You are on page 1of 15

ANG TEKSTONG NARATIBO:

KAHULUGAN, KATANGIAN, ELEMENTO, AT HALIMBAWA


TEKSTONG NARATIBO
Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga
pangyayari sa isang tao o mga tauhan,
nangyari sa isang lugar at panahon o sa
isang tagpuan, nang may maayos na
pagkakasunod-sunod mula simula
hanggang katapusan.
LAYUNIN NG TEKSTONG NARATIBO:
• Makapagsalaysay ng mga pangyayaring
nakapag bibigay aliw o
nakapagpapanatili ng interes.
• Nakapagtuturo ng kabutihang-asal at
mahahalagang aral.
IBA’T IBANG HALIMBAWA NG TEKSTONG NARATIBO:
• Maikling kuwento
• Nobela
• Kuwentong-bayan
• Mitolohiya
• Alamat
• Tulang pasalaysay
 Epiko
 dula
 Mga kuwento ng kababalaghan
 Anekdota
 Parabula
 Science Fiction
MGA IBA’T IBANG PANANAW O PUNTO DE VISTA (POINT OF
VIEW) SA TEKSTONG NARATIBO:

1. UNANG PANAUHAN – isang tauhan ang


nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang
nararanasan, naaalala, o naririnig. Kaya’t ginagamit
niya ang panghalip na “ako”

2. IKALAWANG PANAUHAN – sa pananaw na ito, para


bang kausap ng manunulat ang tauhan na ginagalaw
niya sa kuwento, kaya gumagamit siya ng mga
panghalip na “ka” o “ikaw”. Gayunpaman, hindi ito
gaanong ginagamit ng mga manunulat sa kanilang
pagsasalaysay.
3. IKATLONG PANAUHAN – ang mga pangyayari sa
pananaw na ito ay isinasalaysay ng isang tao na
walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na
ginagamit niya sa pagsasalaysay ay “siya”. Ang
tagapagsalaysay ay tagapag-obserba lamang at nasa
labas siya ng pangyayari.
May tatlong uri ang ganitong pananaw:
• Maladiyos na panauhan
• Limitadong panauhan
• Tagapag-obserbang panauhan

4. KOMBINASYONG PANANAW O PANINGIN – dito hindi


lamang iisa ang tagapagsalaysay kaya iba’t ibang
pananaw o paningin ang ginagamit sa pagsasalaysay
DALAWANG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG
DIYALOGO, SALOOBIN, O DAMDAMIN SA TEKSTONG
NARATIBO:
1. DIREKTA O TUWIRANG PAGPAPAHAYAG
– ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o
nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o
damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi.
HALIMBAWA:
“Donato, kakain na, anak” tawag ni Aling Guada sa
anak na noo’y abalang-abala sa ginagawa at hindi
halos napansing nakalapit na pala ang ina sa
kanyang kinalalagyan. “Aba’y kayganda naman
nitong ginagawa mo, anak! Ay ano ba talaga ang
balak mo ha?” Natatawang inakbayan ni Donato ang
ina at inakay papasok sa munti nlang kusina…
2. DI DIREKTA O DI TUWIRANG PAGPAPAHAYAG
- ang tagapagsalaysay ang nagsasaad ng sinasabi,
iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri
ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng
panipi.
HALIMBAWA:
Tinawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain na
habang ito’y abalang-abala sa ginagawa at hindi
halos napansing nakalapit na pala ang ina sa
kanyang kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng
ginagawa ng anak at tinanong din niya kung ano ba
talaga ang balak niya.
Natatawang inakbayan ni Donato ang ina at inakay
papasok sa munti nilang kusina.

You might also like