You are on page 1of 14

Mapanagutang

Pamamahayag:
Isasabuhay Ko
LAYUNIN
APEKTIV
• Nahihikayat ang iba na magkaroon ng kamalayan sa
kanilang kalayaan.

SAYKOMOTOR
• Natutukoy ang pananagutang kaakibat ng malayang
pamamahayag.

KAALAMAN
• Naipaliliwanag ang kalayaan sa pamamahayag.
Activity: Maglaro tayo!
Panuto: Ayusin ang magulong titik upang makabuo ng isang
salita.

YANAAKLA
1. Naging madali ba para sa inyo ang gawain? Bakit?
2. Ano ang nararamdaman mo pag katapos mong magawa
ang gawain? Bakit?
01 PAGBASA
Diyaryo.Telebisyon.Radyo.
Maraming paraan upang maipahayag ang sarili. Isang
halimbawa ay ang pagsulat ng sanaysay na ito. Ito ay
karapatang kailangan gamitin ngunit hindi dapat abusuhin. Sa
likod ng bawat pahayag ay isang mabigat na responsibilidad at
paninindigan.
Bilang isang mamamahayag, tungkulin natin ang
maghatid ng katotohanan sa publiko. Sabi pa ni Ginoong Mike
Enriquez “Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang
kasinungalingan, serbisyong totoo lamang.”
Bilang isang demokratikong bansa, marami ang
ipinaglalaban ang kanilang karapatang magpahayag ng
kanilang sarili. Ayon sa ikatatlong artikulo ng 1987 na
Konstitusyon ng ating bansa Pilipinas seksyon apat “Hindi
dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa
pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan, o sa
karapatan ng mga taong-bayan na mapayabang magkatipon at
magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga
karaingan.” Ang karapatang magpahayag ay isang karapatang
tao na kahit kailan man ay hindi pwedeng mabawi sa atin.
Minsan ang mga bagay na nakasanayan na
ay inaabuso at minamanipula. Ang ating
karapatang ihayag ang sarili ay ginagamit ng ilan
para sa kanilang pansariling kapakanan kaya
nadudungisa ang kredibilidad ng pagpapahayag.
Ang ilan sa mga ito ay nakakasira ng pagkatao,
nakakasakit ng damdamin at minsan ay
humahantong sa pisikal na sakitan.
Sa paglipas ng panahon, patuloy pa ring
naghahayag ng sarili ang mga tao ngunit madalas na
nakaliligtaan ng mga tao ay ang responsibilidad na
nakakabit dito. Ang pagtangap ng responsibilidad ay
ang pagtanggap sa kung ano man ang pwedeng
kahantungan ng iyong mga aksyon, positibo man o
negatibo. Ika ni Benjamin Franklin “A slip of the foot
you may soon recover but a slip of the tongue you may
never get over”. Ito ay nagsasabing kailangan maging
maingat sa mga sasabihin dahil laging nasa huli ang
pagsisisi.
Ayon kay Spiderman “With great power comes
great responsibility.” Ang pagpapahayag ay hindi
lamang para sa mga mamamahayag kundi para sa
bawat isa sa atin. Ito ay pinagkaloob sa ating lahat
upang gamitin sa wastong paraan.
Ito ay isang karapatan at responsibilidad.

Ano ang ibig sabihin ng pahayag na kalayaan sa


pagpapahayag ang karapatan at ang responsibilidad?
PASALITANG
PAGSUSULIT
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na
mga sitwasyon. Ilahad sa klase kung paano mo
hihikayatin ang iba na magkaroon ng
kamalayan sa kanilang kalayaan.
1.Pagpapahayag sa sarili
2.Pagbibigay ng opinyon o komento
3.Pagboto
Activity: ROLE PLAYING
Pangkatin ang mga bata. Gumawa ng isang
maikling dula-dulaan na nagpapakita ng
pananagutang kaakibat sa malayang
pagpapahayag
Pangkat 1 - Halalan
Pangkat 2 - Pagpost sa social media
Pangkat 3 –Rally
Pamantayan sa Pagganap
Kaugnayan sa paksa - 5 puntos
Nilalaman - 5 puntos
Pagkamalikhain - 5 puntos
Wastong pagbigkas - 5 puntos
Kaisahan - 5 puntos
Kabuuan - 25 puntos
May pananagutan ba ang isang tao sa
pagpapahayag ng kaniyang saloobin,
opinyon, at paniniwala kahit na
sinasabing isa ito sa kaniyang
kalayaan? Patunayan ang inyong
sagot.
Pagsulatin ang mga mag-aaral ng kanilang
panunumpa o pangako na makikiisa sa paglutas ng mga
suliranin na nangyayari sa bansa sa pamamagitan ng
pagkumpleto nito:

Gamit ang aking kalayaan sa pamamahayag at


pagmamahal sa bansa, makakatulong ako sa paglutas ng mga
sumusunod na suliranin ng bansa:
_________________________________________
_________________________________________. Upang
mangyari ito, ipinapangako ko na gagawin ko
_________________________. Tulungan nawa ako ng
Diyos!

You might also like