You are on page 1of 34

ANG AWDIYENS

BILANG MAMBABASA
PAGGANYAK
• Magsagawa ng klastering sa loob ng
klase kaugnay sa iba’t ibang genre o
kategorya ng mga kinahihiligang basahin
ninyo gaya ng nobela, tula, mga
magasin, at iba pa: Sa pagkaklaster,
tatalakayin ang mga sumusunod na mga
katanungan sa ibaba:
•Bakit ito ang kinahihiligan mong
basahin?
•Ano ang naidudulot nitong kasiyahan sa
tuwing binabasa mo ang genre na ito?
•Paano nagsimula ang hilig mong
magbasa ng ganitong uri ng genre?
•Mula sa gawaing ito, tutuklasin at
tutukuyin ng bawat-grupo ang mga
tiyak na katangiang taglay ng iba
pang grupo na siyang
pangangasiwaan ng guro.
ANG AWDIYENS BILANG MAMBABASA
• Ang pagkilala at pagtukoy sa iyong awdiyens bilang
mga mambabasa ay isang napakahalagnag salik
na nararapat mong isaalang-alang sa pagbuo ng
anumang uring sulatin.
• Ang mga mambabasa ay nagiging mapili sa mga
impormasyong may interes lamang sila. Karaniwan,
mas binibigyang-tuon nila ang mga materyal na
kailangan nila at kung ano lamang ang
makatutulong sa kanila.
• Sa makatuwid, ang pagtukoy at pagkilala sa iyong
awdiyens bilang mambabasa at tagatanggap ng
mensahe ay higit na mahalaga upang malinaw
mong maiparating ang iyong mensahe.
• Bawat babasahin ay may nakatakdang awdiyens.
Ito ang pangunahing tuntuning hindi mo dapat
kaligtaan. Dahil dito, mahalaga ang pag-alam sa
profile ng iyong awdiyens bago ka lumikha ng
anumang uri ng komunikasyon.
• Ilang gabay na maaaring pagnilayan:
• Sino ang magbabasa?
• Ano ang kailangan nilang impormasyon?
• Saan nila ito babasahin?
• Kailan nila ito babasahin?
• Bakit kailangan nilang basahin ang
impormasyon?
• Paano nila ito babasahin at uunawain
APAT NA GABAY SA PAGTATASA SA MGA
MAMBABASA NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
• Karamihan sa mambabasa ng mga
komunikasyong teknikal ay nakatuon lamang
sa mahahalagang impormasyong iyong
ibinabahagi. Hindi nila binabasa ang mga
materyal upang maglibang, bagkus, inaalam
nila kung anong aksiyon o desisyon ang
nararapat gawin.
• Ang mga mambabasa ang nagbibigay
ng interpretasyon ng tekstong iyong
isinulat. Inaasahan na dali nilang
mauunawaan ang paraan ng iyong
pagsulat lalo’t hindi mo ito
maipapaliwanag sa kanila sa lahat ng
pagkakataon.
• Tandaan, kung mas maikli ang teksto,
mas binabasa nila ito.
• Sa kasalukuyan, isa sa preperensiya ng
mga mambabasa ang infographics sa
halip na puro teksto lang ang kanilang
nakikita.
APAT NA URI NG MAMBABASA
•Primaryang Mambabasa
sila ang mga tuwirang
pinatutunguhan ng iyong mensahe
na umaaksiyon o nagbibigay-
pasya.
• Sekondaryang Mambabasa
sila ang mga nagbibigay-payo sa
primaryang mambabasa. Karaniwan, ang
mga sekondaryang mambabasa ay mga
ekspertong may espesyal na kaalaman
upang matulungan sa pagpapasya ang
primaryang mambabasa.
• Tersiyaryang Mambabasa
sila ang mga maaaring may interes sa
impormasyong matatagpuan sa dokumento.
Nagsisilbi rin silang ebalweytor o interpreter
gamit ang iba’t ibang perspektiba. Karaniwan
sa kanila ay mga reporter, analyst, historyador,
mga gurpong may kani-kaniyang isinusulong
na adbokasiya.
•Gatekeepers
sila ang namamahala sa nilalaman
ng dokumento gayundin sa estilo
nito bago pa man ito ipahatid sa
primaryang mambabasa.
PAGTUKOY SA PANGANGAILANGAN, AT
SALOOBIN NG MGA MAMBABASA
• Mahalaga para sa isang manunulat na
kilalanin ang pangangailangan,
pagpapahalaga at saloobin ng kanyang
mga mambabasa.
• Ito ang tinatawag nating mga salik-sikolohika
na nakaaapekto sa paraan ng pagkilala,
pag-unawa, at pagtugon ng mga
mambabasa sa iyong isinulat na dokumento.
• Pangangailangan
– tumutukoy ito sa mga impormasyong kinakailangan
matugunan o maaksiyunan ng iyong mambabasa.
• Pagpapahalaga
– kinapapalooban ito ng mga usapin o adyenda,
tunghuhin o mga paniniwala na mahalaga sa mga
mambabasa.
• Saloobin
– ito ang nagsisilbing tugon ng mambabasa sa iyong
isinulat na makaaapekto sa kanila.
ANG KOLABORASYON
• Susi sa isang matagumpay na proyekto ang
pagkakaroon ng koletibo at kolaborasyong
pagkilos.
• Ang istratehiyang ito ay matagal nang
napatunayang mabisa ng napakarami at
malalaking kompanya sa daigdig.
• Masasaksihan ang kominikasyong teknikal sa
lahat ng larangan.
• Ilan sa mga bentahe ng kolaboratibong
gawain
• Nakasentro sa kalakasan ng bawat
miyembo
• Napalulutang ang pagkamalikhain
• Napalalakas ang paniniwalang
pansamahan
APAT NA YUGTO NG KOLABORASYON

•Kaakibat ng salitang kolaborasyon ay


ang pagtatakda ng tunguhin at
layunin na nais matamo ng isang
organisasyon o grupo. Narito ang
mga pundamental na yugto sa
mahusay na kolaborasyon
• Forming – pagbibigay buhay sa misyon,
pagtatakda ng layunin
• Storming – tumutukoy sa wastong
pamamahala ng mga tunggalian,
tensiyon sa pamumuno at pamamahala
at pagkadismaya.
• Norming – pagtasa sa kaisahan ng grupo
sa napagkasunduan, pagpapakinis ng
mga itinakdang layunin.
• Performing – ang pagbabahagi ng
tungguhin, paghahati-hating gawain,
pagtugon sa mga tunggalian.
•Sa yugto ng forming at storming,
ang grupo ay higit na
nakadepende sa lider nito tungo
sa wastong paggabay.
ANIM NA HAKBANG SA FORMING BILANG
MAESTRATEHIYANG PARAAN NG PAGPAPLANO
• Pagtukoy sa Misyon at Layunin sa Proyekto
• Pagtukoy sa Kalalabasan ng Proyekto
• Pagtukoy sa Responsibilidad ng mga
Miyembro
• Paglikha ng iskedyul ng Proyekto
• Pagbuo ng Plano
• Pagsang-ayon sa Pagresolba ng Tunggalian
ANG STORMING: MGA WASTONG
PAMAMAHALA SA TUNGGALIAN
•Yugto kung saan nagkakaroon
ng negosasyon at hindi
pagkakaunawan ang buong
grupo.
•Variation ng mungkahi tungo sa
ikagaganda ng proyekto
•Bahagyang pagdududa kung
magiging matagaumpay ang
proyekto
•Kompetensiya sa isa’t isa
• Hindi pagkilala sa ideya ng ibang
miyembro
• Pagbabago ng nauna nang itinakdang
layunin
• Mga isyung may kaugnayan sa etika
• Hindi pantay na paghahati-hati ng
gawain
ANG NORMING BILANG PAGTUKOY
SA GAMPANIN NG MGA MIYEMBRO

•Sa yugtong ito, inaasahan


ang pagkakaroon ng
kaisahan sa lahat ng
miyembro.
ANG PERFORMING BILANG TAGAPAGPANATILI
NG KALIDAD NG PROYEKTO

•Ito ang yugtong mahusay na


tinitingnan ang kalidad ng
ginawang proyekto bago man ito
maisapinal.
PANGKATANG GAWAIN 1:
•Panoorin ang Video at Isulat sa
Papel kung anong uring
mambabasa ang naglalahad ng
Video. Isulat sa inyong papel ang
ang paliwanag ng inyong sagot.
REPLEKSIYON
• Ano ang nais iparating ng nasabing
Video.
• Anong uring mambabasa ang mga
nagsasalita sa Video.
• Ipaliwanag kung bakit ganon ang iyong
sagot sa bilang 2.
PAGPAPALALIM
• Bumuo ng grupong may apat na miyembro at
sundin ang prosesong nakatala sa ibaba
upang makasulat ng isang sanaysay tungkol
sa hilig o interes ng inyong mga kaklase.
Maaaring ito ay may kaugnayan sa kanilang
paboritong kasuotan, musika, palabas, laro at
iba pa.
• Magsagawa ng impormal na sarbey o panayam sa buong
klase upang matukoy ang panlahat na interes.
• Pagsama-samahin ang mga nakuhang datos
• Magpasya ang grupo kung alin sa mga ito ang gagawan
ng sanaysay.
• Balangkasin ang magiging daloy ng sanaysay
• Simulan ang pagsulat ng sanaysay. Gawin itong
mapaghikayat
• Ilahad ito sa klasrum sa susunod na pagkikita.
THANK YOU!

You might also like