You are on page 1of 43

Aralin 5.

Nobela
Sa mga anyong
pampanitikan, isa na
yata ang nobela sa
pinakamayaman,
pinakamakabuluhan, at
pinakamakulay.

2
Kinakailangan ang araling ito upang higit na maunawaan
ang kasanayan sa pagkatuto:


Nabibigyang-kahulugan ang nobela.

Natutukoy ang iba't ibang katangian ng nobela.

Nakapagbibigay ng kilalang nobela sa bansa.

3

Natutukoy ang kahulugan ng nobela.

Natatalakay ang kasaysayan ng nobela sa
panitikan ng Pilipinas.

Naiisa-isa ang mga katangian ng isang nobela
bilang isang anyong pampanitikan.

4
Ang Paborito Kong Teleserye

1. Pumili ng isa sa mga paborito mong teleserye o


pinakahuli mong napanood na teleserye.
2. Humanap sa YouTube ng isa sa mga paborito mong
episodes ng teleseryeng ito at panoorin itong muli.
3. Isulat sa talahanayan sa ibaba ang pamagat na iyong
napili, ang link kung saan mo pinanood, at maikling
salaysay tungkol sa episode na ito.
4. Sagutin ang mga gabay na tanong pagkatapos.

5
Ang Paborito Kong Teleserye
Talahanayan 1. Ang Paborito Kong Teleserye

Pamagat ng
Teleserye
Link sa YouTube
Buod ng Episode

6
Mga Gabay na Tanong
1. Bakit mo nagustuhan ang teleserye at episode na
iyong napanood?
2. Ilarawan ang bida o paborito mong tauhan sa
teleserye? Bakit mo nagustuhan ang tauhang ito?
3. Sa iyong palagay, maaari kayang mangyari sa
totoong buhay ang mga pangyayari sa iyong
napanood na teleserye? Ipaliwanag ang iyong
sagot. 7
Katuturan ng Nobela

8
Ang nobela, tulad ng isang teleserye, ay sumasalamin
sa mga tunay na pangyayari sa buhay, kaya naman
nakauugnay tayo sa kasiyahan, kalungkutan, pag-ibig,
at pagkabigo ng mga tauhan na maaaring nararanasan
natin o kaya nama’y ninanais natin sa ating buhay.

9
Bakit mahalagang malaman ang katuturan at
kahalagahan ng pagsulat ng nobela?

10
Katuturan ng
Nobela = kathambuhay

Nobela
katha - hinabi ng manunulat ang kuwento ayon sa piniling

imahen o haraya.

buhay - hinango sa mga tunay na pangyayaring nasaliksik,
nasaksihan, nakapanayam, o naranasan.

11
Katuturan ng
Nobela

Nobela
Isang masining na sangay ng panitikan na naglalahad o
naglalarawan ng mga pangyayaring nagaganap sa buhay na
umiikot ayon sa karanasan ng tao sa kaniyang sarili at sa
kaniyang kapaligiran (Arrogante, 1989).

novella (Kastila) = nobela (binaybay sa Filipino)


12
Pag-unlad ng Nobela sa
Pilipinas

13
Pag-unlad ng
Panahon ng Kastila (1565 - 1898)

Nobela sa
Maiuugat sa tatlong pinagmulang tradisyon ang nobela sa
Pilipinas (Soledad Reyes, 1982):

Pilipinas

epiko

awit at korido

mga akdang panrelihiyon

14
Pag-unlad ng
Panahon ng Kastila (1565 - 1898)

Nobela sa
Ilang mga akda:


Barlaan at Josaphat (1712) ni Fray Antonio de Borja
Florante at Laura (1861) ni Francisco Balagtas

Pilipinas


Si Tandang Basio Macunat (1885) ni Padre Lucio Miguel y
Bustamante

Noli Me Tangere (1887) at El Filibusterismo (1891) ni Dr. Jose Rizal

15
Pag-unlad ng
Panahon ng Amerikano (1900 - 1941)

Nobela sa
Salawahang Pag-ibig (1900) ni Lope K. Santos - kauna-

unahang nobelang Tagalog


may mga nobelang saling-wika sa Tagalog ni Valeriano

Pilipinas

Hernandez Peña (Ama ng Nobelang Tagalog)



paglaganap ng nobela sa iba pang wika - Hiligaynon,
Sebuano, at Ilokano

16
Pag-unlad ng
Panahon ng Amerikano (1900 - 1941)

Nobela sa
Talahanayan 2: Mga Nobela sa Panahon ng Amerikano
Taon Nobela May-akda
1900 Salawahang Pag-ibig Lope K. Santos

Pilipinas
1901 Ang Suga (Sebuano) Vicente Sotto

1905 Nena at Neneng Valeriano Hernandez Peña

1906 Banaag at Sikat Lope K. Santos

1907 Kadapig Sang Banwa (Hiligaynon) Salvador Laguda

1909 La Lucha (Ilokano) Jose Garvida Flores


17
Pag-unlad ng
Panahon ng Amerikano (1900 - 1941)

Nobela sa
Talahanayan 2: Mga Nobela sa Panahon ng Amerikano
Taon Nobela May-akda
1909 Madaling-Araw Iñigo Ed. Regalado

Pilipinas
1911 Mga Anak-Bukid Rosauro Almario

1912 Ang Taong Labas Julian C. Balmaceda

1913 Maring Aurelio Tolentino

1924 Ang Magmamani Teofilo Sauco

1933 Anak Dalita Antonio Sempio


18
Pag-unlad ng
Panahon ng Hapon (1942-1945)

Nobela sa
salat sa larangan ng nobela ang panahong ito dahil sa

kakapusan ng papel sa paglilimbag


may ilang akdang inilabas sa magasing Aliwan

Pilipinas


may mga ilan ding naipalimbag at naisa-pelikula

19
Pag-unlad ng
Panahon ng Hapon (1942-1945)

Nobela sa
Ilang mga akda:

Luha at Luwalhati (1942) ni Antonio Sempio
Tatlong Maria (1944) ni Jose Esperanza Cruz

Pilipinas


Igorota sa Baguio (1945) ni Fausto Galauran

Sa Lundo ng Pangarap (1945) ni Gervacio Santiago

Lumubog ang Bituin (1945) ni Isidra Zarraga-Castillo

20
Pag-unlad ng
Panahon ng Republika (1946 - 1990)

Nobela sa
1946 - 1949 – nagpatuloy ang paglalathala sa Aliwan


dekada 50 – nobelang pumapaksa sa suliraning panlipunan
dekada 60 – nagsimula na ang pakikibaka ng mamamayan,

Pilipinas

at paglalathala sa magasing Liwayway



dekada 70 – Batas-militar, nanahimik ang ilang manunulat

dekada 80 – pagkakaroon ng mga timpalak sa pagsulat tulad
ng Palanca Awards
21
Pag-unlad ng
Panahon ng Republika

Nobela sa
Talahanayan 3: Mga Nobela sa Panahon ng Republika (1946-1949)
Nobela at Taon May-akda
Sa Kuko ng Kasalanan (1946) Cirio Almario

Pilipinas
Ang Makiring Maynila (1946) Teofilo Sauco
Sa Kuko ng Kasalanan (1946) Cirio Almario
Nasaan ang Ligaya (1947) Liwayway Arceo at
Hernando Ocampo
Langit ng Isang Pag-ibig (1947) Macario Pineda
May Landas ang Kaligayahan (1949) Maximo Agustin 22
Pag-unlad ng
Panahon ng Republika

Nobela sa
Talahanayan 3: Mga Nobela sa Panahon ng Republika (Dekada 50)
Nobela at Taon May-akda
Maganda Pa ang Daigdig (1955) Lazaro Francisco

Pilipinas
Pagkamulat ni Magdalena (1958) Alejandro A. Abadilla at
Elpidio Capulong
Ang Tundo Man May Langit Din (1959) Andress Cristobal Cruz
Mga Ibong Mandaragit (1959) Amado V. Hernandez

23
Pag-unlad ng
Panahon ng Republika

Nobela sa
Talahanayan 3: Mga Nobela sa Panahon ng Republika (Dekada 60)
Nobela at Taon May-akda
Daluyong (1962) Lazaro Francisco

Pilipinas
Luha ng Buwaya (1962) Amado V. Hernandez
Apoy sa Madaling Araw (1964) Dominador Mirasol
Sa Kagubatan ng Lungsod (1964) Edgardo M. Reyes
Sa mga Kuko ng Liwanag (1967) Edgardo M. Reyes
Nagbabagang Paraiso (1969) Liwayway A. Arceo
24
Pag-unlad ng
Panahon ng Republika

Nobela sa
Talahanayan 3: Mga Nobela sa Panahon ng Republika (Dekada 70)
Nobela at Taon May-akda
Madilim ang Langit sa Bayan Ko (1970) Jose Mercedes

Pilipinas
Mga Buwaya sa Lipunan (1971) Celso Al Carunungan
Canal de la Reina (1972) Liwayway Arceo
Ginto ang Kayumangging Lupa (1975) Dominador Mirasol

25
Pag-unlad ng
Panahon ng Republika

Nobela sa
Talahanayan 3: Mga Nobela sa Panahon ng Republika (Dekada 80)
Nobela at Taon May-akda
Mga Tinapay sa Ibabaw ng Tubig (1981) Reynaldo A. Duque

Pilipinas
Tutubi, Tutubi, ‘Wag Kang Magpahuli sa Mamang
Jun Cruz Reyes
Salbahe (1987)
Bata, Sinaksak Isinilid sa Baul (1987) Tony Perez
Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? (1988) Lualhati Bautista
Mga Aninong Hubad (1988) Cyrus Borja
Gapo (1989) Lualhati Bautista 26
Pag-unlad ng
Sa kasalukuyan, mas lumawak ang mga usaping

Nobela sa
panlipunan dala ng bagong rebolusyon at panahong
digital:

Pilipinas

usapin ng ikatlong kasarian

migrasyon o OFW

tungkol sa social media, computer games, at iba pa

sikolohikal

retelling ng mitolohiyang Pilipino 27
Sa pag-unlad ng nobela sa Pilipinas, paano
nakaaapekto ang espasyo (panahon at
kapaligiran) ng isang manunulat sa pagsulat ng
kaniyang nobela?

28
Mga Katangian, Layunin
at Kahalagahan ng
Nobela

29
Mga
Dapat Taglayin ng Nobela (Arrogante, 1989)

Katangian ng
maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan


kailangang isaalang-alang ang tungkol sa kaasalan
pumupukaw-damdaming nobela ay kawili-wili

Isang Nobela

30
Mga
Dapat Taglayin ng Nobela (Arrogante, 1989)

Katangian ng
pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay—sa mga aspekto

ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon


malikhain at maguni-guning inilalahad

Isang Nobela


naipakikita ang balangkas ng mga pangyayari sa kaisahang
ibig mangyari

31
Layunin at
Layunin ng Nobela

Kahalagahan
“...layunin ng nobelang magbinhi ng mga simulain, o aral na
hangad na pagbungahin ng sumulat o magdulot ng aliw sa mga
mambabasa sa pamamagitan ng magandang paglalarawan ng

ng Nobela
mga gawi at galaw sa pamumuhay, o maglahad kaya ng isang
panganib o sama na makakalasan sa kadakilaang-asal upang
maiwasan at malayuan.” - Iñigo Ed. Regalado

32
Makatutulong ang pakikinig ng mga awitin sa pagbuo
ng mas konkretong imahinasyon na magagamit sa
pagsulat ng nobela o anumang kuwento. Habang
nakikinig sa mga awitin ay maaaring isulat o gumawa
ng balangkas ng mga imahen o pangyayaring
pumapasok sa isipan mo. Sa tulong ng awitin ay
lumalawak ang iyong biswalisasyon na nagpapalusog
sa iyong imahinasyon.

33

Ang nobela o kathambuhay ay isang masining na
sangay ng panitikan na naglalahad o naglalarawan
ng mga pangyayaring nagaganap sa buhay na
umiikot ayon sa karanasan ng tao sa kaniyang sarili
at sa kaniyang kapaligiran.

Ipinakilala ng mga Kastila ang nobela sa Pilipinas na
pantulong sa pagpapalaganap ng Katolisismo sa
bansa.

34

Sa pagdaan ng panahon, nagkaroon ng iba-ibang paksa
at paraan ng paglalathala ang nobelang Pilipino:
nobelang romantiko/romantisismo; gamit bilang
propaganda; pagsasaling-wika ng mga nobelang Ingles
sa Tagalog; paglathala sa mga magasin tulad ng Aliwan
at Liwayway; naisapelikula ang ilang akda; paglaganap
ng nobelang may ibang wikain sa bansa; pagkakaroon
ng mga pambansang timpalak sa pagsulat ng nobela,
tulad ng Palanca Awards at iba pa.
35

Ang nobela tulad din ng ibang panitikan ay may
mga katangiang dapat taglayin na namumukod sa
iba pang panuluyang akda.

Layunin ng nobela, liban sa pagbibigay-aliw sa
mambabasa, ay nagiging talaan ito ng kasaysayan at
mga aral ng buhay.

36
Maikling Sagot. Sagutin ang sumusunod na mga
tanong.

1. Ano ang nobela?

37
Maikling Sagot. Sagutin ang sumusunod na mga
tanong.

2. Ano-ano ang katangian ng isang nobela?

38
Maikling Sagot. Sagutin ang sumusunod na mga
tanong.

3. Ipaliwanag kung bakit tinatawag ding kathambuhay


ang nobela?

39
Maikling Sagot. Sagutin ang sumusunod na mga
tanong.

4. Bakit mahalang naayon sa panahon ang pagsulat ng


nobela?

40
Maikling Sagot. Sagutin ang sumusunod na mga
tanong.

5. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na “Ang


nobela ay talaan ng kasaysayan.”?

41
Isa kang kuwentista at pagkakataon mong sumali
sa timpalak na Palanca Awards para sa nobela. Sa
dami ng maaaring maging tema, naisip mong
isentro ang iyong kuwento tungkol sa fake news.
Sumulat ng isang salaysay na may pamagat, mga
tauhan, at daloy ng kuwento. Ilagay ito sa maikling
bond paper. Ipabasa ito sa iyong guro bilang siya
ang isa sa mga gaganap inampalan.
Arrogante, Jose A., Panitikang Filipino: Pampanahong Elektroniko, Binagong Edisyon. Lungsod ng Madaluyong: National
Bookstore, Inc., 2010.

Bustamante, Lucio Miguel. “Si Tandang Basio Macunat.” Project Gutenberg EBook. Nakuha sa
https://www.gutenberg.org/files/15981/15981-h/15981-h.htm noong Mayo 26, 2021.

Lee, Ricardo. Trip to Quiapo: Script Writing Manual. Lungsod ng Quezon: Anvil Publishing, Inc., 1998.

Mag-atas, Rosario U., et. al. Panitikang Kayumanggi (Pangkolehiyo), Unang Taon ng Paglilimbag. Lungsod ng Valenzuela:
National Bookstore, Inc., 1996.

Rizal, Jose P. “Noli Me Tangere.” Project Gutenberg EBook. Nakuha sa


https://www.gutenberg.org/files/20228/20228-h/20228-h.htm noong Mayo 26, 2021.

43

You might also like