You are on page 1of 19

Aralin 2:

Ang mga
Bumubuo sa aking
Komunidad
ALAMIN: Paano ko
mapahahalagahan ang mga
bumubuo sa aking
komunidad?
Tuklasin: Tulungan si Juan na makauwi sa
kanilang bahay. Gawing gabay ang sumusunod:
BASAHIN:
Ang komunidad ay hindi lamang
binubuo ng mga tao o mga pamilya.
May iba pang kabilang sa
komunidad. Ang bawat isa ay may
mga gawain at tungkulin para sa
tao.
Ang mga Bumubuo sa
Komunidad
Ang komunidad ay binubuo ng
tahanan, paaralan, ospital o health
center, pamilihan, pook-dalanginan,
barangay hall at pook-libangan.
Narito ang deskripsiyon ng bawat isa.
Pananda Bumubuo ng Deskripsiyon
Komunidad
Tirahan ng bawat
Tahanan pamilya

Lugar na pinapasukan ng
Paaralan mga mag-aaral upang
‘ matuto at masanay

Pagamutan ng mga
Ospital o health center maysakit o sentro na
nagbibigay ng libreng
bakuna at konsulta

Bilihan ng mga kailangan


Pamilihan sa araw-araw tulad ng
pagkain, damit, at gamit
Pananda Bumubuo ng Deskripsiyon
Komunidad
Simbahan Lugar para sa
maramihang pagsamba
ng mga kasapi na ang
tawag ay simbaha,
maske, o templo ayon sa
relihiyon o paniniwala
Sentro ng pamamahala
Barangay hall ng mga pinuno sa
komunidad, tulad ng
Kapitan ng barangay at
mga kagawad
Palaruan ng mga bata at
Pook-libangan pasayalan ng mga tao
upang maglibang
Ang tawag sa mga bumubuo sa
komunidad ay institusyon. Itinayo ang
mga ito upang magbigay ng serbisyo sa
mga tao. May ilang institusyon sa aking
komunidad na maaring wala sa ibang
komunidad.
SAGUTIN
Ikahon( ) ang panandang angkop sa
institusyong tinutukoy sa bawat bilang.

1. Dito bumibili ng pagkain ang mga tao sa


komunidad.
2. Dito nakatira ang iyong pamilya.

3. Dito nagpapagamot ang mga maysakit


sa komunidad.
4. Dito naglalaro ang mga bata.
Gawain ng Bawat Institusyon
Bawat institusyon ay may mga gawain at tungkulin sa
mga naninirahan sa komunidad.

Sa tahanan masayang naninirahan ang aking pamilya. Dito


natutugunan ang aking mga pangunahing kailangan tulad ng
tirahan, pagkain, tubig, at kasuotan. Naibibigay rin sa
tahanan ang pagmamahal at proteksyon na kailangan ko at
mga kasapi ng aking pamilya.
Sa paaralan ko natututunan ang pagbasa, pagsulat, at
pagbilang pati na rin ang kagandahang-asal. Nililinang din
sa paaralan ang aking mga kakayahan at talento.
Ang health center o ospital ang nangangalaga sa aking
kalusuguan. Nagbibigay sa heslth center ng libreng
gamut at bakuna laban sa mga sakit. Sa ospital ako
nagpapagamot kapag may sakit.
Sa simbahan kami nagpupunta ng aking pamilya upang
sumamba at makinig sa Salita ng Diyos. Mayroon ding
moske at iba pang pook-dalanginan sa komunidad. Ibat-
iba man ang paniniwala ng mga tao sa aking komunidad,
nagbibigay ng paggalang ang lahat sa isa’t isa.
sa pamilihan o palengke namimili ng pagkain
at iba pang gamit sa araw-araw sina Tatay at
Nanay. Tinitiyak ng namamahala ng
pamilihan na sariwa ang mga bilihin at wasto
ang timbang sa presyo ng mga ito.
Ang barangay hall ang sentro ng pamamahala sa aking
komunidad. Dito makikita ang kapitan, mga kagawad, at mga
tanod. Sila ang nangangalaga sa kaayusan, kapayapaan, at
katahimikan ng aming lugar.
Subukin
A. Itambal ang institusyon sa hanay A sa deskripsiyon nito sa
hanay B. Isulat sa bilog ang letra ng tamang sagot.

A. B.
1. a. Sentro ng pamamahala sa
komunidad.

2. b. Lugar para sa gawaing


panrelihiyon.

3. c. Tirahan ng pamilya.
4. d. Bilihan ng mga kailangan.

5.
e. Sentro ng edukasyon.

You might also like