Dagat” (mula sa nobelang “The Old Man and The Sea” ni Ernest Hemingway)
Paggamit ng Pahayag na Pagsang-ayon at
Pagtutol sa Pagbibigay ng Puna o Panunuring Pampanitikan PRESIDENT JOE BIDEN PAMAGAT: “Harry Potter and Sorcerer’s Stone” TAON: 2001 AWTOR: J.K Rowling DIREKTOR: Chris Columbus IBINAHAGI NG: Warner Bros. Picture MGA GUMANAP: Daniel Radcliffe Rupert Grin Emma Watson Ang Nobela Ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan. Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari sa buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa. Katangian ng Nobela a. Maliwanag at maayos ang pagsulat ng mga tagpo at kaisipan. b. Pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan. c. Kawili-wili at pumupukaw ng damdamin. d. Pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at relehiyon. e. Malikhain at dapat maging maguniguning paglalahad. f. Nag-iiwan ng kakintalan. Elemento ng Nobela •TAGPUAN- Lugar at panahon ng mga pinangyarihan. •TAUHAN- Nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela. •BANGHAY- Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. • PANANAW- Panauhang ginamit ng may-akda (a. una-kapag kasali ang may-akda; b. pangalawa-ang akda ang nakikipag-usap; c. Pangatlo- batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda.) •TEMA-Paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela. • DAMDAMIN- Nagbibigay-kulay sa mga pangyayari. •PAMAMARAAN- Estilo ng manunulat/awtor. •PANANALITA- Diyalogong ginamit. •SIMBOLISMO- Nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at pangyayari. Bakit Mahalaga ang pagsusuri sa akdang binasa? Ang panunuri ay isang uri ng pagtatalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang likhang sining. Ito ay paraan din upang malaman ang kabuuan ng mga tauhan: ang kanyang anyo, kilos, ugali at maging ang paraan ng kanyang pananalita. Paano susuriin ang isang akda? Alamin ang mga elementong taglay nito: tauhan, tagpuan, ang banghay, ang simbolismo, mga kaisipan, maging ang paraan kung paano ito nagsimula at wakas. Alamin din ang aspetong panlipunan, political, kabuhayan, at kultural. Paano isusulat ang isang suring-basa o rebyu? Aalamin ang nilalaman (content), kahalagahan (importance), estilo ng awtor (author’s writing style). Maaaring gumamit ng balangkas o format. I. Pamagat, may-akda, genre II. Buod III. Paksa IV. Bisa (sa isip, sa damdamin) V. Mensahe VI. Teoryang Ginamit • Sa pagbubuod, maaaring hanggang lima o anim ang mahahalagang pangungusap. Magsimula sa pangunahing tauhan at sabihin ang mahahalagang nangyari sa kanya mula simula hanggang wakas. •Paara matukoy naman ang paksa, lagi itong sumasagot sa tanong na “tungkol saan ang binasa”. •Tumutukoy naman ang bisa ng isip kung paano tumatakbo sa isipan mo ang mga pangyayari (imahinasyon). Sa bisa ng damdamin naman ay kung paano natigatig ang iyong emosyon. •Ang mensahe naman ay kung ano ang gustong sabihin ng teksto o akda sa mga mambabasa o gustong sabihin ng awtor sa mamababsa. Kailangan ng malalim na pag-unawa sa panitikan. • Ang teorya ginamit naman ay ang teorya ng panitikan. a. Humanismo- bibigyang diin ang tungkol sa pagiging marangal ng tauhan. b. Naturalismo- pinahahatid ng awtor na ang mga pangyayari sa buhay ng tauhan o kapalaran ay bunga ng heredity at hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling pagpili. c. Eksistenyalismo- mas lumutang na ang nagaganap sa buhay ng tauhan ay bunga ng sariling pagpili dahil naniniwala siya na ang isa sa dahilan ng pag-iral ng tao sa mundo ay hubugin ang sarili niyang kapalaran. Paggamit ng Pahayag na Pagsang-ayon at Pagtutol sa Pagbibigay ng Puna o Panunuring Pampanitikan Totoo/Tinatanggap ko/Tama ka/Talagang/ Tunay(nga)/ Halimbawa: Talagang mahusay ang pagkakaganap ng bawat artista sa pelikula. Pero/subalit/ ngunit/datapwat Halimbawa: Kaunti nga ang kanyang eksena, pero nagpakita pa rin ng kahusayan sa pagganap bilang dalagang katutubo si Angel Aquino. Tandaan: Maaaring gamitin ang dalawang pahayag sa isang pangungusap. Halimbawa: Sadyang malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa pakikipagkapwa, datapwat nakakabitin parin ang buong istorya nito. “Walang limit sa edad at pagsali ng mga transwoman sa susunod na Miss Universe”