You are on page 1of 19

Tekstong Naratibo

PRESENTASYON NG PANGKAT 4
Tekstong Naratibo

Ay pagsalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan,


nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan na may maayos na
pagkakasunod- sunod mula simula hanggang katapusan.
Layunin ng Tekstong Naratibo

 Layunin ng tekstong ito na magpahayag ng mga pangyayari nang may maayos na


pagkakasunod – sunod at ng mga pangyayari nakapanlilibang o nakapagbibigay aliw o
saya. Layon din nitong makapaglinaw ng paksa sa pamamagitan ng pagdedetalye.
Halimbawa:

 Maikling Kwento
 Nobela
 Kwentong Bayan
 Mitolohiya
Mga Pananaw sa Tekstong Naratibo

1.Unang Panauhan- sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga bagay
na kanyang nararanasan, naalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na “ako” o “kami”.

Halimbawa:
• Ako at si Peter ay pumunta sa paaralan noong Sabado.
•Kami ay sumali sa paligsahan sa pagsayaw pero, kahit anong ensayo namin hindi kami
nanalo.
2. Ikalawang Panauhan- dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang
pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na “ka” o
“ikaw”.

Halimbawa:
•Ikaw ang iniibig ng lahat
•Pumunta ka sa tapat ng monumento ni Gat. Jose Rizal.
3.Ikatlong Panauhan- ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang
taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay
“sila”.

Halimbawa:
•Sila ang mga istrangherong pumunta sa kumbento.
•Binigyan nila ng konting salapi ang pulubi.
4.Kombinasyong Pananaw o Paningin
-Hindi lang iisa ang tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang
nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela.
Elemento ng Tekstong Naratibo

1.Tauhan
-Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang ng
tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda ang bilang ng tauhang
magpapagalaw sa tekstong naratibo ang pangangailangan lamang ang maaaring
magtakda nito.
Paraan sa pagpapakilala ng tauhan:

•Expository- kung ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa


pagkatao ng isang tauhan at;

•Dramatiko- ito naman kung kusang magbubunyag ang karakter dahil sa kanyang
pagkilos o pagpapahayag.
•Ayon kay E.M. Forster, may dalawang (2) uri ng tauhan ang maaaring makita sa isang
tekstong naratibo tulad ng:

 TAUHANG BILOG (round character) – isang tauhang may multidimensiyonal o


maaring saklaw ang personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang
kanyang pananaw, katangian at damdamin ayon sa pangangailangan. Ang isang tahimik
at mapagtimping tauhan.
 TAUHANG LAPAD (flat character)- ito ang tauhang nagtataglay ng isa o
dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable. Madaling mahulaan at
maiugnay sa kanyang katauhan ang kanyang mga ikinikilos at maituturing na
stereotype.
Elemento ng Tekstong Naratibo

2. Tagpuan at Panahon- Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan
naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin ang panahon (oras, petsa, taon) at
maging ang damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari.
3. Banghay- Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa mga tekstong naratibo upang mabigyang linaw ang temang taglay ng akda.
Uri ng Banghay;

ANALEPSIS (flashback)
Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.

PROLEPSIS (flashforward)
Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap palang sa hinaharap.

ELLIPSIS
May mga puwang o patlang sa pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari na nagpapakitan
may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o hindi isinama.
4. Paksa o Tema- Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa
kuwento.
Pagsusuri sa Tekstong Naratibo

“Paghahanap ng Pamanang Kalinangan”


ni Randy Nobelza

Nasa elementarya pa lamang ako ay itinuturo na ang mga awiting- bayan hindi lamang sa Tagalog kundi
maging sa ibang wika gaya ng Atincu pung singsing sa Kapampangan. Hindi ko man naiintindihan ang mga
letra, tumatak pa rin sa akin ang buod nito. Para sa akin, pagpapaalala ang mga awiting- bayan at mga oral na
tradisyon upang hindi tayo makalimot sa ating pinagmulan. Kaya naman labis akong natuwa nang minsan ay
nakadalo ako sa isang immersion at educator tuor sa Pampanga. Kasama sa pupuntahan ang komunidad ng mga
Badjao sa Mabalacat, ang bagong bukas na healing spa sa paanan ng bundok Arayat, ang pribadong museo at
sikat na kainan ni Abe Aguilar- Cruz at pook ng mga Rizalista sa Pampanga. Sinamahan kami ni Isagani Ibarra,
ang local artist na pansamantalang naglaan ng
espasyo sa mga Badjao mula sa Mindanao. Malawak ang lugar sa tabi ng ilog Pampanga na pinababaw ng
natuyong abo mula sa pagputok ng Bulkang Pinatubo lampas isang dekada na ang nakakaraan. Dito ay nabigyan
ang mga Badjao ng pagkakataon upang ipagpatuloy ang kinagisnang pamumuhay malapit sa tubig. Nakatirik ang
kanilang mga bahay sa tubig at lahar.

Sa kabila nito, mararamdaman mong papalayo ka na sa magulong siyudad habang lumalapit sa panulukan
ni Mariang Sinukuan.Pinuntahan din namin ang Angeles Pampanga kung saan hindi bababa sa tatlo ang museo,
Center for Kapampangan Studies (CKS), Museo Ning Angeles at Museo ng Kalinangang Kasaysayan.
Nakapalibot lamang ang tatlong museo sa simbahan ng kabisera ng Pampanga. Wala pang 50 metro ang layo,
maaaring lakarin, ikutin at libutin. Sa pagpunta ko sa Pampanga, naisip kong marahil ang bawat paglalakbay ay
yugto rin ng paghahanap. Ang paghahanap ng nawawalang singsing na tinutukoy sa awiting- bayan na Atin cu
pung Singsing ay paghahanao din ng pamanang kalinangan ng bawat bayan.
Kahalagahan

 Mahalagang maunawaan kung paano isinusulat at binabasa ang mga tekstong


naratibo upang malaman ang kahalagahan nito, sa pangkalahatan.

 Mahalaga din ang maayos na pagsasalaysay sa bawat salaysay upang ganap na


maunawaan ang mga daloy ng pangyayari. Magkakaroon ng kalinawan ang mga
pagsasalaysay.

You might also like