You are on page 1of 35

Ang Talasalitaan Kaugnay sa

Pag-unawa ng Teksto
Pag-uugnayan ng Kaalamang Pantalasalitaan sa Pag-
unawa ng Teksto

Ayon kina Anderson at Freebody sa kanilang


aklat na Vocabulary Knowledge (1981) may tatlong
pananaw o posisyon sa ganitong pag-uugnayan.

 Pangkagamitang posisyon
 Pangkakayahang posisyon
 Pangkaalamang posisyon
Pangkagamitang Posisyon
(Instrumentalist position)
Dapat na pag-aralan nang tuwiran
ang mga talasalitaan ng mga
estudyante sa halip na hayaan
na lamang silang matutunan
ito sa pagbabasa.
Pangkakayahang Posisyon
(Aptitude position)
 Ang mga estudyante ay nagkakaroon ng
malawak na kaalamang pantalasa- litaan
sa pamamagitan ng malawakang
pagbabasa.
 Nararapat na magkaroon ang mga
estudyante ng maraming pagkakataon sa
pagbabasa at pagsasanay sa pagkilala ng
mga salita
Pangkaalamang Posisyon
(Knowledge position)
 Sinasabing ang pagkakaroon ng
kakayahang pantalasalitaan at pag-unawa
ay dulot ng malawak na kaalaman tungkol
sa sariling kapaligiran at kultura

 Pagkakaroon ng mga batayang kaalaman


at konsepto na ginagamit ng isang
estudyante sa pag-unawa ng mga salita,
sa kabuuan ng teksto
 Kaya upang mapalawak ang
talasalitaan ng mga mag-aaral,
nangangailangan na magkaroon sila
ng sapat na mga karanasan na pag-
uusapan at maisusulat nang sa
gayon ay mapauunlad ang mga
konsepto at kaisipan nila na
magagamit sa pag-unawa ng
nilalaman ng teksto.
Interaktibong Posisyon
(Interactive position)
May idinagdag si Frank May (1986)na
pang-apat na posisyon, ang interaktiv. Ito ang
pag-uugnayan ng mga sistema ng palatandaan
o hudyat (cueing systems) sa teksto na
tumutulong sa mabisang pag-unawa.

Ang mga palatandaang ito ay:


 Palatandaang Grapoponiko – nauukol sa
tunog na bumubuo sa mga salita
Palatandaang Sintaktiko – nauukol sa
pagbubuo o kayarian ng mga salita
 Palatandaang Semantiko – nauukol sa
kahulugan ng salita ayon sa
pagkakaugnayan nito sa iba pang salita
 Palatandaang Iskematik – pag-uugnayan
ng sariling karanasan sa binabasa
Mga Istratehiya sa Paglinang ng
Talasalitaan
A. Pagsusuring Pangkayarian (Structural
Analysis)
Nauunawaan ang salita sa pamamagitan ng mga
bahagi nito:
- salitang-ugat
- panlapi
- pagkakabuo ng salita
Halimbawa: buhay
kabuhayan
nabubuhay
buhay-buhay
buhay-alamang
B. Paggamit ng mga Palatandaang
Nagbibigay Kahulugan (Context Clues)

1. Sa pamamagitan ng kasingkahulugan ng salita


na napapaloob din sa pangungusap.

Halimbawa:
Masarap mamuhay sa bansang may kasarinlan na
kung saan may kalayaan ka sa pagkilos at
pagsasalita.
2. Sa pamamagitan ng kasalungat na
kahulugan ng salita.

Halimbawa:
Masugid si Renato na makatapos
ng hayskul ngunit tila matamlay naman
ang kanyang ama na tustusan siya dahil sa
kakulangan ng salapi.
3. Sa pamamagitan ng katuturan ng salita.

Halimbawa:
Ipinamalas ng mga tao sa EDSA
ang marubdob o matinding pagnanasa na
magkaroon ng kalayaan.
4. Pag-uugnay sa sariling karanasan.
Nakikilala ang bago o mahihirap na salita sa
pamamagitan ng pag-alala sa mga naging
karanasan.

Halimbawa:
Dahil sa bahang dala ng bagyong si
Roming, inilikas sa ligtas na pook ang mga tao
sa aming lugar.
5. Ayon sa sitwasyong pinaggamitan ng salita.
Dito nauunawaan ang salita ayon sa mga
pangyayari o sitwasyon na kaugnay nito.

Halimbawa:
Pinag-iibayo ng pangulo ang
kampanya laban sa lumalaganap na kilusan
ng mga pangkat laban sa pamahalaan. Itinaas niya
ang moral at sahod ng mga kawal.
6. Sa pamamagitan ng buod o lagom ng
binasa.

Halimbawa:
Naranasan niya ang matinding
kahirapan noong siya ay bata pa. Salat na
salat silang mag-anak sa pagkain, damit at
maayos na tirahan. Mula siya sa isang
maralitang mag-anak.
7. Sa pamamagitan ng halimbawa.

Halimbawa:
Maiiwasan ang sigalot tulad ng
patayan, nakawan, awayan kung ang mga
mamamayan ay matututong kumilala sa
Diyos at magmahal sa kapwa.
8. Sa pamamagitan ng pormal na
depinisyon ng salita.

Halimbawa:
Mahilig tayo sumulat ng
sanaysay. Ito ay isang kathang tuluyan na
naglalahad ng kaalaman, kuru- kuro
at damdamin ng sumulat.
9. Sa pamamagitan ng paglalarawan.
Halimbawa:
Sa kabuuan ng kanyang mukha.
Sa mga mata niya at sa nagbabagong
pangangatawan, sa balat niyang manilaw-
nilaw at pinamumutukan ng maraming
tagiyawat. Ang mga ito ay naglalarawan
na siya ay lumipas na sa pagiging musmos.
10. Sa pamamagitan ng pahiwatig na tono
o damdamin.

Halimbawa:
Mula sa kusina, ang tibok ng
aking puso ay nakipag-unahan sa aking
mga hakbang. At ang aking agam-agam ay
napawi nang makita ko siya sa sala.
C. Pag-uugnayan ng mga Salita
(Word Association)

1. Pagsasama ng salita sa iba pang salita upang makabuo


ng ibang kahulugan (collocation). Nabibilang dito ang
mga matalinhagang salita o parirala.

Halimbawa: puso = bahagi ng katawan ng


tao
bato = matigas na bagay
pusong bato = matigas ang puso o sa
tunay na kahulugan ito ay naglalarawan ng taong hindi
marunong mahabag o maawa.
2. Pagbibigay ng iba pang salita na halos kapareho
rin ng kahulugan ng pangunang salita.
(clustering)
Halimbawa: Anu-ano ang iba pang salita na
maaaring ipalit sa salitang tingnan?

masdan silipin

TINGNAN

lingunin sulyapin
tanawin
3. Pagkilala ng pagkakaugnayan ng mga salita
ayon sa antas o tindi ng kahulugan na
ipinahahayag (clining). May mga salita na
ginagamit ayon sa tindi ng damdamin na nais
ipahayag. Halimbawa, hindi maaaring sabihing
nagalit ka kung naiinis ka lamang. Pansinin ang
ayos ng mga salita ayon sa tindi ng damdaming
ipinahahayag o ayon sa haba ng panahon.

Damdamin: inis, yamot, suklam, galit


Panahon: noon, kamakalawa,ngayon,
mamaya,bukas, sa isang buwan,
4. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa antas ng paggamit
o pormalidad ng gamit nito (level of formality). May
mag salitang ginagamit sa mga di-pormal, pormal na
kalagayan o sa pangkalahatan.

Halimbawa: Ang iba pang salita na itinatawag sa


kasama ay maaaring pangkatin ayon sa paggamit
sa sitwasyon na maaaring:

PORMAL DI-PORMAL NEUTRAL

kapanalig kabagang kaibigan

kaanib abay kasama

katoto utol kaakbay


5. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa punong
salita o paksa (classification).

Halimbawa:

Panlasa – mapait, matamis,


maanghang, matabang

Kilos – mabagal, mabilis, maliksi,


makupad, dahan-dahan
6. Pagbibigay ng mga salitang kaugnay sa isang
paksa o ideya (association or word network).
Ang mga salitang nauugnay sa isang paksa o
bagay ay naaayon sa karanasan o nakaraang
kaalaman.

Marunong magpatawad
Kontento ang ng kapwa
Walang kudeta
mamamayan

KAPAYAPAAN

Ang tunay na
Tahimik ang paligid
kapayapaan ay
Walang awayan
nagsisimula sa loob.
7. Paggamit ng Semantic Mapping – ito ay isang paraan ng
pagpapalawak ng kahulugan ng isang salita sa
pamamagitan ng pagpapakita ng mga kategorya ng salita
na nauugnay rito. Ito ay nababatay sa panuntunan na
ang mga bagay na natututuhan ay kaugnay ng mga
karanasan at dati nang alam.

Kaligayahan
Kapayapaan
Pagkakaisa

Luha Pagtitiis
Sakit PAG-IBIG Pagsisikap
Lungkot Pagpaparaya

Pagtatalik Bulaklak na rosas


Pagbibigay ng sarili Pabango
pagsasamantala Panyo
Regalo
Mga Pagsasanay sa Talasalitaan
1. Bumuo ng mga salita mula sa mga sumusunod na salitang-
ugat sa tulong ng iba’t ibang panlapi. Gamitin ang mga
salitang nabuo sa pangungusap.
a. sulat
b. aral
c. guhit
d. sunod
e. Sama
2. Bumuo ng salitang tambalan mula sa sumusunod na salita.
Ipaliwanag ang kahulugan ng nabuong tambalang salita.
a. ulo
b. kamay
c. isip
d. tao
e. yaman
3. Magbigay ng iba pang salita na kapareho
ng kahulugan ng salitang dala (to bring).
Sundan ang halimbawa.

bitbit

DALA
Isulat ang mga kaugnay na salita ng
pangunahing salita.
1. Demokrasya__________ __________ __________
2. Kalikasan __________ __________ __________
3. Pagbabago_________ __________ __________
4. Kaligayahan__________ __________ __________
5. Pananampalataya________ ______ __________
5. Ibigay ang mga salitang nabibilang sa sumusunod na kategorya.
a. damdamin __________ __________ __________
b. pagdiriwang __________ __________ __________
c. libangan __________ __________ __________
d. katubigan __________ __________ __________
e. wika __________ __________ __________

6. Ihanay ang mga salita ayon sa tindi ng damdamin na nais


ipahayag.
masaya ubod ng saya napakasaya
di gaanong masaya-saya walang masaya
pagsidlan sa saya
7. Ibigay ang pormal, di-pormal o neutral na salita
ayon sa antas ng gamit.

PORMAL NEUTRAL DI-PORMAL


a. _____________ kababayan _____________
b. kamag-aral _____________ _____________
c. delegado _____________ _____________
d. _____________ _____________ biyahe
Mga Viswal na Istratehiya sa Paglinang ng
Talasalitaan
1. Mapa ng salita (Word Map)
kasingkahuluga kasalungat
npasanin nagpapagaan

pabigat

mga taong tamad mga taong tumutulong


halimbawa hindi halimbawa
2. Mapa ng Kahulugan (Definition Map)
Ano ito? Ano ang katulad nito?
malagim na pangyayari
nagpapagaan
salot

sakit

Ano ang mga halimbawa nito?


3. Web ng bahagi ng salita (Word-part web)

kinasama samahan
sama

sama-sama kasama
4. Pagpapakahulugan ayon sa konteksto
(Contextual redefinition)

Mga Salita Hinulang kahulugan Kahulugan Konteksto na


bago ang pagbasa pagkatapos ng pinagagamitan
pagbasa ng salita

Biglang Bumulwak
1. bumulwak lumabas
paglabas ng ang dugo sa
isang kanyang
likidong dibdib dahil
bagay mula sa tama ng
Sa pinagmula baril
nito.
Halimbawa:
tubig,
dugo

You might also like