You are on page 1of 29

PAGSULAT NG

LATHALAIN
TAGAPAGDALOY
LAYUNIN NG SESYON

1. Naibibigay ang 3. Naibibigay ang mga


kahulugan ng uri ng Lathalain.
Lathalain.

2. Natutukoy ang 4. Nakasusulat ng


mga bahagi ng sariling likhang
Lathalain. Lathalain.
Alam mo ba???
Ang pagsulat ng Lathalain ang pinaka-
kasabik-sabik sa lahat!
Bilang panimula…
• Ang Lathalain ay naiiba sa pagsulat ng
balita sa isang aspeto– layunin.
• Ang balita ay nagbibigay impormasyon
tungkol sa isang pangyayari, ideya, o
sitwasyon.
• Ang lathalain ay nagbibigay pa ng mas
mataas na lebel– nagbibigay
interpretasyon sa isang balita,
nagdadagdag ng lalim at kulay sa isang
kwento, nagbibigay ng panuto at nagbibigay
Katangian ng isang taong nais
sumulat ng Lathalain:

• Malikhain
• May interes at mahilig magtanong
• Mahilig magbasa
Ayon sa mga eksperto mayroon higit sa
dosenang uri ng Lathalain
• Lathalaing Pabalita (News Feature)

- Malalim na pagtingin sa balita, mas


naka-sentro sa emosyon ng taong
sangkot.

Hal. Balik Tanaw sa Malagim na Sinapit ng


SAF 44
Ayon sa mga eksperto mayroon higit sa
dosenang uri ng Lathalain
• Lathalaing Nagpapabatid
(Informative Feature)

- Nagbibigay ng kapakipakinabang na
ulat, nagdadagdag ng kaalaman o
karunungan at may layuning
magturo/magpayo.

Hal. Tips upang makatipid sa Kuryente


Ayon sa mga eksperto mayroon higit sa
dosenang uri ng Lathalain
• Lathalaing Pansarili/Pangkatauhan
(Personality)

- Maaaring kahit sinong personalidad–


mula sa mga naging presidente o karaniwang
mamamayan.
- Maaaring kapamilya, kaibigan o sariling
karanasan.
Ayon sa mga eksperto mayroon higit sa
dosenang uri ng Lathalain
• Lathalaing Pangkasaysayan/Kultural
(Historical/Cultural)

- Tungkol sa sining at pamana ng


lahi o pagpapahalagang kultural.

Hal. Pagkakabawi ng Pilipinas sa Balanggiga Bell


Ayon sa mga eksperto mayroon higit sa
dosenang uri ng Lathalain
• Lathalaing Panlibang
(Entertainment )

-Showbiz, pelikula, sa social


media, telebisyon– mga eksena sa likod
ng kwento.

Hal. Si Diglow at si Dighay


“Huwag mo nang basahin ito”
Ayon sa mga eksperto mayroon higit sa
dosenang uri ng Lathalain
• Lathalaing Pangkalakalan (Business )

- Mga matagumpay at patok na mga


negosyo o negosyante na tumutulong sa
ating komunidad.
Ayon sa mga eksperto mayroon higit sa
dosenang uri ng Lathalain
• Lathalaing Paglalakbay (Travel
Features)

- Bagong destinasyon, biyahe,


mga tips, mga kakaibang karanasan
ng mga paglalakbay.
Ayon sa mga eksperto mayroon higit sa
dosenang uri ng Lathalain
• Lathalaing Pangkaganapan
(Seasonal/Event Features)

- Kwento sa pagdiriwang ng mga


partikular na okasyon– hal. Kapistahan,
Mother’s Day, Pasko, Valentine’s day,
Mahal na Araw at iba pa.
- maaari rin ang mga brand/product
lauching
Katangian ng isang Lathalain:

 Timeless
 May kaisahan (Unity)
 Kaugnayan (Coherence)
 May Kawilihan (Interest)
 Iwasan ang Kilometric Sentence
 K.I.S.S
Write to express not
To impress
Paano ka
magsisimula???
Itanong mo ito…
Ano ba ang kawili-wiling isulat?
Dapat alam natin ang…
• Tamang gramatika at iba pa
• Pagiging mausisa sa lahat ng bagay
• Pagiging interesado sa mga tao at pangyaya
• Palabasa at social media follower
• Pagsasagawa ng pananaliksik
• Hindi nagpa-PLAGIARIZE

• Tip: Nakakatulong ang pangma-MARITES


Proseso ng
Pagsulat
MGA URI NG MAKABAGONG PAMATNUBAY
Isulat sa paraang kakaiba • Patanong
• Siniping-sabi
at maka-agaw pansin ang • Paglalarawan
pamagat ng iyong Lathalain • Isang salita
• Panggulat
• Paghahambing

PAMAGAT • Sanligan
• Parodya
• Pamatnubay na Kakatwa
• Hiwa-hiwalay na salita o parirala

PANIMULA
Pagkatapos makasulat ng
pamatnubay, handa ka nang
iorganisa ang mga datos upang
buuin ang iyong lathalain. Mga Anyo ng Pagwawakas
Ang pagbuo ng istorya ay
kadalasang pinakamahirap dahil
nangangailangan ito ng • Pabuod
pagsasaayos ng mga datos o • Di- inaasahan
detalye sa pamamaraang • Kasukdulan
napapanatili nito ang kawilihan ng • Nakabitin
mambabasa mula sa simula
hanggang wakas.
WAKAS
KATAWAN
Isaalang-alang ang
iyong mambabasa
Tips para sa
maiPANALO ang
artikulo
• Bigyang pokus ang interes ng tao – ang
pagbibigay buhay at emosyon sa isinusulat
ay mahalaga!
• Maging sigurado kung bakit ka sumusulat.
Para ba magpabatid, manghikayat, magbigay
obserbasyon, manuri o pukawin ang
emosyon ng mambabasa
• Ang katumpakan ay mahalaga. Sipatin muli
ang sources. (Tip: bigyan ng credit ang
sources mo)
• Panatilihin ang kawilihan at interes ng
iyong mambabasa. Ano ba ang gusto
nilang mabasa?
• Iwasan ang mga clichés at sentimental
na mga pahayag lalo na sa simula at
wakas.
• Gumamit ng mga anekdota o siniping-
sabi sa paghahayag- kung maaari
iwasan ang paggamit ng maraming
sariling salita.
• Piliin ang angkop na aspekto ng pandiwa
na gagamitin mula sa umpisa hanggang
sa wakas ng artikulo. Mas mainam ang
nasa “present tense”.
• Iwasan ang mahahaba at komplikadong
mga talata.
• Interbyu (kung sakaling mayroon) huwag
magtanong ng “irrelevant” at hindi
mahalaga para sa artikulo.
“Kung ang iyong layunin
ay upang baguhin ang
mundo, ang
pamamahayag ay isang
mas agarang sandata
mo.”
Maraming salamat sa
pakikinig!
FREE RESOURCE PAGE
FREE RESOURCE PAGE

You might also like