEMIK)
Inihanda ni Jamella Vabhna N. Moreno
Ang mga halimbawa ng akademikong sulatin
na nangangatwiran ay ang mga sumusunod:

1. Panukalang proyekto
2. Posisyong papel
3. Talumpati
Panukalang Proyekto
Makapaglatag ng proposal sa proyektong nais ipatupad. Ito ay
nagbibigay-daan sa mga tagapakinig o tagabasa na maunawaan ang
layunin, at kabuuang halaga ng proyekto at naglalayong mabigyan ng
resolba ang mga problema at suliranin.
Posisyong Papel
Ang Posisyong Papel ay isang akademikong pagsulat kung saan
ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng posisyon at argumento tungkol
sa isang isyu. Ito ay naglalayong maipaglaban kung ano ang alam
mong tama.
Talumpati
Ang talumpati ay ay isang uri ng pagsulat na naglalaman ng buod
ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan
ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin
nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Ang mga sulating akademiko naman na
naglalarawan ay;
1. Lakbay sanaysay
2. Photo essay
3. Replektibong sanaysay
Lakbay Sanaysay
Ito ay isang uri ng sanaysay na makapagbabalik-tanaw sa
paglalakbay na ginawa ng manunulat.
Ang lakbay-sanaysay sa akademikong sulatin ay isang uri ng
akademikong pagsulat na naglalayong magkwento, magbigay-paksa,
o magbigay-paglalarawan ng mga karanasan ng isang tao sa kanyang
paglalakbay.
Mas madami ang teksto kaysa sa mga larawan.
Photo Essay
Ang photo essay sa akademikong sulatin ay isang uri ng
akademikong pagsulat na gumagamit ng mga larawan o mga imahe
upang magkuwento, magbigay-paksa, o magbigay-ng-paglalarawan
sa isang tiyak na konsepto, isyu, o tema.
Replektibong Sanaysay
Ito ay uri ng sanaysay kung saan nagbabalik-tanaw ang manunulat
at nagrereplek. Nangangailangan ito ng reaksyon at opinyon ng
manunulat. Ito ay mas personal at nagpapakita ng masusing pag-iisip
at pagsusuri ng manunulat tungkol sa isang partikular na aspeto ng
kanilang pag-aaral.
Sagutan ng tamang uri ng akademikong
sulatin ang mga sumusunod;
PHOTO ESSAY

https://images.app.goo.gl/kA4GuMdUpsX31ZzX8
PANUKALANG PROYEKTO

https://images.app.goo.gl/
K2d8Pg8kixVH2EbB7
“Pagtutol sa Paggamit
ng Single-Use Plastics”

POSISYONG PAPEL
LAKBAY SANAYSAY

https://images.app.goo.gl/zoAinjZ69epTLiq86

You might also like